EPISODE 36 COLD-HEARTED ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. NAWALAN ako ng gana pagkatapos naming mag-usap ni Alonzo nang matapos akong mag surfing sa may dagat. Nagkulong ako sa kwarto at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi ako nakakain ng dinner kaya nang magising ako ay narinig ko kaagad ang pagtunog ng aking tiyan. Ayoko pa sanang lumabas sa kwarto, pero gutom na gutom na talaga ako. Magdadasal na lang ako na hindi ko makasalubong sa labas si Alonzo, o hindi naman ay makita dahil wala ako sa mood ngayon na galitin siya o asarin. Gusto kong iwasan ang presensya niya. Naligo muna ako at nag-ayos ng aking sarili bago ako lumabas sa kwarto upang kumain. Nang makalabas na ako ay nakita ko kaagad si Inday na naglalakad papunta dito sa kwarto ko. Bahagya siyang napatigil sa paglal

