TMSA: 14

2157 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 14 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. MABILIS KO LANG na ipasok sa loob si Emilio sa bahay dahil nag ce-cellphone lang ang guard na nagbabantay sa may gate. At nang makita niya ako ay ibinalik niya kaagad ang atensyon sa kanyang phone kaya ng pinasunod ko na sa akin si Emilio ay mabilis lang siyang nakapasok sa loob ng property namin. Habang naglalakad kami ngayon papunta sa bahay ay nakatingin lang siya sa paligid at tahimik lang siya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon habang nakatingin siya sa paligid. Nakapunta na kaya siya dito noon? Did we know each other noong mga bata pa kami? Wala na kasi akong maalala sa childhood ko rito pagkatapos kong umalis papuntang America. “Ang laki pala talaga ng bahay niyo ‘no? Hula ko, galing ‘to sa kaban ng bayan?” Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin ‘yun ni Emilio. Huminga ako ng malalim at humarap ako sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso. “For your information, hindi ‘to galing sa kaban ng bayan. Minana ‘to ni Mommy sa mga magulang niya. Hindi pa nagtatrabaho sa government ang mga magulang ko ay nakatayo na ang bahay na ‘to dito,” seryoso ko na sabi sa kanya. Ngumisi siya at humakbang siya palapit sa akin at bahagya niyang ipinantay ang kanyang mukha sa aking mukha at nagsalita siya. “Why are you so defensive, Miss Caballero? Nagtatanong lang naman ako,” mapang-asar niyang sabi sa akin. Ngumisi rin ako pabalik at nagsasalita ako. “At sinasagot ko lang din ang tanong mo,” sabi ko at tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad ngayon. Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa, pero agad na rin siyang sumunod sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Gusto ko sana na dito kami sa may living room namin gagawa ng project namin, pero baka makita kami ng mga tauhan namin dito at isumbong ako sa mga magulang ko na may kasama akong lalaki. Buti na lang talaga at hindi nagkalat ang mga kasambahay namin dito sa bahay kaya wala kaming nakikita na ibang tao ngayon ng makapasok kami sa loob ng bahay. Humarap ako kay Emilio at nagsalita ako. “Sa kwarto na tayo gumawa ng project,” seryoso ko na sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtaas sa kanyang kilay na para bang may nasabi akong kakaiba kaya tinignan ko siya ng masama at inunahan ko na siya sa pagsasalita. “Ang dumi ng utak mo! Hindi naman ako desperada sayo ‘no! Sino ka ba?!” inis kong sabi sa kanya. Muli siyang natawa sa akin at napailing-iling siya na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi ngayon. “Wait lang, wala naman akong sinasabi ah? Bakit nagagalit ka dyan sa akin?” natatawa niya pa rin na sabi. Inirapan ko si Emilio at hinawakan ko na ang kanyang kamay ngayon at hinila ko na siya dahil baka may makakita pa sa amin ngayon dito. “Umakyat na nga tayo! Baka makita pa tayo ng mga kasambahay!” sabi ko at hinila ko na siya paakyat ng hagdan. Buti na lang at natahimik na si Emilio at hindi na niya ako inaasar ngayon at sinundan niya na lang ako. Nasa second floor ang aking kwarto ngayon at naglalakad kami sa mahabang hallway. Nang makarating kami sa harapan ng kwarto ko ay binuksan ko na ‘to at pumasok na ako. Agad na sumunod sa aking pagpasok si Emilio at kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha ng makapasok siya sa aking kwarto. “Hindi naman halata na favorite color mo ang pink ‘no?” sabi niya habang nakatingin sa paligid. Inirapan ko si Emilio at sinirado ko na ang pinto ng aking kwarto at ni-lock ko na rin ‘to. Nakita kong napatingin siya sa pag lock ko sa pinto kaya inunahan ko na siya sa pagsasalita ngayon. “Baka may biglang pumasok at makita ka dito sa loob ng kwarto ko! ‘Wag kang assuming!” sabi ko sa kanya. Bahagya siyang ngumisi at hindi na siya nagsalita pa at napaupo na siya ngayon dito sa maliit na sofa sa kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili bago ako lumapit sa kanya at umupo ako sa kanyang tabi dahil may table sa harapan ng sofa na inuupuan niya ngayon. Inilabas na niya ang kanyang notebook at ako naman ay kinuha ko na rin ang notes ko ngayon at pati na rin ang camera ko para gamitin namin sa pag video ng mga sarili namin. “Nasaan pala ang mga magulang mo?” tanong sa akin ni Emilio kaya napatingin ako sa kanya. “May pinuntahan sila ngayon,” maikli kong sagot sa kanya. “Saan?” muli akong napatingin sa kanya habang naniningkit ang aking mga mata. “Bakit ba ang dami mong tanong?” “Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? May tinatago ba kayo?” tanong niya pabalik sa akin. Napahawak ako sa aking noo dahil nararamdaman ko na ang sakit nito ngayon. Oh my Gosh! Parusa siguro ‘to ni Emilio sa akin. He’s so annoying! Ang dami niyang mga tanong sa akin na ang nonsense naman at hindi related sa gagawin namin na project. Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya at nagsalita ako. “May game si Dad at si Kuya Hugo ngayon sa golf kaya wala sila ngayon. At bakit hindi hindi sumama? Syempre nandito ka, gagawa tayo ng project!” sagot ko sa kanyang tanong, at sinagot ko na rin ang posible niyang tanong sa akin. Ngumisi siya at tumango-tango. “So importante pala ako sayo?” Bahagya akong natigilan sa naging tanong sa akin ni Emilio. Bakit parang nag-iiba na siya ngayon? Parang… parang hindi ‘to si Emilio ang nasa harapan ko? Ang alam ko ay malaki ang galit niya sa akin kaya kahit na pag-uusap sa akin ay hindi niya magawa. Pero ngayon ay parang nag fi-flirt pa siya kaya nakakapagtaka talaga. “What’s wrong with you?” naguguluhan ko na tanong sa kanya. Nakita ko na unti-unting lumalapit sa akin si Emilio kaya kinabahan na ako. Ang lakas na rin ng t***k ng aking puso ngayon. Nang makalapit na ang mukha ni Emilio sa aking mukha ay bigla siyang nagsalita. “Wala lang, tinitignan ko lang kung totoo ba ang sinasabi nila na may gusto ka sa akin?” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata ngayon. Nang sabihin iyon ni Emilio sa akin ay nanlalaki ang mga mata ko at mabilis ko siyang naitulak at napatayo ako. Tinignan ko siya ng masama at napalunok ako sa aking laway at nagsalita ako. “S-Sino ang may sabi niyan sayo? Wala akong gusto sayo! Ang assuming mo ah?” sabi ko sa kanya at pinapakita ko talaga sa kanya ngayon na wala akong gusto sa kanya. Napataas siya sa kanyang kilay na para bang nagdadalawang isip siya na maniwala sa aking sinabi ngayon. “Hmm, sige, sabi mo eh. Okay, let’s start our project para matapos na ‘to,” sabi ni Emilio at sumeryoso na siya ngayon. Muli nang bumalik ang seryosong mukha ni Emilio na lagi niyang pinapakita sa akin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Napatango-tango ako at naupo na ulit ako ngayon sa sofa, sa kanyang tabi. Nagplano na muna kami kung paano namin gagawin ang video. At nang may mga sequences na kami ay sinimulan na namin ang paggawa ng video. Naging smooth naman ang ginagawa namin ngayon dahil seryoso na si Emilio at sinusunod niya rin ang mga suggestions ko. May mga suggestions naman siya at nakakatulong talaga ito para sa amin. Ang masasabi ko lang ay magaling talaga siya. Matalino si Emilio at creative rin siya dahil ang galing niyang makaisip ng magandang shots para sa video namin. Siya na rin ang naging videographer at kapag ako naman ang nag ta-take ng video sa kanya ay tinuruan niya ako kung saang mga angle ang kukuhanan ko ng shots. Nang matapos na kaming mag take ng videos ay nagsimula na rin kaming mag edit ngayon. Nalaman ko pala na marunong din mag edit si Emilio kaya siya na ngayon ang nag eedit sa aking laptop dahil may editor akong nakalagay sa aking laptop. Habang nag eedit ngayon si Emilio, nag excuse na muna ako na lalabas ako ng kwarto dahil gagawa ako ng meryenda para sa aming dalawa ni Emilio. Nakakahiya naman na hindi ko siya pakainin ngayon ‘no? Siya na nga ang gumawa ng concept sa project namin, siya pa ang nag video, at ngayon ay siya pa ang nag edit. Nakakahiya naman sa kanya kaya sa simpleng pa-merienda sa kanya ay makakatulong naman ako ng konti. “Huwag kang lalabas, okay? Kapag hindi tatlong katok ang kumatok sa kwarto ko, huwag mong buksan,” paalala ko ngayon sa kanya bago ako tuluyan na lumabas ng aking kwarto. Naningkit ang kanyang mga mata ng sabihin ko ‘yun. “Bakit ba takot na takot ka na malaman nilang may dala kang lalaki dito? Gumagawa lang naman tayo ng project,” malamig niyang sabi. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata ngayon at nagsalita ako. “Hindi nga nila pwedeng malaman! Bakit ba ang dami mong tanong? Sumunod ka na lang!” inis kong sabi sa kanya. Inirapan ako ni Emilio at napatango na lang siya at ibinalik na niya ang atensyon sa laptop na nasa harapan niya at nagpatuloy siya sa pag eedit ngayon. Nang magkaintindihan na kami ni Emilio ay lumabas na ako sa kwarto ngayon at bumaba na rin ako sa hagdan. Nang makababa ako ay agad akong dumiretso sa may kusina at agad akong naghanap ng pwede naming makain ni Emilio ngayon. Dahil walang available na pagkain na mabilis ko lang madala doon sa kwarto, naisipan ko na lang na gumawa ng pizza lalo na’t may dough na dito sa pizza at lalagyan ko na lang ito ng mga topings sa itaas. Habang hinihintay ko na matapos ang paggawa kong pizza ay nag timpla rin ako ngayon ng juice hanggang sa… Natigilan ako ng makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng kusina ngayon. “M-Mommy?!” hindi ko makapaniwala na tanong ng makita ko siya. Bakit ang aga niya ngayon?! Akala ko ba ay nanonood siya ng game nila Dad? Kung nandito na si Mom… oh no! Nandito na rin si Dad at si Kuya?! “Aubrielle!” nakangiti na sabi ni Mommy at lumapit siya sa akin at niyakap niya ako at hinalikan niya ang magkabila kong pisngi. Tulala pa rin ako ngayon habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito na siya sa harapan ko ngayon. Ang akala ko ay mamayang gabi pa sila uuwi, bakit parang ang aga naman nila ngayon?! “K-Kasama mo ba na umuwi si Dad at Kuya Hugo, Mom? Bakit ang aga mo namang umuwi?” tanong ko sa kanya ngayon habang kinakabahan na ako ng sobra. Ngumiti muli sa akin si Mommy at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nagsalita siya. “Ako lang mag-isang umuwi ng maaga, anak. Nasa game pa ngayon ang Dad at ang Kuya Hugo mo. Tapos na kasi silang maglaro eh. Kaya nagpaalam na ako na uuwi na ako ng una sa kanila dahil nag-aalala ako ng sobra sayo. I feel so guilty na maiwan kang mag-isa dito sa house, baby ko,” malambing na sabi ni Mommy sa akin at muli niya akong niyakap. Napalunok ako sa aking laway at kinabahan talaga ako ng sobra ngayon sa sitwasyon namin ni Emilio. Hindi pwedeng malaman ni Mommy na may dala akong lalaki dito sa bahay… lalo na’t isa itong Valencia! Sigurado ako na maloloka si Mommy ng sobra at baka pauwiin niya kaagad si Dad at si Kuya Hugo. Baka kung anong mangyari kay Emilio! Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. “Oh! May ginagawa ka palang pizza, anak? At bakit dalawang baso ‘yang juice na tinitimpla mo? May kasama ka ba dito?” sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin. Muli akong nataranta at nag-isip ako ng mabilis na sagot sa tanong niya. “P-Pupunta po si Mia dito sa bahay, Mommy. Tutulungan niya po ako sa project,” mahina kong sabi at pinilit ko na ngumiti sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin na para bang tinitignan niya kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo, o nagsisinungaling ako. Pero sa huli ay ngumiti si Mommy sa akin at tumango siya. “Okay, anak. Basta, hindi ka na nag-iisa dito ngayon, okay? Nandito na ako!” sabi niya at kinindatan ako. Fuck. Paano aalis si Emilio dito sa bahay nang hindi nalalaman ni Mommy?! Kailangan ng umalis ni Emilio dito bago pa siya makita ni Mommy. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD