Past midnight

1642 Words
Nakahiga ako sa malambot na kama habang nakatagilid. It's past midnight, kanina pa natapos ang shoot, pero tila naging mailap na naman ang antok sa akin.Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi ko habang inaalala ang lahat ng mga nangyari sa shoot kanina. Until now ay naka rehistro parin sa utak ko ang kanyang anyo. I can't get her out of my mind. Ang ganda ganda niyang pagmasdan, especially when she smiles. That certain smile that has and will always blew my mind away! Hinding-hindi yata ako magsasawang pagmasdan ang kanyang mukha. Buti nalang talaga at kinakailangan naming magtitigan sa eksena. In that way ay maitatago ko ang aking tunay na nararamdaman. I was given the chance to do love acts ng walang pag-aalinlangan. I have every right to be passionate with her in such ways na ako lang ang nakakaalam, na tanging sigaw lang ni direk ang siyang makakahadlang. Napailing ako sa mga naiisip. You're a very very lucky guy! alam mo ba 'yon, huh? di ko mapigilang ibulong sa sarili. Who would have thought na magkakatotoo ang mga pinapangarap mo lang noon? Well, not totally done yet, but almost there. You're getting there man! and you'll be there soon... you just have to be there, sa tamang panahon. Makikita mo, everything will fall into places, and maybe then masasabi mo na rin finally, that it was all worth it! It will be worth it. But for now, matuto ka munang makontento sa kung ano lang ang puwede, just enjoy each moment and make it last sa paraang alam mo. But does it mean na magpapantasya na muna ako? because it's the least I can do for now, aside from being friends with her. Kasi naman, ang hirap-hirap lang i detached ang sarili sa ginagampanan kong character. How in the world would I be able to do it, when all of the given emotions were so reel on my part? It will definitely takes time bago mag sink-in sa utak ko ang katotohanan, that all of those were merely part of that so-called movie script na kailangan naming isagawa. Natatawa kong inalala 'yong naging sayaw namin kanina. I lost counts kung ilang beses niyang naapakan ang aking mga paa. Sabagay, that was expected to happened naman, kasi nga... alam ko naman na parehong kaliwa ang mga paa niya when it comes to those kind. But still... I enjoyed every bit of it, like it was the best dance I ever performed in my entire life. Pero sana lang ganon din siya. Sana we share the same feeling towards that scene. Saglit akong napapikit at tumihaya. Sandali... Hoy! anong sana lang? ayan ka naman eh! kinuha ko ang isang unan at hinampas hampas ko iyon sa aking mukha. Umayos ka Reanz! take it easy man, dinaig mo pa ang teenager sa sobrang kilig, hindi bagay sa'yo. I paused for a while at pilit na pinakalma ang sarili. Oo nga! I'm too old for that kinda, muli kong bulong sa sarili. But on a second thought, wala namang pinipiling edad ang kilig di ba? kasi it's an emotion na hindi mo basta-basta nako-kontrol. Because it comes out naturally sa bawat taong nakakaramdam no'n, at kadalasan... kadalasan mas lalo pa itong nagiging obvious kapag pinipigilan mo. Besides, hindi lang naman siguro ako ang kauna-unahang artist na nakaramdam ng ganito sa naging on-screen partner nila di ba? lalo na kapag may history pa kayo ng kapareha mo. Kaya, it's perfectly normal for me to act this way. But wait again! ano'ng pinagsasabi ko? Is this some sort of a defense mechanism? 'Yon ba 'yon? That I'm just trying to justify my doings para hindi maging gano'n ka obvious? Pero para kanino? eh ako lang naman ang nandidirto. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? parang tanga lang! makatulog na nga. Muli akong pumikit ako at tinakpan ng unan ang mukha. Pilit ko paring iwinawaksi sa isipan ang lahat. Pero, mas lalo lang yata akong hindi makatulog. Nag fa-flash back na naman 'yong love scene na ginawa namin kanina. Direk has decided na kunan na ang pinakamaselang eksena a few hours after that kissing scene. We had to do it right away habang mataas paraw ang adrenalin naming dalawa. For some reasons ay nag-aalala siya na baka may mangyari na namang aberya from both parties that would probably cause another delayed. Like some untoward incidents that might distract our focus. And so he instructed another team to prepare for the next scene. Sinigurado niyang hindi ito magiging awkward para sa amin, kaya pinili niya kung saan at kung kanino kami pinaka komportable. Buti na lang talaga we're surrounded with brilliant people, 'yong tipong hindi magdadalawang-isip na sabayan at i- execute ang mga ideas ni direk in just a snap of a hand. Kahit nakakainis na siya minsan, at nalilito na 'yong karamihan sa mga on the spot at unexpected turn of events na gawa niya, ay never kaming nakarinig ng reklamo from them. Lahat sila focus sa ginagawa, lahat sila iisa ang goal. We're just so lucky and proud to have work with this kind of people. SCENE-26 She's in a white off-shoulder dress na hanggang kalahati ng kanyang hita ang haba. I was with some friends when she appeared on my sight. She literally caught everyone's attention then, 'yong nga lang... not everyone likes her. May mga matang nagnanasa at may mga matang nanghuhusga. She's RAIN, the girl I've met not so long ago. We easily get along with, siguro kasi nakakikita ko ang sarili sa kanya. My old and struggling self na pilit na nakikibagay sa lahat. Iba na kasi ang mundong ginagalawan ko ngayon. I am almost at the peak of my carreer, at hindi madali ang pinagdaanan ko, makarating lang dito. Though others would say that I am already an accomplished man, I know for certain that I have still a long-long way to go. 'Yon din ang sabi ng handler ko, so I have to strive harder. Kalimutan ang sariling kagustuhan at sunggaban lahat ng oportunities na dumating. And that's my life's goal, but not until we crossed paths. Muli niya akong iminulat sa totoong purpose ng buhay. Isang buhay na matagal ko ng tinalikuran. Handa na sana akong lumaban. I'm willing to take the risk and give it a try, pero siya naman ang natakot. And I couldn't do anything but accept her decision. She's also striving as a person, she's too afraid she might drag my name down. Kaya nagkasundo kaming tapusin na ang lahat, kahit hindi paman pormal na nagsisimula. Tanggap ko naman na ang lahat. Pero ba't ako nagkakaganito ngayon? I am constantly watching her dancing with another guy. Nagtiim ang aking bagang hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sariling lumapit. Pumagitna ako sa kanila. BENJ "Excuse me, can I have a dance with her?" seryoso kong tinitigan ang taong kasayaw niya. Medyo nagulat pa ito no'ng mapagtato kung sino ako at walang kibong tumalikod. BENJ "May I have this dance?" (sa mahinahong boses) RAIN "Benj, nag-usap na tayo di ba?" BENJ "Just this one, please? even for the last time..." (isang paki-usap) She deeply sighs before she agrees. RAIN "Hindi ako marunong sumayaw," pahabol niyang sinabi. BENJ "Really? parang di naman halata no'ong may kasayaw ka kanina" RAIN "Ibang sayaw naman 'yon, ibang-iba sa style mo," (umirap siya) BENJ "Well, let me teach you then..." Then I grabbed her hand, hinila ko siya paalis sa lugar na iyon, till we reached a certain room. Isang silid na pinaglalagian ko everytime I feel the weight on my shoulder. BENJ "My hidden shelter. Dito ako naglalabas ng lahat ng sama ng loob. Dito ako nagmumukmok, at dito rin bumabangon," I utter the words as I open the door. Ilang sandali pa ay nagpatugtog na ako ng music with my personalized instruments. Nagsayaw kami ng nagsayaw hanggang sa kusa ng bumigay ang aming mga puso. Naglapat ang aming mga labi kalauan at humantong sa maiinit na tagpo. "s**t! WTF!" Ba't di ko malimutan 'yong eksena? hanggang ngayon ay nalalanghap ko parin ang bango niya, Damang-dama ko pa ang lambot ng kanyang labi at katawan. Sobra sobra na ang panggigigil ko sa sarili. Itinapon ko ang unan sa sahig, sinapo ko ng dalawang kamay ang aking ulo. Tama na! it's not healthy anymore. I need to shake it off. Go and get some sense Lucio! I lifted my weight at bumangon mula sa kinahihigaan. Tumayo ako at nagpagpag habang kinakausap ang sarili. Okay na kayo di ba? kaya maging masaya ka na lang sa kung ano mang meron kayo ngayon. Tandaan mo, minsan ka ng nagkamali sa kanya noon, kaya hindi ka na puwedeng magpadalos-dalos. Huwag kang gumawa ng mga bagay na ikakasira ng lahat. Not now, not tomorrow, and not until you'll get things done and be totally ready for everything. So you better behave or you might end up loosing her forever. Muli akong umupo at pumuwesto sa headboard ng aking kama. Doon ay malaya kong isinandal ang sarili habang nakalatag ang pang-ibaba kong katawan sa kama. I then hugged the pillow beside me. May natira pa namang unan, kahit pa itinapon ko sa sahig 'yong isa. Nagawa mo naman di ba? 'yong mga bagay na inaakala mong hindi na mangyayari? nangyayari na siya ngayon. Kung kelan hindi mo na inaakala, at kahit pa sabihin na trabaho lang ang lahat ng 'yon, that you had no other choice, but to do it, still... nagawa mo pa rin. Na-enjoy mo 'yong eksena... at mukhang okay lang din naman sa kanya. Kaya dapat maging masaya ka na lang, kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng gan'ong chance. Malay mo, baka sa huli ay may naghihintay pa palang mas malaking sorpresa para sa'yo. Isa na namang bagong pag-asa ang sumilay sa akin bago ako nagpadausdos sa higaan at tuluya ng nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD