Prologue

2515 Words
KALKULADO ang bawat hakbang ko. Bitbit ang isang backpack na itim at hila-hila naman ang katamtamang laki na maleta- huminto ako sa paglalakad at inikot ang aking paningin sa malawak at abalang paligid. Then I looked up at the screen above me. PHILIPPINES, MANILA 9:35 PM The lively music in the background. The tall and dignified flight attendants passing by my way. Ang isang lalaking passenger ay nabangga pa ang balikat sa pagmamadaling humabol sa flight nito habang ang iba ay prenteng nakaupo sa mahahabang couch na naroon hinihintay na kani-kanilang flight. "Welcome home to me..." I whispered to myself. Bumalik ang tingin ko sa harapan at bumuntong hiningi bago nagpatuloy sa exit door ng airport. Paglabas ay may mga nakaparada ng taxi doon. Tumingin sa'kin yung isa sa tatlong driver na nagkukwentuhan sa gilid. Hindi ko pa siya sinisenyasan ay lumapit na sa'kin at kinuha ang maleta ko. Hinayaan ko naman siya. Mabuti hindi ko na kailangang mag-book pa sa Grab. Very convenient na rin pala ang airport dito sa pinas. Paglagay ni Manong Driver ng maleta ko sa compartment ay umalis na rin kami. Inside the car I checked everything first before I get my phone. I dialed Kuya August's number at sa ikatlong ring sumagot siya. "Kuya, I'm back in the Philippines," bungad ko sa kaniya. "Kailan pa? Nasaan ka na? Bakit di ka nagsabi sakin?" Sunod-sunod na tanong niya. Kung makapag-react naman si Kuya August parang 'di namin ito pinag-usapan. Samantalang siya ang pumilit sa'kin na bumalik ng Pilipinas para ayusin yung binebentang lumang bahay namin. Nakabayad na ng kalahati yung buyer pero hindi pa naayos ang mga papeles dahil wala kaming ibang malapit na kamag-anakan dito sa Manila na pwede sanang utusan. Nakabase na sa Paris si Kuya kasama ang pamilya nito. Ako naman limang taon nang nanatili sa US. Gustuhin man ni Kuya August na ito ang umayos sa mga papeles, hindi naman nito maiwanan ang trabaho, isa pa buntis ang asawa nito at maselan ang kalagayan. Kaya ako ang inutusan niya. Wala rin naman akong choice dahil kailangan ko ang pera kaya pumayag na ako. "I'm riding a taxi right now. Teka, paano pala yung susi sa bahay? Is it still the same?" "Yes. Yung dati pa rin naman. Wala pang binago yung bagong owner." "Mabuti naman," I said pouting my lips. "Hindi pa nga niya bayad ang buong bahay 'no. Kapal naman niyang may baguhin doon. Basically di pa siya totally ang may ari nun." Kundi lang talaga namin kailangang ng pera noong panahon na 'yon, hindi ako papayag sa offer na half muna! Last year pa nga 'yon, hindi pa rin bayad. Masyado rin kasing mabait itong si Kuya August. "Kukumpletuhin naman niya ang bayad once maayos na ang mga papeles." "Whatever." I shrugged. "Gotta hang up now, Kuya. I'll call you when I get home." "Sandali!" Natigilan ako sa pagbaba ng telepono. "What?" "Saan ka tutuloy niyan?" May pag-aalalang tanong niya sa'kin. Malakas akong bumuntong hiningi. Ayaw ko sana mag-stay sa lumang bahay namin dahil ang daming ala-ala doon ang hindi ko na gustong maalala pa. But again, wala akong choice.. "Doon sa bahay, Kuya. May choice ba ako?" Hindi ko na naitago pa ang dissappoinment sa boses ko. I'm not really good at pretending and supressing what I feel. Wala naman talaga akong ibang pagpipilian. Masyadong mahal kung magrerent ako or mag-stay sa hotel. At hindi ko pa alam hanggang kailan ba ako dito sa Pilipinas. "Kung magsalita ka naman parang napipilitan ka, Fri. Sa'yo rin naman mapupunta ang pinagbentahan.. saka ayaw mo ba yun? May chance ka pang mag-stay kung saan.. saan tayo masayang lumaki?" "Sige na, Kuya. I'll call when I get home." Ibinaba ko na ang