Episode 2- Love Letter #1 Proposal

1318 Words
Kagat labi na nag-iisip si Mika bago tumingin sa picture ni Adam na nakuha niya sa IG at i-print iyon saka inilagay sa frame. Nakaupo siya sa desk ng kwarto niya, nakapaligid ang mga scratch paper ng mga draft na hindi niya nagustuhan. Ika-limang attempt na niya iyon ngayong gabi, at pakiramdam niya parang thesis ang sinusulat niya, hindi love letter. Yes, nag susulat siya ng love letter na ibibigay niya kay Adam. Na niniwala kasi siya sa sinabi ng Mommy niya na kapag mahal mo, ipakita mo wag mong itago. Gawin mong public ang tunay mong feelings. Pero palaging tatandaan ang watawat ng kababaihan ugaliin laging nasa taas, ibaba lang daw kapag kailangan. Hayaan sambahin ng lahat pero wag hayaan na hawakan ng marami kaya nga daw nasa taas ang watawat upang hindi maabot ng sino man. Ganun din daw dapat ang hiyas ng babae kaya heto ipangangalandakan niya ang feeling niya kay Adam kahit iniirapan lang siya ni Adam na isang sophamore student. "Okay, Mikay. Focus. Ito na ang official Love Letter #1 mo. Dapat memorable, dapat sincere, dapat heart-melting. Kung hindi siya mapapasagot dito, ewan ko na lang." Huminga siya nang malalim at nagsimulang magsulat habang naka ngiti. "Dear Adam, Hi! Baka magulat ka na bigla na lang akong nagsulat sa’yo. Don’t worry, hindi naman ako stalker—hmm, maybe konti lang. Joke! Pero seryoso, hindi talaga. Gusto ko lang sabihin na… I like you. Actually, matagal na. Ever since first day. Nakakahiya man, pero ikaw yung unang taong pinasaya ako kahit hindi mo alam. Every time na nakikita kitang naglalaro ng basketball, tumatawa kasama ng barkada mo, or kahit nakasimangot ka lang, ewan ko ba—parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. So… eto na yun. First official love letter ko for you. Kung ayaw mong sagutin, okay lang. Basta gusto ko lang na malaman mo. Kasi sabi nila, sayang ang pagkakataon kung hindi mo susubukan. And Adam, gusto kong subukan. Gusto kong makilala ka, gusto kong maging parte ng mundo mo. Kahit friend lang muna sa ngayon saka mo na ako pakasalan pag nasa edad na tayo. Ikaw ang lalaking gusto kong makasama habang buhay, will you marry me someday? Sincerely, Mikay a.k.a. The Girl Who Dares to Love You First." Nakangiti siyang binasa ulit ang sinulat. May konting kaba, may kilig, pero overall proud siya. "Perfect. Ito na talaga." usal pa niya saka tinupi niya nang maayos ang stationery, isinilid sa cute na envelope na may doodle ng headphones at notes—signature niya bilang DJ-wannabe. Kiniss pa niya bago isinara. "Love Letter #1, My first ever proposal... reporting for duty. 99 more to go!" iyon kasi sabi niya sa sarili niya kapag naka 100 proposal na siya at hindi pa rin nagiging sila then malinaw lang na walang pag-asa kaya move forward na lang pero habang malayo pa naman malaki ang chance. - - - - - Hawak-hawak niya ang sobre habang nakatayo sa gilid ng court. Andun si Adam, Nag didrible ng bola bago magsimula ang practice. Ang taas ng energy ng lugar—shouts, whistles, tawanan. Pero para kay Mikay, parang nag-slow motion ang lahat. Nasa quadrangle ang karamihan ng studyante na gustong mag try-out na sumali ng basketball. "Okay, Mikay. This is it. Walang atrasan." wika pa niya sa sarili niya saka lumapit na siya nang dahan-dahan. Hindi siya pinansin ni Adam agad ng tawagin niya, busy pa ito sa pag-ikot ng bola sa daliri. Nang nasa harap na siya, ngumiti siya nang malapad. "Hi, Adam," bati niya. Tumigil ito, tumingin sa kanya, malamig ang mga mata. "Ano?" supladong tanong nito, iilang weeks pa lang nag sisimula ang school year pero sobrang popular na si Adam sa buong campus dahil halos lahat na yata ng 75% ng girl population ng school may gusto dito. At lahat naman pinapansin nito at sweet ito sa lahat ng babae. Mukhang playboy dahil lahat nalang pini-please nito, maliban lang sa kanya na hindi niya alam kung bakit dahil palagi itong nakasimangot at suplado pag siya ang nakikita nito at kapag lumalapit siya. Inabot niya agad ang sobre ng love letter niya. "Love letter ko para sa’yo." Narinig niya ang sabay-sabay na hagikhikan ng mga studyanteng naroon maging ang mga nanoood. "Uy, love letter!" sigaw ng isa na natatawa. "Si Razon, may crush sa soon to be captain ball natin!" anusyo pa ng isang taga 3rd year na member ng basketball. Adam took the envelope habang naka simangot. For a second, Mikay held her breath. Maybe he’d smile. Maybe he’d read it. Maybe… Walang pasasalamat. Walang kahit anong reaction. Binuksan nito ang sobre sa harap ng lahat, binasa ng malakas sa harapan ng lahat na medyo ikinahiya ni Mikay pero hindi na lang siya kumibo nanatili siyang naka smile ng walang kaabog-abog na itinapon diretso sa basurahan sa tabi ng bench na inakala pa niya itatago nito sa bag yun pala itatapon lang nito kaya tumalikod pa sa kanya. "Hanep! You're the man! Savage!" tawanan ng barkada nito ng bumalik sa Adam. Napanganga man si Mikay, pero pinilit niyang ngumiti pa rin. "Ahhhh… okay. At least… nabasa mo naman kaya okay na din ako." positive pa rin wika ni Mikay. Adam looked straight into her eyes, puno ng pagtataka dahil hindi man lang niya nakita na na bother ito dahil sa naging bahavior niya, his voice sharp. "I Don’t like, so back off!" Pakiramdam ni Mikay bumagsak ang buong mundo sa kanya. Ang tawa ng mga tao sa paligid parang echo na sumasampal sa kanya paulit-ulit. Pero hindi niya ipinakitang nasaktan siya. Hindi siya puwedeng umiyak dahil sino ba may sabi sa kanya na gawin niya yun? Sino ba may sabi na magkagusto siya kay Adam. So she smiled—fake, brave, but still a smile. "Noted," she said softly. Tapos naglakad siya palayo, na parang walang nangyari kahit nakasunod sa kanya ng tingin ang lahat. Alam niyang pinag tatawanan siya ng lahat pero wala siyang paki-alam. "Seryoso ba talaga siya?" tanong ng isa kay Adam na nakasunod ng tingin kay Mikay na salubong ang kilay. He rejected her ang normal na reaction ng babae, umiyak at masaktan pero si Mikay ngumiti lang ito at puno ng kumpiyansa na taas noo pang umalis. "I don't a damn." ani Adam sabay nag dribol na ng bola na napapatingin sa trashbin kung saan niya tinapon ang love letter ni Mikay. - - - - - - Habang ngumunguya ng pringles nakahiga si Mikay sa kama, nakatitig sa kisame. Paulit-ulit sa isip niya yung eksena kanina: yung mata ni Adam, yung tunog ng papel na nag-crumple, yung pagbagsak ng liham niya sa basurahan. "Aray naman," bulong niya sa sarili sabay bangon at bumaba sa kama saka nag tungo sa study table niya hindi siya nagdalawang-isip. Kinuha niya ulit ang stationery, at nagsimulang magsulat para sa love letter #2 Dear Adam, Okay lang kung tinapon mo yung una kong proposal. Hindi ako susuko. Kasi naniniwala ako, one day, mapapansin mo rin ako. And when that day comes, promise, worth it lahat ng rejection na ito. Dahil alam ko na ako pa rin ang pakakasalan mo someday. Kaya i-rereserve ko na ang slot na yun for you my soon to be groom. See you soon, Mr. Arrogant. –Mikay Pinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim. Oo, masakit. Oo, nakakahiya. Pero siya si Mikaela Razon, hindi sumusuko. Anak kaya siya ng may-ari ng supplier ng kuryente sa Pilipinas. Walang makakatangi sa kanya, kundi putol ang kuryente sa bahay ng mga ito. Kung hindi pa siya pinansin ni Adam ngayon, edi bukas ulit. At sa susunod. At sa susunod pa hanggang sa ma realize nito na siya talaga ang babaeng nasa future nito. After all, this was only Love Letter #2.And she had ninety-eight more to go. Kaya walang sukuan, "Try and try until you die—este success pala yun." wika ni Mikay sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD