“Penne!” Kaarawan ngayon ni Penne at nakasanayan niyang siya ang unang bumabati sa anak pagkagising pa lang. Binalak niyang sorpresahin ang anak ng binili niyang regalo ngunit naunahan na naman siya ng bangon ng bata. Malamang kinuha ito ni Nurse Agnes habang natutulog pa siya. Kaya, minabuti niyang ayusin na lang ang kama. Sa kalagitnaan ng ginagawa niya ay pumasok si Maricris. “Ate, maliligo ka ba muna?” “Mamaya na, Cris,” sagot niyang bahagya lang itong nilingon ngunit mabilis itong lumapit sa kanya ay inagawan na naman siya ng gawain. "Ako na ang tatapos, Ate." Wala na talaga siyang nagagawa na hindi siya inaagawan ng mga kasambahay. Reyna ang pakiwari niya pero hindi niya maiwasang hanap-hanapin ang mga nakasanayan. Akmang kukunin niya ang suklay nang mas una pa iyong naabot