tawag. Sumandal ako sa upuan at tumulala sa labas ng bintana. Madilim na sa labas. Maingay ang busina ng mga sasakyang naipit sa traffic. There were street kids running across the busy road. Ang isang bata ay lumapit at kumatok sa bintana sa tabi ko. Sinigawan siya nung driver bago umandar uli ang sasakyan namin. Hindi ko napigilang mangiti nang maging pamilyar na sakin ang nadadaanan naming mga establishments. Natanawan ko yung KFC na madalas namin puntahan nina Violet after ng meeting sa Org. Yung Condo ni Genesis kung saan palagi kaming nag-ssleep over. At yung Mcdonalds.. kung saan madalas kaming kumain ni.. Tila may kung anong bagay ang dumagan sa dibdib ko. Bumigat 'yon at may munting kurot sa puso ko ngayong naalala ko na naman siya. And just like everyday for past 5 years.. remembering him became a part of me. At mula pa kaninang pagtapak ng paa ko sa airport siya kaagad ang pumasok sa isip ko. There's so much going on in my head right now. Like how's he doing? May pamilya na ba siya? Is he successful now? Five years.. Friday.. he probably has his own family now. Definitely a successful engineer. Hindi ko na dapat iniisip pa siya. Isa na lang siyang magandang nakaraan na ang hirap kalimutan. Pero ganoon ata talaga kapag nagtapos ang isang relasyon at walang maayos na closure 'no? Ang hirap mag-move when something's you holding back. . . HUMINTO ang taxi sa harapan ng gate nang bahay namin. Pag-abot ko ng bayad ay bumaba na rin ako bitbit ang maleta at backpack. Mabuti't pumapasok ang kaunting liwanag galing sa poste ng ilaw sa labas kaya hindi ganoon kadilim dito sa garahe. Nangunot ang aking noo nang sa pagpihit ko sa doorknob— nakabukas iyon. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader at kumalat ang liwanag sa malaki at malawak na salas pagpindot ko doon. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko nalooban na kami, eh! Kung ano yung mga gamit na iniwan namin noon dito, iyon pa rin ang dinatnan ko ngayon. Patango-tangong iniikot ko ang aking paningin habang umuupo sa couch. Sa nakikita ko wala namang dapat na ipaayos dito. Bagong-bago pa ang pintura ng mga pader. Malinis rin at walang kahit kaunting alikabok. Siguro may inupahan si Kuya August na tagalinis. Kinuha ko na ang phone sa bag at tulad ng usapan namin, I informed him na nandito na ako sa bahay. Nagtaka na naman ako sa reply ni Kuya. Tinatanong niya ako kung may sumalubong daw ba sa'kin. Duh? Sinong sasalubong sa'kin? Multo? Biglang nagtayuan ang balahibo sa braso ko kaya't wala sa loob na kinuha ko tuloy ang bag at maleta ko saka nagmamadaling umakyat sa dati kong kwarto. Tulad sa ibaba, walang nabago sa kwarto ko. Inilapag ko ang bag sa kama at humilata ng higa doon. Now, what? Hindi ko nga pala alam ang pangalan man lang nung buyer. Hindi ko rin alam paano siya kokontakin. Ito naman kasing si Kuya August kulang-kulang ang details na binibigay sa'kin. Ang hirap pa naman niyang ma-kontak kasi iba ang time zone namin. Kadalasan kapag tinatawagan ko siya, kundi natutulog nasa trabaho naman. Ayoko naman maging istorbo sa kaniya palagi. Tulala pa rin ako kisame at iniisip ang mga kakailanganing papeles nang sunod-sunod na tumunog ang notification tone ng cellphone ko. I pulled it out of my pocket at tiningnan kung sinong nag-chat sa'kin. Binuksan ko ang GC namin na inulan ng chat nina Violet, Jane at Genesis. Genesis: Welcome home, Friday! Jane: We missed you. Violet: Pukelyas!! Lumabas ka diyan sa lungga mo! Huwag mo kaming pagtaguan! I rolled my eyes. Walang pagbabago talaga 'tong si Violet, ang barubal pa rin. Friday: I misses you too, Girls. Just got home. May jetlag pa ako. Violet: Jetlag