UNEXPECTED 1

1117 Words
EPISODE 1 SABINA’S POINT OF VIEW. “Hmmm...” Napangiti ako nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran kaya hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa may tiyan ko at bahagya itong hinaplos. Last night was amazing! I gave up my v-card to my boyfriend since highschool, Gideon Aiden Coleman. We’ve been together for 7 years and yesterday is our anniversary and I surprises him here in his condo unit and I grabbed him and kisses him on his lips. Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita at pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. I promise to myself na ibibigay ko lang ang aking sarili kapag kinasal na kaming dalawa ni Aiden, pero kahapon ay buo na ang aking desisyon—ibinigay ko na ito sa kanya. Siya rin naman ang lalaking pakakasalan ko dahil matagal na kaming magkasintahan at matalik na magkaibigan ang aming mga magulang. Everything is perfect! Kami na lang ang kulang ni Aiden and we can settle and start a family. Siya na lang ang hinihintay ko na mag-propose sa akin o hindi naman ay yayain akong magpakasal. Masyadong mabait si Aiden at lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Malaki rin ang respeto niya sa akin kaya kahit na matagal na kaming magkasintahan ay never pang may nangyari sa amin dahil ayaw niya akong pangunahan at nire-respeto niya ang aking gusto na kasal muna bago may mangyari sa aming dalawa. Ngayon na may nangyari na sa amin ni Aiden ay sigurado akong hindi niya ito palalagpasin at agad na siyang magyayaya sa akin na magpakasal. Napangiti ako nang maisip ko iyon. God! I love him so much. Kahit masakit ang aking katawan, pinilit ko pa rin na gumalaw at humarap ako sa aking boyfriend habang pareho kaming nakahiga rito sa malambot na kama at ang kumot lang ang nakatakip sa hubad naming mga katawan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata upang matignan ko ang gwapong mukha ng aking boyfriend na si Gideon Aiden Coleman. Pero nang mapatingin ako sa lalaking nasa aking harapan ay hindi ko mapigilan na kabahan at maguluhan. Wait. Si Aiden ba itong nasa aking harapan at kasama ko sa kama? Bakit... bakit parang nag-iba ang kanyang itsura? Oo, kamukha ng boyfriend ko itong kasama ko sa kama pero nagdududa pa rin ako na hindi si Aiden ang aking kasama. Dahil kinakabahan na ako at gusto kong masiguro kung ang boyfriend ko ba ang kasama ko ngayon sa kama ay bahagya kong inalis ang kumot na nakatakip sa bandang dibdib nito upang matignan ko kung may birthmark ba siya sa gilid ng kanyang dibdib dahil ang boyfriend ko na si Aiden ay may birthmark dito samantalang... samantalang ang kanyang kambal na si Caden ay wala. Oo, may kambal ang boyfriend ko kaya labis akong kinakabahan ngayon dito dahil hindi pwede na si Caden itong nakatalik ko kagabi! Hindi ako makakapayag at hindi ko matatanggap na siya ang nakauna sa akin, na siya ang nabigyan ko sa aking v-card. No f*cking way! “Oh my God!” Tuluyan na akong napaiyak nang makita kong wala siyang birthmark sa gilid ng kanyang dibdib. He’s not my boyfriend! He’s my boyfriend’s twin brother. He’s Gideon f*cking Caden Coleman! “AHHHH!” malakas akong napatili at mabilis na umalis sa may kama habang dala-dala ang kumot at tinakpan ang aking hubad na katawan. Wala akong pakialam kung nakahubad din si Caden ngayon. Galit ako sa kanya! Nasaan ang boyfriend ko?! Bakit siya ang nandito?! WHAT THE F*CK?! Napabalikwas na rin siya at nagising nang wala sa oras dahil sa malakas ko na pagsigaw. Ang kanina’y inaantok niyang pagmumukha ay napalitan ng pagkagulat nang makita niya ako at makita niya ang kanyang hubad na katawan. Mabilis niyang kinuha ang unan na nasa kanyang tabi at tinakpan ang kanya at muli siyang napatingin sa akin habang nanlalaki pa rin ang mga mata sa labis na gulat. “Ni-Nica,” banggit niya sa aking pangalan. “Walang hiya ka! Nasaan ang boyfriend ko?! Bakit ikaw ang nandito?! Putangina ka, Caden!” malakas kong sigaw. Pinaghahagis ko na lahat ng makikita kong mga gamit at nahagis ko na rin ang tsinelas na nakita ko sa lapag at nasapol ito sa kanyang mukha kaya napadaig siya sa sobrang sakit at napahawak siya sa kanyang ilong. Si Gideon Caden Coleman ang kambal ng aking boyfriend na si Aiden. Kung gaano ko kamahal si Aiden ay ganun din ang kabaliktaran nang nararamdaman ko kay Caden. Masyado siyang arogante at malayong-malayo siya sa personalidad ng kanyang kapatid na masiyahin at palangiti. Kapag nakikita ko si Caden ay nakakaramdam kaagad ako ng negative vibes kaya naiinis ako sa kanya at sa palaging nakasimangot niyang mukha. Hindi ba siya marunong ngumiti?! I hate him so much! Oh My God! No. Hindi si Caden ang nakatalik ko kagabi. Hindi maaari ito! Nang bahagya na akong kumalma ay muli akong nagtanong sa kanya pero kawawa na ang mukha ni Caden ngayon dahil ilang gamit na ang hinagis ko sa kanya at nagdugo na rin ang kanyang ilong nang dahil sa aking ginawa. “N-Nasaan si Aiden? Bakit ka nandito at bakit ikaw ang aking katabi?” tanong ko sa kanya gamit ang aking kalmado na boses kahit ang totoo nito’y kinakabahan pa rin talaga ako. Seryoso niya akong tinitigan habang nakahawak sa kanyang ilong na dumudugo na ngayon. “Sabina Veronica, ako ang nakasama mo kagabi. Ako ang nakatalik mo at hindi ang aking kakambal na si Aiden,” seryoso niyang sagot sa aking katanungan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak. Oh My God! I slept with my boyfriend’s twin brother! Magagalit sa akin si Aiden. Hihiwalayan niya ako kapag nalaman niya ang totoo... isusumpa niya ako! Hina akong napaupo sa may lapag at umiyak nang umiyak. F*ck! What have I done?! Kapag nalaman ito ni Aiden ay sigurado akong hindi na niya ako mapapatawad at masisira rin ang pagkakapatid nilang dalawa ni Caden at ayokong mangyari iyon. “Sabina—” Nag-angat ako ng tingin kay Caden at nakita kong nakasuot na siya ng shirt at ng kanyang boxer shorts. Seryoso siyang nakatingin sa akin at bakas din sa kanyang mukha ang labis na pagsisisi. “Hindo pwedeng malaman ito ng kakambal mo,” malamig kong sabi sa kanya. Napakunot ang kanyang noo habang nakatingin pa rin sa akin. “Sabina—” “Nagkakaintindihan ba tayo, Gideon Caden Coleman?!” bahagyang napataas ang aking boses at muli na naman akong napaiyak nang dahil sa nangyari. Nakita kong huminga nang malalim si Caden at muli siyang tumingin sa akin ng seryoso at tumango. “As you wish, Nica. Hindi ito malalaman ni Aiden.” Napatango ako at muling napaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD