CHAPTER 1 : THE ROMERO'S
Nickolas is twenty-two years old when he met the Romero Heiress, Jenna Romero. He can't deny to himself that Jenna looks so stunning at the age of nineteen.
"Nickolas po, Mr. Romero" pagpapakilala ng binata sa lalaking may edad na sa harap niya, ito ay ang haligi ng tahanan ng mga Romero, si Zosimo Romero.
Nakita ng binata ang panandaliang gulat sa mukha ng matandang nasa harap niya.
"Nickolas ang pangalan mo o ang apelido mo?" tanong nito
Saglit na natigilan ang binata sa tanong ng matandang nasa harap niya. Kita niya ang pagka bahala at pagka disgusto sa pangalan na binanggit niya.
"Nickolas po ang pangalan ko" pag uulit nito
Nakita niya kung paano nagbago ang kaninang gulat ay napalitan ng pormal at nakaka intimitado na mukha ng matandang lalaki na kausap.
"Aba'y may anak ka palang binata, Karina. Halos anim na taon ka na sa amin e ngayon mo lamang siya dinala dito" saad ni Mr. Romero
"Galing ho siya sa Maynila sir, doon kase siya nag aral sa tiyahin niya na guro, na nagprisintang pag aralin siya sa paaralang pinag tatrabauhan din nito" sagot ng ina ng binata
"Sigurado ka bang kaya mong mag ayos ng mga sasakyan?" tanong ni Mr. Romero ng bumaling sakanya
"Opo sir, may karanasan na ho ako sa pag me-mekaniko" tila nahihiyang saad ng binata
"Siguraduhin mo dahil kapag pumalya ka ako mismo ang mag aalis sayo sa trabaho" masungit na saad ni Mr. Romero
"Dad, wag mo naman takutin baka mamaya di na yan tumuloy sa pagtatrabaho" hindi alam ng binata kung pabiro iyon at sarkastika o sinasabihan ng dalaga ang ama sa panget na inaasal nito sakanya
"Wag po kayong mag alala sir, magaling na bata po ang anak ko. Noong nag aaral po siya sa Maynila e nagtatrabaho din siya sa shop ng mga sirang sasakyan" proud na sabi ni Aling Karina, ang ina ni Nickolas
"Siguraduhin mo Karina dahil kung hindi e pati ikaw aalisin ko sa trabaho" may pagbabanta na sambit ni Mr. Romero bago sila tinalikuran
Lihim na kinuyom ni Nickolas ang kamay dahil sa pagtrato ni Mr. Romero sa ina niya. Dinala ni Aling Karina ang anak niyang si Nickolas sa mansion ng mga Romero na kakagaling lamang Maynila, doon ito nag aral ng sekondarya at ngayon na nagtapos na ay bumalik sa sarili niyang lugar upang makasama ang ina na halos labing dalawang taon ng katulong sa mansion ng mga Romero.
"Ah siya nga pala Jenna, si Nickolas anak ko. Anak si Jenna ang nag iisang anak ni Mr and Mrs. Romero" pagpapakilala ng ina niya sa dalagang halos isang beses lang ata nag salita mula ng makaharap niya ito kasama ang ama nito sa labas ng mansion.
"Goodluck sa trabaho mo Nickolas, wag mo nalang pansinin si Daddy mainit lang ang ulo no'n dahil pagod sa trabaho" nakangiting saad ni Jenna
Sa nakikita niya ngayon ay iba ang ugali ng dalaga sa ama nito. Maamo ang mukha ni Jenna, makinis ang balat nito at sa edad na labing siyam ay maganda na ang hubog ng katawan. Hindi maipagkakaila ni Nickolas na unang kita pa lamang niya sa dalaga ay humanga na siya dito, lalo na at nakita niya kung gaano ito kabait.
"Salamat. Wag kayong mag alala, marunong at may karanasan na ako sa pag me-mekaniko kaya kahit wala ng magturo sakin ay ayos lang, ayoko din maging pabigat sa mga kasamahan ko kung sakali" saad ng binata
Mas lalo lamang siyang humanga sa dalaga ng sumilay ang napakagandang ngiti nito sa labi at kitang-kita ang magaganda, mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito.