your face! Inumaaaan na! Genesis: Yes. Let's set a get together. Pwede kayo bukas? Violet: G ako diyan! Jane: I'm in. Genesis: Friday? Bukas? Wala naman akong agenda for the whole week. Next week pa ako bibisita kay Kuya June and Tita Nicole. Weekends rin bukas. Sarado tiyak ang mga ahensya na kailangan kong puntahan para sa pagsasa-ayos ng tinulo ng bahay. And I missed these girls! Mabilis akong tumipa ng reply ko. Friday: Okay. Where and when? . . THE next day maghapon akong humilata lang sa bed. Maaga akong nagising. Di na kasi ako nakatulog kahit pa pilitin ko. Sobrang naninibago ako sa time zone. Ang sakit pa ng ulo dahil sa jetlag. Bumaba lang ako to picked up may lunch na pinadeliver ko sa food panda then I went to bed again. Nag-alarm ako ng 5PM para maghanda ng isusuot ko sa girls night out namin nina Genesis. I chose to wear a black mini party dress. I let my hair down and apply a small amount of make up. Sinisipat ko ang sarili ko sa salamin nang makatanggap ako ng chat galing kay Genesis. Nakapagpareserve na raw ito ng table namin. Hindi na ako nag-reply instead I booked a Grab. Umibis ako ng sasakyan nang huminto iyon sa bar na sinabi ni Genesis. May mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon at mga taong nakapila sa labas- mga humihingi ng reservation. Dumiretso naman ako sa loob at halos sumabog ang tainga ko sa lakas ng party music. Balak ko sanang kuhanin ang phone ko para imessage si Genesis pero nilapitan na ako ng isang waiter. "Do you have reservation, Ma'am?" Tumango ako at sinabi ang pangalan ni Genesis saka sumunod sa waiter na nagpatiuna nang lumakad. Dumaan kami sa gilid ng dancefloor, ang ilang sumasayaw ay walang pakialam kahit nababangga na ang aking balikat. Pinaghalo-halong na ring amoy ng usok, alak at pabango ang aking naamoy. Ang mga ilaw na patay sindi ay masakit sa mata. Umakyat kami sa second floor at doon natanawan ko na kaagad sina Genesis na kumakaway sa'kin. "Friday!" Tili nito sabay tumayo para salubungin ako. "I was about to call you, akala ko iindian-in mo na kami!" "Duh.. Kailan ba ako nang-indian? You know I wouldn't miss any girls night basta kayo ang kasama ko." Umikot ang mata ko pagkatapos ay sabay kaming tumili at nagyakapan. "Tara na shot! Nandoon ang mga bruha!" She said before pulling me to our table. "Ayan na! Ayan na ang tagtuyot ng dekada!" Tumatawang bungad ni Violet. As always she's looking hot and sexy. Mas lumaki pa ata ang boobs sa suot nitong plunging neckline at pinagmamalaki talaga ang cleavage! Napababa tuloy ang tingin ko sa aking dibdib. Kung ang boobs ni Violet ay parang bagong vulcanized yung sa'kin parang gulong naman na-flat-an! "Whatever." Inirapan ko siya sabay umupo sa bakanteng silya katabi ni Jane. "Welcome home." Jane gave me a warm hug. Gumanti ako ng yakap. Tulad ng dati simple pa rin si Jane. Walang kahit anong make up sa mukha. Baby powder lang. But she still looked fresh and pretty. Mala-koreana rin ang kutis. "How are you? How's Laura?" Nagningning ang mata nito. "She's fine. Ayun, ang kulit-kulit na. Panay nga ang tanong sa inyo." "OMG!" Di napigilang sumilay ng mainit na ngiti sa labi ko. "Sa susunod labas tayo uli, yung pwede na isama si Laura." "Hoy, bruha! Ang dami mo ng utang kay Laura." Singit na naman ni Violet na umiinom na ng alak. "I know.. I know.." irap ko sa kaniya. "Eh, ikaw nga balita ko kuripot ka daw." Ngumisi ako para asarin rin siya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Excuse me.. mas galante pa ako kay Genesis 'no!" "Uh-uh, definitely not," sagot ni Genesis after umorder ng karagdagang foods at drinks sa waiter na kaaalis lang. "Wait.. are you