IVAN'S P O V Dahil hindi naman ako naka - tulog ng nagdaang gabi ay madilim pa lamang ay nagising na ako kinabukasan. Dahil sa inis sa napa - nuod ko sa love video ni Benj, lalo na sa Doctor ng aking asawa. Bago pa nga ako natulog ay tinawagan ko muna ang mga telephone number nu'ng tatlo kong mga kaibigan. Mga nagri - ring naman pero hindi talaga nila sinasagot. Kaya ngitngit na ngitngit ang aking kalooban kaya naka - buo ako ng plano. Pagka - gising ko nga ay uminom lamang ako ng kape at naligo na ako tsaka nagbihis. Kahit madilim pa sa labas ay bumaba na ako ng condo para tunguhin ang basement kung saan naka - park ang aking kotse. Natuwa naman ako at malinis pa rin iyon at nu'ng paandarin ko ay smooth pa rin ang makina. Feeling grateful naman ako at hindi pinabayaan nila Daddy at Ben

