EPISODE 20 PERMISSION ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Alessandra, kailangan mo pang magpahinga. Hindi pa kaya ng katawan mo na gumalaw-galaw kaya isang linggo ka munang mag pahinga dito sa hospital bago ka makaalis dito.” Hindi ko mapigilan na mapairap ng sabihin iyon ni Mommy. Simula nang ma-rescue at nakapunta na kami sa hospital, sobrang-sobra ang pag-aalala ni Mommy at ayaw niya akong iwan dito sa aking kwarto sa hospital. Kaya ko namang maglakad at kaya kong makagalaw na mag-isa—kahit sa pagkain ko at pati na rin sa pagpunta sa CR. “Naime, masyado ka naman atang overacting diyan. Naghilom na nga ‘yang sugat ni Alex, oh!” wika ni Tita Kira na nandito rin sa loob ng room ko. Nandito si Tita Kira at Tita Isabelle upang dalawin ako at dinalhan din nila ako ng mga prutas. “Oo nga, ang l

