Kaagad siyang hinila nito palabas ng bahay at nakasunod naman sa likuran si Max naiiling na sinundan ang dalawa. Aaminin niyang magaling ang kanyang nobya dahil nagawa niyang palabasin ang ganda ni Silvia. Bihasa kasi itong lagyan ang sarili kaya alam na niyang kung paano mas pagagandahin pa ang mukha nito. Sa unahan napiling umupo ni Silvia katabi ng driver at si Ava at Max naman at sa passenger seat. After twenty minutes ay dumating na rin sila sa venue. Sa isang private resort ipinasok ng driver ang sasakyan derecho sa parking lot. May mga iilan na ding naroroon na suot ang kanilang casual party dress. Sinalubong sila nang magarbong set-up ng birthday party. Nasa likuran lang si Silvia at nasa harapan naman niya ang dalawa magkahawak pa ang mga kamay nito papasok. Pinagmasdan niya ang

