Hunter's POV Panay ang katok ko sa pinto ng kwarto ni Jean Grey kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya pero hindi niya ko pinagbubuksan. Napatigil naman ako sa pagkatok ng biglang bumukas ang pinto sa hindi kalayuan at lumabas si Nealyn sa isang kwarto na halos pikit pa ang isang mata sa antok, gulo gulo ang kanyang buhok, suot pa din niya ang light blue scrub uniform niya sa work kanina. Mukhang hindi na ata niya nakayanan ang pagod kaya basta na lamang natulog. Napansin ko naman na may bitbit siyang cellphone habang lumalapit siya sa akin. "Hoy kayong mag-jowa ah ang ingay ingay niyo, imbes na babawi ako ng tulog ngayon ay pareho niyong ginagambala ang gabi ko. Wala na gising na ko ulit. Mapupuyat na naman ako!" Duro niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil totoo naman nag