"Alam ko din naman na kaya mo" saad ng dalaga
Nagsimula si Nickolas na magtrabaho sa isang shop ng mga Romero, pinatunayan niya kung gaano siya kabihasa sa pagkukumpuni at pag aayos ng mga sirang makina o parte ng sasakyan. Gabi-gabi ay umuuwi si Nickolas sa mismong bahay nila ng ina'y Karina niya, sinusundo niya ito minsan sa mansion ng mga Romero. Tulong din iyon upang masilayan niya araw-araw ang dalaga na si Jenna.
Ngayon ay isang taon na siya sa mga Romero at nakikilala niya lalo kung gaano ka gaspang ang ugali ng mga ito.
"Magandang gabi" bati niya kay Jenna ng minsan na ito ang magbukas ng gate
"Magandang gabi din sayo, Nickolas" nakangiting bati ng dalaga
"Si nanay, susunduin ko sana" hindi niya maiwasan ang mahiya dahil pakiramdam niya ay ang baho niya dahil sa trabaho
"Nasa loob, nagluluto pa ng mga ulam. Tumawag kase si daddy kanina na may darating daw siyang bisita kaya naparami ang lulutuin niya." mahinhin na paliwanag ng dalaga
"Ah ganun ba, sige susunduin ko nalang siya mamaya" saad niya
"Wag na, pumasok ka nalang sa bahay habang hinihintay siya. Saglit nalang din naman siguro siya para hindi ka na rin mapagod sa pagbalik upang sunduin si Manang" tila nahihiyang saad ng dalaga
"Naku wag na baka magalit pa ang daddy at mommy mo kapag nagpapasok ka ng kung sino-sino sa bahay niyo" nahihiyang sambit niya
"Ano ka ba, hindi ka naman iba. Anak ka ni Manang Karina kaya para sakin pamilya na namin siya kaya pamilya ka na din dahil anak ka niya" pamimilit ng dalaga
"Wag na, babalikan ko nalang si nanay mamaya" pamimilit niya
Nagulat na lamang siya ng lumapit si Jenna at hinawakan ang kamay niya bago siya hinila papasok ng gate. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya lumulutang siya sa buong segundo at minuto na inaakay siya ng dalaga papasok ng bahay nila kaya hindi niya namalayan na nasa sala na siya ng mga ito patungo sa kusina.
"Manang, nandito po si Nickolas" may kalakasan pero hindi naalis ang pagiging mahinhin na saad ni Jenna
"Aba'y papuntahin mo nalang dito hija para may kasama akong magluto at mapadali ang pag uwi namin" rinig niyang sagot ng ina mula sa kung saan mang parte ng kusina
Bumigat ang pakiramdam ni Nickolas ng bitawan siya ng dalaga. Tila may humaharang sa kasiyahan niya dahil sa dalaga sa kabila ng napakagandang disenyo ng mansyon. Ito ang unang beses na makapasok siya dito mula noong ipasok siya ng ina sa shop ng mga Romero isang taon na ang nakakaraan. Isang taon na ngunit ngayon lang siya nakatungtong sa mismong mansion ng mga ito.
"Halika ka na puntahan natin si manang" doon lamang siya nabalik sa huwisyo ng marinig muli ang mahinahon na boses ng dalaga
Hindi na lamang siya nag salita at sumunod sa dalaga. Nakita niya ang ina na busy sa gawaing kusina. Andami nitong sangkap na ginagawa at nakasalang na mga kaserola sa maganda at mamahaling lutuan ng mga Romero.
"Pasensiya ka na hijo at hindi pa ako tapos may bisita raw kase na darating sina Mr. at Mrs. Romero" paliwanag ng ina at hindi na magkandaugaga kung ano ang uunahin sa tatlong klase ng ulam na nakasalang.
"Ayos lang nay, tulungan ko na ho kayo" saad niya at nilapitan ang ina
"Aba'y mabuti pa nga, kumuha ka ng apron mo sa gilid ng cabinet na iyon" utos ng ina niya at itinuro ang cabinet sa ilalim ng lababo
Agad naman siyang sumunod at ng akmang isusuot ay nagsalita ang dalaga na nakalimutan niyang nandoon din pala.
