TRUTH

1142 Words
Vaniah's POV Paggising ko sa clinic ay napansin kong hapon na. Kinusot kusot ko pa ang mata ko at nakita si Theo na nakayuko sa kama habang naka upo sa upuan. Mukhang natutulog siya kaya tinapik tapik ko ang balikat niya para magising. Gulat naman itong gumising at tumingin sa akin. Nagulat din ako dahil sa pag tingin niya sakin kaya umiwas ako at sinabing kailangan ko nang umuwi at baka hinihintay na rin ako ni August. Pinaliwanag niya naman na dinaanan niya si August kanina para sabihing ihahatid kami pauwi, ano kaya ang naging reaksyon niya. Sinabi daw ni August na kailangan nilang mag ayos para sa gagawin nilang project kaya dadaan na lang kami sa classroom nila. Tumango ako para sabihing gets ko ang sinabi niya. Naka simangot akong bumaba sa kama dahil sa kaba kung paano ko ipapaliwanag sa mga kaklase ko at sa kapatid ko 'to. Pagpa-panggap lang naman 'to eh– teka, hindi ko naitanong kung pagpa-panggap lang o totoo 'to. Gosh! “Totoo ba yung relasyon natin, o nagpa-panggap lang tayo?” Tanong ko na ikinagulat niya. “Ikaw ang bahala.” Sagot niya. Naguluhan ako sa sagot niya pero ayoko nang magtanong ulit dahil may inis pa rin ako sa kaniya. Nang makalabas na kami sa clinic, inagaw niya sakin ang bag ko dahil siya daw ang magbibitbit. Ganon daw kasi ang nakikita niya sa mga kaibigan niya. “Kaya ko naman, eh.” Padabog kong sabi. “Kahit na, mag-pahinga ka pag-uwi mo.” Saad niya. “Magluluto pa ako ng hapunan at maglalaba.” Sagot ko. “Tsk tsk tsk.” Ano bang ibig sabihin nito? Mukha bang alam ko ang meaning ng tsk tsk tsk? Nang maabutan namin si August sa classroom ay agad itong lumabas pagkatapos mag paalam sa mga kaklase niya. Binati niya si Theo kaya nagulat ako, close agad sila? Ang bilis naman. “Tara na, baka gabihin tayo.” Sambit ni Theo. Tumango na lang ako bilang sagot at tumingin sa kanya. Napaka seryoso naman ng mukha niya. Nang maka labas kami, nakita kong may naka paradang sasakyan sa mismong tapat ng gate kaya napa-awang ang labi ko. Ang ganda ng sasakyan, mukhang mamahalin. Sabagay, mayaman nga kasi sila kaya kaya nilang bilhin ang ganitong mga bagay. Pinag buksan kami nang pinto ng driver ata nito at pumasok kami sa may likod. Si Theo naman ang nasa harap kasama ng driver. Hindi ako kumikibo buong byahe. Si August naman ay napaka ingay at abala sa pagtuturo ng bahay namin. Medyo malayo kasi ang baranggay namin at medyo katamtamang laki lang din ang bahay namin. Kulay blue ito at maraming halaman sa harap, may maliit na gate din at terrace. Ito ang bahay namin simula pagkabata kaya hindi namin ito kayang iwanan o palitan. Nang makarating kami sa bahay ay pinag buksan kami ng driver uli ng pinto at bumaba na kami. Nakita ko si mama na gulat na gulat dahil ngayon niya lang kami nakitang naka sakay sa mamahaling sasakyan. Unang pumasok si August at nagmano kay mama habang ako ay nagpa-salamat kay Theo. Kumunot ang noo ko dahil hindi pa ito umaalis at nasa harap ko lang. "Ipakilala mo naman ako sa mama mo.” Sambit niya habang nakanguso. Ang cute pero nakakainis pa rin. “Pumasok ka.” Saad ko. Pumasok siya at nagmamadali pang magmano kay mama na ikinagulat ni mama. Pagkatapos niya ay ako naman ang nagmano. Bahagyang natawa si August dahil parang batang nakatago sa likod ko si Theo. “Mama, M-may boyfriend na po ako... Si–” Napakunot ang noo ko nang sumabat si Theo. “Theo. Theo po ang pangalan ko.” Nakangiti niyang sabi. Nakatango naman si mama at hindi mukhang galit kaya naman nabawasan ang kaba ko. “Theo iho, kumain ka na ba? Kung gusto mo, sumabay ka sa amin para matikman mo ang luto ni Iah.” Paliwanag ni mama na ikinagulat ko. Nakakahiya! “Sige po... Tita. Excuse me lang po at sasabihin ko sa driver kong sunduin na lang ako mamaya.” Pagpapaalam ni Theo. Hinila ako ni mama sa kusina at bumulong “Dalaga na ang anak ko, may boyfriend na. Pero huwag mong kalimutan ang pag aaral mo anak ha?” Pagpapaalala ni mama kaya tumango ako. Fake lang naman to, siguro. Nang makabalik na si Theo ay dinatnan niya akong nagluluto. Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman siya sa likod ko habang nagluluto. “Ano yan?” Tanong niya. “A-adobo?” Sagot ko. “Eh bat ka nauutal” sabi ni August na palabas ng kwarto kaya sinamaan ko ito ng tingin, tumawa lang ito. Nang maluto ang pagkain ay naghanda na sa lamesa. Tumulong din si Theo at pinaupo na lang sila mama para daw mayroon siyang ambag. Nakangiti naman si mama habang pinapanood kaming maghain ng pagkain. Buti na lang ay hindi niya ako pinagbawalan, kailangan ko kaya ng scholarship. Habang kumakain kami ay tinanong ni mama kung paano kami nagkakilala kaya naman kinabahan ako, hindi ko alam ang isasagot ko. “She caught my attention po, Tita. So i courted her. She's a maldita type pero okay lang naman po. I admire her because she's focused on her studies and family.” Nakangiting sabi ni Theo. Galing mag palusot ah. Tumango lang ako para sabihing tama at nag agree ako sa sinabi niya. Kahit hindi naman totoo. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Theo na kailangan niya nang umuwi kaya inihatid ko ito sa labas. Habang inaantay namin ang driver niya ay bigla ko itong tinanong. "Eto ang buhay ko...” nagulat siya sa sinabi ko kaya pinagpatuloy ko lang ito “Hindi ako mayaman, wala akong sasakyan, wala akong mamahaling gamit, bahay. Gusto mo pa rin bang ituloy yung relasyon natin?” Saad ko. “Sa pagkakaalam ko Iah, hindi sa ganiyang bagay nasusukat ang pagmamahal.” Sagot nito habang nakatingin sa langit. Seryosong seryoso ang mukha niya. Tumango lang ako dahil tama naman ang sinabi niya. Akala ko siya yung tipo ng lalaki na ganoon ang turing sa mga kagaya ko. He's more matured than i expected. Ilang sandali pa ay dumating na ang driver niya kaya nagpaalam na siya sa akin. “See you tomorrow, love.” Sambit niya at hinalikan ako sa pisngi. Tangina, ano ba 'to? Hindi ako makagalaw, gulat na gulat ako at pulang pula ang pisngi ko. He smiled at me habang papasok sa sasakyan. Inantay ko siyang makaalis at papasok na sana ako nang makita ko sila mama na nakatingin sa akin. So, nakita nila ’yung ginawa nya? O M G “Haba ng hair, ate.” Pang aasar ni August kaya binatukan ko ito. Nagpaalam ako kay mama na matutulog na kaya nauna na akong pumasok sa bahay habang sila ay nagkukwentuhan lang sa terrace. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD