EPISODE 38 I CHOOSE YOU ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. LOVE MAKES ME WEAK. Hindi dapat ako nagpadala sa nararamdaman ko para kay Alonzo—dapat naging matapang ako. Pero hindi… hindi ko kaya. Kahit anong pilit ko ay hindi talaga mawawala ang nararamdaman ko para sa lalaking ‘to. “Ano ba ang kinain mo at bigla kang nagka allergy?” Ginagamot ko ang mga sugat ni Alonzo ngayon sa kanyang likuran at nandito kami sa loob ng kanyang kwarto. Nang dahil sa pagkataranta ko kanina ay nailabas ko na rin ang tunay kong nararamdaman… na mahal ko pa rin si Alonzo kahit na trinaydor niya ako. Alonzo is my first love. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa isang lalaki at inaamin ko na mahirap itong alisin sa puso’t isipan mo lalo na kapag palagi mo naman siyang nakikita at nakakasama. Para mo lang nil

