THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR
KABANATA 3
AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.
EMILIO… LIO… napakagandang pangalan. Hindi ko kakalimutan ang pangalan na iyon. Hindi ako makapaniwala na nakasalubong kami at nakilala ko siya. Ang bait niya pala, pero paano kaya kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Na isa akong Caballero? Sigurado akong lalayuan niya ako.
“Gusto mo bang samahan kita ngayon sa pamamasyal mo dito sa parke?” tanong sa akin ni Lio.
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin niya iyon sa akin. Did he just volunteer to come with me today?! Oh my Gosh! Hindi ako makapaniwala. Para akong nababaliw dito. Crush ko na talaga siya. Yes, crush ko na si Lio! Para akong na love at first sight. Hindi ko pa naramdaman ‘to noong nasa ibang bansa ako kahit na ang gwapo naman ng mga kaklase kong mga foreigners, pero iba pa rin talaga kapag pinoy.
Iba pa rin talaga si Lio.
“H-Huh? Hindi ka ba busy?” nauutal ko na tanong sa kanya ngayon.
Ngumiti siya sa akin at umiling siya.
“Hindi naman. Hindi pa naman ako hinahanap ni Lola. Ikaw lang ba mag-isa?” nakangiti niya na sabi sa akin.
Mas lalo lang akong nahuhulog sa mga ngiti niya ngayon. Ang gaan din ng pakiramdam ko habang kausap ko siya ngayon. Ang sarap niyang kasama.
Bahagya akong umiling bilang sagot sa kanyang tanong.
“Ganun ba? Samahan na kita!” sabi niya sa akin.
Wala akong magawa kundi ang pumayag sa kanyang sinabi. Nagsimula na ulit kaming maglakad ngayon. Napasulyap ako sa bodyguard na kasama ko at nakita ko siya sa malayo habang nakatingin sa akin. Bahagyang ngumiti sa akin si Kuya Bodyguard at tumango siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at tumango ako. Buti na lang talaga at pinagbigyan ako ni Kuya Bodyguard. Hindi ko pa alam ang kanyang pangalan, pero mamaya ay kikilalanin ko siya dahil ang bait niya sa akin.
Sinabayan na ako ni Emilio ngayon dito sa park at marami siyang mga pinakita sa akin ngayon. Ang dami na rin palang mga pinagbago dito sa Andalucia at masaya ako na marami na talagang mga bago dito na pasyalan sa bayan kung saan ako lumaki.
Pagkatapos naming maglibot ni Lio ay napagpasyahan namin na maupo na muna sa may swing. Nakaupo kami sa dalawang swing na magkalapit ngayon. Napangiti ako at nagsalita ako sa kanya.
“Ang ganda na pala ng Andalucia, ‘no? Ang galing din ng pamamalakad ng mga government officials dito,” masaya ko na sabi kay Emilio.
Nang sabihin ko iyon sa kanya ay bigla siyang nag make face at natawa siya na para bang may nakakatawa akong sinabi sa kanya ngayon. Nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ito ng pagkakunot sa aking noo habang seryoso na nakatingin sa kanya.
May nakakatawa ba akong sinabi kay Emilio ngayon?
“Are you being sarcastic, Ali?” natatawa niyang tanong sa akin ngayon.
Napailing naman ako bilang sagot sa kanyang tanong at nagsalita ako. “Hindi naman. May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Natigil siya sa kanyang pagtawa ngayon at nawala na rin ang ngisi sa kanyang mukha. Napalitan ito ng seryosong ekspresyon sa mukha at nagsalita siya.
“Yes, lahat ng sinabi mo ay nakakatawa, Allison. Maganda ang pamamalakad ng government dito? It’s the biggest joke I’ve ever heard. Siguro ay dahil bago ka pa lang dito kaya hindi mo pa alam ang nangyari sa Andalucia, pero hindi… hindi maganda ang pamamalakad ng mga opisyal sa gobyerno dito sa bayan namin. Ginawa na nila itong dinastiya na hindi naman dapat. Inangkin na ng mga Caballero ang bayan na ‘to kahit hindi naman sa kanila ang Andalucia,” seryoso na sabi ni Emilio sa akin habang nakatingin siya ng seryoso sa aking mga mata. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ngayon ang galit—galit sa mga Caballero… galit sa pamilya ko.
Napalunok ako sa aking laway at ang lakas na rin ng t***k ng aking puso ngayon.
Ayokong mahalata niyang kinakabahan ako. Ayokong magtaka siya sa aking reaksyon ngayon dahil baka paghinalaan niya ako.
“B-Bakit ka pala galit sa mga Caballero, Lio? Sa nakikita ko dito sa Andalucia ay okay naman ang bayan,” mahina kong sabi sa kanya.
Mahina siyang tumawa at huminga siya ng malalim at bahagya siyang napatingala sa may langit bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita.
“Lahat ng nakikita mo ngayon sa bayan ng Andalucia ay bare minimum lang na ginagawa ng isang opisyal ng gobyerno, Allison. Dapat naman talaga may park ang isang bayan, diba? Pero nagawa lang ‘to two years ago na dapat ay matagal nang mangyari dahil matagal ng nasa posisyon ang mga Caballero sa munisipyo. Every election ay walang kumakalaban sa kanila, kaya walang choice ang mga tao… sila pa rin ang nananalo,” seryoso na sabi ni Emilio ngayon sa akin, at ramdam ko ang galit sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon sa akin.
Hanggang ngayon ay ang bigat pa rin ng dibdib ko habang sinasabi iyon ni Emilio. Naintindihan ko ang nararamdaman niya—kung bakit siya galit sa pamilya ko. Oo, alam kong sakim sa kapangyarihan ang ama ko, pero si Mommy… magaling siya na politician. May malasakit siya sa mga tao. Kaya hindi lahat ng mga Caballero ay masama at sakim.
Mabait si Mommy at hindi siya sakim.
At nandito pa ako… mabait ako na Caballero.
“At kung sino man ang mag tanka na kumalaban sa kanila sa eleksyon… pinapatay nila,” muling sabi ni Emilio.
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata sa gulat sa kanyang sinabi.
“W-What?” hindi ko makapaniwala na sabi sa kanya.
Bahagyang ngumiti si Emilio sa akin, at kita ko ang lungkot sa kanyang mukha ngayon bago siya magsalita at tumingin sa akin ulit.
“Ganyan sila kasamang tao, Allison. Kaya ‘wag kang magtiwala sa mga Caballero. Pareho lang silang lahat… mga demonyo,” seryoso na sabi ni Emilio sa akin.
Nang sabihin niya iyon sa akin ay tumagos ito sa puso ko at nasaktan ako ng sobra. Parang gusto ko ng umiyak ngayon at sabihin sa kanya na hindi lahat ng mga Caballero ay masama… nandito pa ako.
“H-Hindi naman siguro lahat ng Caballero ay masama—”
“They are all evils, Allison!” pagputol ni Emilio sa aking pagsasalita kaya napatigil ako at bahagya akong napatalon sa gulat ng bahagyang tumaas ang boses niya.
Muli siyang tumingin sa akin at kitang-kita ko na ang galit sa kanyang mga mata ngayon… at mas lalo pa itong lumala.
“Lahat sila ay demonyo. Pinatay nila ang nanay ko. At hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.”
TO BE CONTINUED...