JESSICA’s POV Nakatulog na si Luiz. Maingat ko siyang inayos para makabangon ako. May appointment ako ngayon. Kailangan kong mag-report. Magluluto pa ako at ihahanda ko ang gamit ni Luiz. Hindi ko pa siya natanong kung papasok ba siya o babalikan ang Inay niya. Kung ano ang plano niya, hindi ko pa alam. Wala siyang nabanggit pag-uwi niya. Ang alam ko lang pagod siya at ang mga sinabi niya. Nagluluto pa lang ako ng pang-ulam nang maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. “Baby, okay ka na ba?” tanong niya habang nakayupyop siya sa leeg ko. Inaamoy-amoy niya at hinahagkan. “Yes, Daddy. Ikaw ba, nakatulog ka ba? Mahiga ka pa muna habang tinatapos ko itong niluluto ko. Dinamihan ko na. Hindi ko alam kasi kung dadaan ka sa ospital. Kung dadaan ka, puwede mo silang dalhan nito.” “N

