THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 5
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
“AUBRIELLE, this is your personal assistant, Mia Rodriguez. Magiging kaklase mo rin siya sa kolehiyo sa kursong education. Wala kasing ibang course sa community college dito kaya iyon na lang ang kunin mo for the meantime,” wika ni Dad sa akin.
Nandito kami ngayon sa may living room at pinatawag ako ni Dad kaya lumabas ako sa aking kwarto at bumaba sa hagdan.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa kanyang sinabi. Nasa harapan ko ngayon ang babaeng kaedad ko na rin. Nakangiti siya sa akin at bahagya siyang kumaway ng magka salubong ang paningin namin dalawa. Gusto ko sana siyang batiin ngayon, pero masyadong na occupied ang utak ko sa sinabi ni Dad sa course ko.
Hindi naman ako against sa course ng education dahil I respect the teachers so much, pero hindi ko talaga ito gusto. I don’t want to be a teacher, I want to be a doctor! May courses naman sa medicine sa college sa kabilang bayan at pwede naman na mag commute na lang ako papunta doon at magpahatid.
Gusto ko talaga na maging isang doktor… iyon ang pangarap ko simula pa noong bata pa ako.
“D-Dad, I want to be a doctor. Diba nasabi ko na ‘yan sayo? May school sa pre-mid sa kabilang bayan—”
“Aubrielle Allison Caballero!” sinigaw ni Dad ang buo kong pangalan kaya natigil ako sa aking pagsasalita ngayon.
Napatingin ako kay Mommy upang manghingi sana ng tulong sa kanya, pero wala akong nakuha… umiwas lang siya ng tingin sa akin kaya mas lalo akong nanghina. Oo, kakampi ko nga si Mommy, pero pagdating kay Dad ay tiklop siya. Hindi niya kayang labanan ako kay Dad. Mas mahal niya si Dad kaysa sa akin.
Nagpipigil ako sa aking emosyon ngayon dahil ayokong umiyak sa harapan nila lalo na’t may kasama kaming ibang tao ngayon dito.
“Napag-usapan na natin ang tungkol dito, Aubrielle. Na-enroll ka na rin sa community college kaya wala ka nang magagawa pa. Ihanda mo na ang sarili mo para sa klase niyo next week. Makipagkilala ka muna sa personal assistant mo,” seryoso na sabi ni Dad at umalis na siya sa harapan ko ngayon.
Bago sumunod si Mommy kay Dad ay lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong siya sa akin.
“I’m so sorry, anak. I tried to convince your dad,” mahinang sabi ni Mommy bago siya umalis.
Nang umalis na si Mommy at Daddy ay mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mata at humarap ako kay Mia.
Seryoso ang tingin niya sa akin ngayon, pero ng magkatinginan kaming dalawa ay ngumiti siya sa akin at nagsalita.
“Huwag kayong mag-alala, Ma’am Aubrielle, wala akong pagsasabihan na ibang tao sa nangyari kanina. Maaasahan niyo po ako,” nakangiti niyang sabi sa akin at bahagya niyang itinaas ang kanyang kamay na parang namanata sa akin.
Huminga ako ng malalim at napahilamos muna ako sa aking mukha bago ako muling tumingin sa kanya at nagsalita ako.
“I’m so sorry sa nakita mo kanina, Mia. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko,” mahina kong sabi at hina akong napaupo ngayon sa may sofa at muli akong tumingin sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti sa akin at tumango siya.
“Naintindihan ko naman ‘yun, Ma’am Aubrielle. Normal na reaksyon naman ‘yung pinakita mo kanina,” sabi niya sa akin.
Mariin akong napapikit sa aking mga mata at bumuntong hininga muna ako bago ako muling mag mulat sa aking mga mata at tumingin ako sa kanya.
“Can you please call me Aubrielle or Brielle na lang, Mia? Hindi ako sanay na tinatawag akong Ma’am,” seryoso ko na sabi sa kanya.
Mabilis siyang tumango at muli siyang ngumiti sa akin.
“Noted, Brielle,” mabilis niyang sabi.
