PAGKALABAS ni Blessie ng bahay ay may napansin siyang kotse sa harapan ng bahay nila. Mukhang mamahalin. Sinilip pa niya kung may tao sa loob. Nang biglang bumukas ang pinto. "Marius?!" "Good morning, love. Nagising ba kita?" Todo ang ngiti ni Marius na binati siya. "What are you still doing here? Di ba, umuwi ka na kagabi?" Mabilis na umiling si Marius. "Sinabi ko na kagabi na hindi ako uuwi ng Manila na hindi ka kasama," ang sabi nito na seryosong tumingin kay Blessie. Napairap si Blessie. "Hindi nga ako sasama sayo pabalik sa Manila. Kaya mauna ka na umuwi. Sige na, alis na!" Taboy nito sa binata. Nagyuko ng ulo si Marius. Gan'on na lang siya ipagtabuyan ni Blessie. Para lang siyang hindi kilala nito at parang pinandidirihan. "Puwede bang kumain muna ako? Nagugutom na kasi ako. M