staying for good na ba? Or dahil lang sa bahay niyo? Teka.. may buyer na?" "Umuwi lang ako para sa pagbebentahan nung bahay. May buyer na pero hindi ko pa alam ang buong details. Mag-uusap pa kami ni Kuya." "Eh, kumusta naman ang buhay sa Canada?" Si Violet naman ang nagtanong. "Kumusta mga Canadian c**k? Maragul ba?" Humagalpak ng tawa si Jane at Genesis. Nandidiring inirapan ko naman siya. "Ewww.. Vi. My god... " "Iba na ang nakatikim ng basketball player diba, Gene?" Siniko nito si Genesis na hindi pa rin tumitigil sa pag-tawa. "Tumataas ang standard sa size. Ano? Mas malaki pa rin ba yung kay-" Tumatawa siyang natigilan nang batuhin ko siya ng french fries. "Ugh! Enough of me! Kayo naman! Kumusta naman ang mga life niyo?" Gosh. I'm still the laughing stock in our group. Walang katapusang kwentuhan at inuman ang mga sumunod na sandali. Bumabaha ng alak ang table namin. Nagpresinta si Genesis at Violet na sila ang magbabayad kaya sinamantala ko. Order lang ako ng order ng mahal na food at drinks. Nang medyo tipsy na kami- nagkayayaan na sa dancefloor. Nangunguna si Violet. Bitbit pa ang mga drinks namin na sumasaway kami doon sa gitna. Actually kaming tatlo lang- Me, Violet and Genesis. Si Jane nakabantay lang siya sa'min. Kapag may matutumba ay hinihila niya patayo. J Kapag may lalapit na lalaki ay tinataboy nito. Hindi na namin namalayan ang oras at hindi ko na rin namalayan paano akong nakauwi. Si Jane pa yata ang nag-book ng Grab ko. Hindi ko na talaga alam! Basta ang nararamdaman ko ngayon. Hilong-hilo ako kaya pagewang-gewa akong umakyat sa hagdanan. Kulang na lang gumapang na ako. Pagpasok sa kwarto ay padapa akong bumagsak sa kama. Suot pa ang isang strap heels ko habang yung isa at di ko na namalayang nahubad na lang sa paa ko. My hair is so messy and it smells like cigarette. Ang damit ko amoy alak rin dahil ilang beses akong natapunan ng iniinom kong drinks kanina sa bar. "Ugh! f**k you, Alcohol!" Paungol kong sinabi sabay gumulong at tumihaya ng higa. Amoy na amoy ko ang aking hiningang amoy alak dahilan para lalong umikot ang paningin ko. Parang babaliktad na naman ang sikmura ko. Shocks! Ilang beses na akong sumuka sa bar hindi pa rin ubos? Kahit feeling ko may earthquake magnitude 9.5 Pinilit kong bumangon at paika-ikang lumakad papunta sa banyo kaysa naman sa bed ako sumuka. Nanlalambot ang kamay na hinawakan ko ang doorknob kaso nang pipihitin ko na 'yon biglang bumukas ang pintuan. Dahil sa naliliyo kong diwa, nawalan ako ng balanse at diretsong napaupo sa sahig. Ang mukha ko ay sumubsob sa isang matigas na bagay. Hmmm.. smells so familiar.. feels familiar. Itinukod ko ang namlalambot kong kamay sa harapan ko sabay tumingala. Nanlaki ang aking mata kasabay nang pag-awang ng aking labi— lumabas ang espirito ng alak sa katawang lupa ko nang mapagsino ang lalaking nasa harapan ko ngayon! Walang iba kundi ang EX boyfriend na iniwan ko noon. Si Engineer Rocket Sid Montero! Tumutulo tubig mula sa basa nitong buhok pababa sa katawang walang pang-itaas kaya kita-kitang ang malapad na dibdib at abs. Gulat rin siyang nakatingin sa'kin. Awang ng kaunti ang labi na parang nakakita ng multo. What the hell is he doing here in my house! Bago pa may makapag-react sa'ming dalawa. Hindi nito namamalayan na lumuwag na pala ang pagkakatapis ng tuwalya sa beywang nito kaya naglalag 'yon sa sahig. His huge member sprung freely on my face! Parang tangang natuon naman ang tingin ko doon. Naduduling pa ang mga mata ko. I already saw it a lot of times nasubo ko pa nga. But damn... why does it looks like it gets thicker and longer..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD