EPISODE 40 OVERTHINK ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Ate Alex, nagkabalikan na ba ulit kayo ni Sir Alonzo? Napapansin po kais namin na ang sweet niyo sa isa’t isa. Hindi lang po namin kayo iniistorbo dahil ang cute niyong tingnan.” Napatigil ako sa paghiwa ng kamatis at napatingin ako kay Inday. Nandito kaming dalawa ngayon sa kusina at naghahanda sa aming mga lulutin sa aming tanghalian. Si Alonzo naman ay nasa kanyang opisina sa taas at may importanteng ginawa. Alam ko na related ito sa akin at kay Ludovica kaya hinayaan ko muna siya. Sa mga oras na ito ngayon ay pagbibigyan ko muna si Alonzo na gawin ang kanyang parte at ang kanyang pangako sa akin na aayusin niya ang lahat. Pero kahit nangako siya sa akin ay kailangan ko pa rin na maghanda sa mga mangyayari. Ayokong maging kalmado pal

