THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 16
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
“DITO KA MUNA matulog sa kwarto ko… sa madaling araw ka na umuwi, tahimik na ang mga tao sa paligid,” sabi ko kay Emilio na ikinagulat ko nang hindi man lang siya nagreklamo at agad din siyang napatango. Parang bigla akong napalaban sa kanyang sinabi, at kinabahan ako ng sobra.
Sinubukan kong tawagan si Mia upang humingi sana ng tulong sa kanya. I need her here, pero hindi siya pwedeng pumunta dito sa bahay kapag weekend—iyon ang kondisyon ni Mommy. Ayaw niyang nakikita si Mia sa weekend. Pumupunta lang siya rito kapag weekdays, lalo na kapag may klase kaming dalawa dahil iyon din ang panahon na kailangan ko siya. Pero kailangan ko siya ngayon, kaso wala na talaga siyang magagawa pa.
“Hindi nagtagumpay ang first plan ko,” sabi ko kay Emilio.
Napasulyap naman siya sa akin habang seryoso ang ekspresyon sa mukha. Nag eedit pa kasi siya ngayon ng video project namin dahil sa lunes na namin ito ipapasa sa aming professor. Ayaw naman ni Emilio na ako ang tumapos sa pag edit niya sa video namin dahil masisira daw. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magaling naman akong mag edit, pero baka magalit siya sa akin at magpumilit siyang lumabas ng kwarto ko. Ayoko pa naman na mapahamak siya.
“So your plan b is to let me sleep here in your room until midnight?” seryoso niyang tanong sa akin habang nakataas ang kanyang kilay.
Hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway ng sabihin niya iyon sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at binuka ko ang aking bibig para magsalita sana… pero walang lumalabas na boses sa bibig ko ngayon! f**k. Bakit kinabahan ako?
“K-Kasi—”
“Aubrielle?”
Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa aking pintuan ngayon sa kwarto, at naririnig ko ngayon ang boses ni Mommy sa labas.
“Y-Yes, Mommy?” sagot ko sa pagtawag ni Mommy sa pangalan ko, pero ang mata ko ngayon ay nasa kay Emilio dahil baka bigla siyang magsalita at mabuko kaming dalawa. Pero buti na lang at tahimik lang siya ngayon, seryoso pa rin ang tingin niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan dahil nakakatunaw ang tingin niya.
“Hindi ka pa ba lalabas diyan sa kwarto mo, anak? Kakain na tayo ng dinner! Hinahanap ka na ng Dad mo dito sa labas,” sabi ni Mommy sa labas ng kwarto ko ngayon.
Napatingin ako sa aking suot na relo at nakita ko na six na pala ng gabi. Maaga rin kasi kaming kumakain ng aming dinner dito sa bahay, lalo na kapag kumpleto kami rito. Hindi pwede na hindi kami sabay na kumain dahil magagalit si Dad.
“Damn… dinner time na pala,” mahina kong sabi sa aking sarili at mariin akong napapikit sa aking mga mata ngayon.
“You should go outside and eat with your family.”
Muli akong napamulat sa aking mga mata ng marinig ko na magsalita si Emilio. Para akong napapaso sa kanyang titig sa akin kaya napalunok ako sa laway ko ng walang oras at napa kurap-kurap ako sa aking mga mata.
“P-Paano ka?” mahina kong tanong sa kanya.
He smirked and talked again. “Hmm, may konsensya ka naman, right? Okay lang naman ako kung anong dadalhin mo na pagkain dito sa kwarto mo—kakainin ko kahit ano,” sabi niya at muli siyang ngumisi sa akin.
Napa singhap ako ng wala sa oras.
Oh my God.
Bakit ko ba nararamdaman ‘to?! Parang… parang biglang uminit ang kwarto ko kahit na naka on naman ang aircon ko dito sa loob.
Mabilis akong umiwas ng tingin kay Emilio at napa tango-tango ako.
“R-Right… dadalhan na lang kita ng pagkain dito sa kwarto,” mahina kong sabi at napatayo ako habang hindi pa rin makatingin ng maayos kay Emilio.
Huminga ako ng malalim at nagsalita na ako para kay Mommy na nasa labas pa rin ng kwarto ko at naghihintay sa sagot ko ngayon.
“Palabas na po, Mom! Mag-ayos lang po ako dito sa kwarto!” malakas kong sabi upang marinig ako ni Mommy sa labas ng aking kwarto.
“Okay, anak! We will wait for you here!” sabi ni Mommy sa labas ng kwarto. Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na ulit narinig ang boses ni Mommy sa labas at pati na rin ang kanyang pagkatok kaya humarap ako kay Emilio at nagsalita ako.
“Stay here, okay? Lock the door pagkatapos kong lumabas. Kagaya ng sinabi ko kanina, huwag mong bubuksan ang pinto kapag hindi ako kumatok ng tatlong beses,” seryoso ko na sabi kay Emilio ngayon.
Napairap siya sa aking sinabi at wala siyang magawa kundi ang tumango.
Huminga ako ng malalim at inayos ko na muna ang aking sarili at lumabas na ako sa aking kwarto. Makalipas ang ilang segundo, naramdaman ko na ni-lock na ni Emilio ang pinto ng kwarto kaya napangiti ako.
Lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba na rin sa hagdan upang makapunta na sa dining area. Nang makapasok ako sa dining area namin ay agad ko ng nakita ang pamilya ko at ako na lang ang hinihintay nila. Napangiti si Mommy ng makita ako at agad siyang tumayo at lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
“Anak ko! Buti na lang at lumabas ka na sa kwarto mo. Hinanda namin ang mga favorite food mo!” malambing na sabi ni Mommy sa akin at napakapit siya sa aking braso at naglakad na kaming dalawa papunta sa may table.
Nang makalapit ako kay Dad ay nagmano na muna ako sa kanya bago ako umupo sa aking pwesto. Sa pwesto ng upuan ko ngayon ay kaharap ko lang si Kuya Hugo kaya nang nagkatinginan kaming dalawa ay masama niya akong tinignan kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Lagi na lang siyang galit sa akin at nasasaktan akong nakikita siyang galit sa akin.
“Let’s start eating?” sabi ni Dad at napatango naman kami at nagsimula na kaming kumain ngayon.
Maliit lang ang kain ko ngayon dahil hindi naman ako gutom. Nag-iisip din ako ngayon kung paano ko dalhan ng pagkain si Emilio sa aking kwarto. Liliitan ko na lang ang kain ko ngayon para sabihin ko na wala akong ganang kumain at dadalhin ko na lang sa kwarto ang pagkain ko. Tama… tama, iyon ang gagawin ko.
“Mga walang hiya talaga ang mga Valencia na ‘to.”
Bahagya akong natigilan ng magsalita si Kuya Hugo. Nag angat ako ng tingin at nakita ko siya na nakahawak at nakatingin sa kanyang phone habang nakakunot ang noo, at kitang-kita mo rin ngayon ang gigil sa ekspresyon sa kanyang mukha.
“What is it, son? Ano na naman ang ginawa ng mga hampaslupa na ‘yan?” tanong ni Dad kay Kuya Hugo kaya sa kanya naman ako napatingin.
Hampaslupa?
Bakit parang ang sakit naman magsalita ni Dad para sa mga Valencia—sa pamilya ni Emilio?
Huminga ng malalim si Kuya Hugo bago siya muling tumingin kay Dad at nagsalita siya.
“Pinakalat nila ang video ko na nakikipaghalikan sa bar! f**k! Gusto talaga akong sirain eh!” inis na sabi ni Kuya Hugo.
Gusto kong magsalita ngayon at sabihin na deserve niya naman ‘yun dahil wala naman siyang ginagawang trabaho sa sangguniang kabataan—lagi na lang siyang pumupunta sa mga bar at gumigimik. Sayang ang pinapasahod sa kanya ng taong bayan dahil wala naman siyang kwentang politician.
“Diba ang sabi ko naman sayo ay mag-ingat ka sa mga ginagawa mo, Hugo?” seryoso na sabi ni Dad sa aking kapatid.
Napatango-tango si Kuya at nagsalita siya muli. “I know, Dad! Naging maingat naman ako. Hindi ko lang alam kung paano sila nakarating sa ganitong kamahal na bar! f**k! Patay talaga sa akin ang mga Valencia na ‘to!” galit na sabi ni Kuya Hugo na muli kong ikinatigil.
“Isa lang naman ang may gawa niyan, bakit dinamay mo na ang buong angkan nila?” hindi ko na mapigilan ngayon na magsalita at makapag react sa sinabi ng kapatid ko.
Natigil sila sa pagkain nila at lahat sila ay nakatingin na sa akin. Napalunok ako sa aking laway at napagtanto ko ang ginawa kong pagsasalita ngayon. Nakaramdam ako ng konting takot sa aking ama ng makita ko siyang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin, at si Mommy rin na naguguluhan sa sinabi ko ngayon.
Tinignan ako ng masama ni Kuya Hugo at nagsalita siya.
“Bakit ba nangingialam ka?! Wala kang alam, Aubrielle, kaya manahimik ka! Pareho lang sila lahat—mga salot sa lipunan! Kaya ikaw, huwag na huwag kang lumalapit sa mga Valencia,” galit na sabi ni Kuya Hugo.
Napatango si Dad na para bang sang-ayon pa siya sa sinabi ng kapatid ko at nagsalita siya sa akin.
“Don’t come near to them, anak, kung ayaw mong mapahamak,” seryoso na sabi ni Dad at bumalik siya sa kanyang pagkain ngayon.
Ako ay tulala pa rin sa aking kinauupuan habang malakas ang t***k ng aking puso.
Paano kung malaman nila na may isang Valencia sa loob ng kwarto ko ngayon?
Sigurado akong maloloka at magagalit sila ng sobra sa akin!
Kaya hindi talaga nila pwedeng malaman na nasa kwarto ko ngayon si Emilio. Hindi dapat nilang malaman na may kilala akong Valencia—na may gusto ako sa isang Valencia.
Fuck! Ang hirap kapag kalaban ng pamilya mo ang nagustuhan mo ngayon. Pwede bang mamuhay na lang ako ng simple? Nakakapagod ang ganitong pamilya.
TO BE CONTINUED...