“Uhm, kaano-ano ka pala ng pamilya ko? Bakit naging personal assistant kita? Hindi ko naman kailangan ng ganun,” seryoso ko na sabi sa kanya dahil curious ako sa pagkatao ni Mia.
Ayoko naman kasi na sabihin ‘yon kanina habang kausap ko si Dad dahil baka mas lalo pa siyang magalit sa akin kaya hindi ko na pinahaba ang usapan naming dalawa at si Mia na lang ngayon ang tinatanong ko.
“Hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko ngayon, Brielle…” mahinang sabi ni Mia sa akin. Seryoso na rin ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi at nakaramdam ako ng kaba.
“What is it?” tanong ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago siya muling magsalita at sabihin sa akin ang totoo tungkol sa kanyang pagkatao ngayon.
“Mayor Arthuro Caballero is my father, Aubrielle. Half sisters tayong dalawa,” mahina at seryoso na sabi ni Mia sa akin.
Napasinghap ako sa gulat at napatakip din ako sa aking bibig. Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman ngayon.
“W-What? How?” naguguluhan ko na tanong sa kanya.
Mahina siyang tumawa at nagsalita siya muli. “Nabuntis ni Mayor ang Mama ko, that’s simple. Last year lang namatay si Mama kay walang choice si Mayor kundi ang kunin ako, pero hindi niya ako pwedeng ipakilala bilang anak niya… kaya naging kasambahay ako rito. At ngayon ay personal assistant mo na ako,” nakangiti na sabi ni Mia sa akin ngayon.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman ngayon. Nakakunot lang ang aking noo habang nakatingin ako sa kanya. Parang kaedad ko lang siya… so it means ay nag cheat si Dad kay Mommy noon? Oh my Gosh.
“H-How old are you?” tanong ko sa kanya.
“I’m 19 years old, Aubrielle. Months lang ang agwat nating dalawa,” sagot niya sa aking tanong.
At sa muli, napasinghap ako sa gulat at napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Muli ko siyang tinignan at nagsalita ako. “Does my Mom know?” tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na tingnan siya ng masama ngayon. Alam ko na wala siyang kasalanan, pero hindi ko lang talaga matanggap na may kapatid pala ako.
Mahina siyang napatango at nagsalita siya muli.
“Alam ni Vice ang totoo, Aubrielle. Pero iyon nga, hindi nila ako kikilalanin na isang Caballero. Wala naman ‘yung problema sa akin kasi ayoko naman na mapabilang sa pamilya niyo. Wala lang talaga akong choice kasi wala na akong pamilya na mapupuntahan,” seryoso na sabi ni Mia sa akin ngayon.
Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napatayo ako.
Huminga ako ng malalim at napatingin muli ako sa kanya at nagsalita ako.
“Maiwan na muna kita dito, Mia. Nice to meet you pala. Magpapahinga na muna ako sa kwarto ko,” malamig kong sabi sa kanya at iniwan ko na siya sa may living room at hindi ko na hinintay ang kanyang sagot.
Nagmamadali na akong umakyat sa hagdan at nang makarating ako sa kwarto ko ay nilock ko kaagad ito at patakbo akong pumunta sa may kama ko at hindi ko na napigilan ang aking sarili at napaiyak ako.
Ibinuhos ko na lahat ng nararamdaman ko ngayon sa pag-iyak. Iyong una ay ang tungkol sa course ko sa college, ang sumunod naman ay tungkol sa kapatid ko… si Mia.
Si Dad ang ama niya.
Niloko ni Dad si Mommy noon… noong months pa lang simula ng ipinanganak ako ni Mommy. Gosh! Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ‘yun ng ama ko sa aking ina kahit na mahal na mahal siya ni Mommy. Ako ‘yung nasasaktan para kay Mommy.
Ang dami ko pa rin palang hindi nalalaman sa pamilyang ‘to.
Natatakot na tuloy ako kung ano pa ang rebelasyon na malalaman ko sa pamilyang ‘to, at sigurado akong mas sobra pa ‘to sa mga nalaman ko ngayon.
TO BE CONTINUED...