"Pwede po ba akong tumulong?" tila nahihiyang tanong ng dalaga
"Naku hija wag na at baka mapaano pa ang kamay mo mapapagalitan pa ko ng mommy at daddy mo" pagtanggi ng nanay ng binata
Nakita ni Nickolas ang pagkapahiya at kagustuhan ni Jenna na makatulong at maranasan ang gumawa ng gawaing kusina kaya isinuot niya ang apron bago kumuha ulit ng isa at nilapitan ang dalaga.
"Heto para di ka madumihan" nakangiting saad niya at isinuot ang apron sa dalaga
Napansin niyang napipilan ang dalaga at di nakapag salita. Nanigas ito sa kinatatayuan at nanlalaki ang mata habang nakatitig sakanya. Tila siya nakayakap dito dahil itinatali ang apron mula sa likod. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang niyang natitigan ang dalaga, sobrang ganda nito lalo na sa malapitan, ang maninipis at kulay rosas na labi nito ay tila nang aakit na dampian ng labi niya.
"Tuturuan nalang kita para hindi ka masugat at mapaano" saad niya ng makabawi at lumayo sa dalaga
"Ah oo, salamat gusto ko din matuto kaso ayaw kase ni Manang" tukoy nito sa ina niya
Ramdam ni Nickolas ang pagtaas ng labi dahil sa nakikita niyang epekto niya sa dalaga. Namumula pa ang mala porselana nitong kutis sa mukha at hindi makatingin sakanya ng direcho.
"Anong pwede namin gawin nay?" baling niya sa ina na nakatitig na pala sakanila
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sakanya at tila may gustong sabihin. Umiwas na lamang siya ng tingin sa ina at nag simulang gawin ang alam niyang maitutulong niya.
"Budburan mo na lamang ng sangkap ang pork chop na nasa lababo tulad ng ginagawa ko sa bahay" utos ng ina
Tumango siya at tumingin sa dalaga na hindi alam kung ano ang gagawin. Tumingin siya sa niluluto ng ina at sa mga sangkap na nasa mesa.
"Hugasan mo nalang yung mga sangkap na gagamitin ni nanay" saad niya sa dalaga
Nagulat siya ng bigla siyang hampasin ng mahina ng nanay niya.
"Loko kang bata ka, bakit mo inuutusan si Jenna baka magkanda sugat sugat ang kamay niyan" sita ng ina niya
"Okay lang naman manang sige na payagan niyo na ko" nakasimangot na sambit ni Jenna
Bumuntong hininga si Karina dahil sa kakulitan ng dalaga kaya wala itong nagawa kundi umiling senyales na sumusuko na siya sa pangungulit ng dalaga. Napatalon pa sa tuwa si Jenna kaya dali-dali nitong kinuha ang mga gulay at hinugasan. Binuksan nito ang faucet pero hindi niya inasahang tatalsik ang tubig sakanya ng isahod niya ang gulay na dapat ay huhugasan. Napahiyaw ang dalaga kaya nataranta ang mag ina.
Nang tignan siya ng mga ito ay bigla na lamang siyang natawa dahil basang basa ang damit niya. Napakagat siya sa labi habang nakatingin sa mag ina. Biglang nagtawanan ang dalawa kaya natawa na lang din siya sa kapalpakan niya. Hindi sanay si Jenna sa gawaing bahay pero lagi niyang tinitignan ang bawat ginagawa ng manang Karina niya kaya alam niya na kaya niya at madali lang nitong matututunan ang mga iyon.
"Magpapalit nalang po ako mamaya pagkatapos natin mag luto" nakangiting saad ng dalaga
"Wag ka lang datnan ng mommy at daddy mo na ganyan, naku kawawa ka nanaman sa sermon" tila nanenermon na sambit ng ina ni Nicholas
Masaya nilang ipinagpatuloy ang pag luluto, na late din ng dating ang magulang ng dalaga kaya hindi din nakaalis agad ang mag ina. Nang matapos magbihis ang dalaga ay saktong dumating ang mga magulang niya kasama ang isang matandang babae at lalaki na kaedad ng mga ito at isang binata na kaedad din ni Jenna.
@direkaly