Present Day - Xandro's POV
Muling bumukas ang aking mga mata, unti-unting bumigat ang pakiramdam sa ulo dahil sa alak kagabi. Napaungol ako, pilit inaalala kung nasaan ako. Mabilis kong namalayan na nasa hotel ako—isang mamahaling suite, malinis, tahimik, at malamig. Ramdam ko ang yakap mula sa likod. Isang hubad na katawan ng babae ang nakadantay sa akin, mahimbing ang tulog.
Wala akong maalala. Ni pangalan niya. Pero tandang-tanda ko ang bawat galaw niya kagabi—kung paano siya gumalaw na para bang eksperto na sa pagpapaligaya ng lalaki. Kung sa katawan lang, satisfied ako. Pero sa puso? Wala. Walang laman. Walang saysay.
Tumayo ako mula sa kama, wala ring kahit anong saplot sa katawan. Dumiretso ako sa banyo at nag-shower, umaasang maalis kahit papaano ang bigat ng nakaraan na muli na namang bumabalik.
Pagkatapos magbihis, kinuha ko ang isang blankong tseke mula sa bag ko. Sinulatan ko ito ng halagang sapat para sa isang gabi ng “kalimot.” Iyon na ang nakagawian ko sa loob ng limang taon. Ganitong-gani'to ang sistema ko—kapag pagod, kapag hindi ko na kaya, nagbabayad ako para sa pansamantalang ginhawa. Laging hotel, laging ibang babae. Laging walang pangalan. Walang emosyon. Walang koneksyon.
Pero kahit ilang beses kong subukan, hindi pa rin ako buo. Hindi pa rin ako malaya. Kasi sa limang taon, may isang gabing hindi ko malimutan. Isang gabing sumira sa lahat ng paniniwala ko tungkol sa pag-ibig.
Ang gabing pagkatapos kong makita si Hannah at Sanjoe na maghalikan…
Akala ko tapos na. Umalis ako, nagpakalasing. Pero dahil mahal ko siya, bumalik ako sa bahay nila.
Pero ang nadatnan ko ay mas masakit pa kaysa sa inaakala ko.
Nakabukas ang bintana ng kwarto niya. Narinig ko ang mga ungol. Hindi ako tanga para hindi maintindihan. At nang silipin ko, tuluyan na akong gumuho. Wala silang saplot. Niyayakap nila ang isa’t isa habang ninanamnam ang isa’t isa. Hindi lang halik. Hindi lang yakap. Buo. Buo ang pagtutugma nila. At si Hannah… si Hannah ang mas masigasig.
Sa mata ko mismo, nakita ko kung paanong si Hannah ay naging ganap kay Sanjoe. ‘Yung Hannah na kilala kong mahinhin, tahimik, parang santa—ibang-iba siya nang gabing ‘yon.
At doon ako nabasag.
Simula nang gabing ‘yon, hindi ko na ulit siya nilapitan. Hindi ko na siya hinanap. Kasi alam ko na…
Hindi ito pagmamahal. Hindi na ito sakit lang. Ito'y kabaliwan. Hannah is not love anymore—it’s madness. Obsession.
Kaya tama lang na lumayo ako. I'm back sa dati kong mundo.
Naalala ko pa noong una akong lumisan mula sa Pilipinas. Iniwan ko ang lahat—pati na ang babaeng akala ko'y isang anghel. Hannah Maria. What a perfect name, diba? Isang pangalan na para bang gawa ng langit. Pero paano kung ang pangalan na iyon ang mismong salitang sumisira sa ‘yo? What do you do when the sweetest name becomes the one that haunts your every night?
From the moment I left the Philippines, I made sure I would never hear any news about her—hindi kay Hannah, hindi rin kay Sanjoe. Gusto kong putulin ang lahat ng koneksyon, parang binura ko silang dalawa sa buhay ko. I wanted to completely erase the trace of meeting her.
And to forget, I drowned myself in women. Kung sinong interesado, go. Pero isang gabi lang. Hindi ako bumabalik. Hindi ako nauulit. Ayaw ko ng paulit-ulit.
Yes, Hannah is the reason why I went back to being an asshole. Because loving her broke the last good part of me.
Lumabas ako ng hotel. Tinawagan ko ang assistant ko habang papasakay ng sasakyan.
"Fred, ready na ba ‘yung ticket ko pauwi?"
"Yes, sir. Flight niyo mamayang gabi. Naka-VIP arrangement na rin po kayo sa airport."
"Good. I’m coming back."
Hannah's POV
Maaga akong gumising dahil ngayon ang schedule ng follow-up check-up ni inay. Bagamat night shift ako, kailangan kong bumangon ng maaga. Mula nang magising si inay, iba na siya. Hindi na siya tulad ng dati. Pero ang mahalaga, nagising siya.
"Nay, aalis tayo ngayon at pagkatapos ay dadalawin natin si itay."
Bagamat hindi siya sumasagot, lagi ko siyang kinakausap dahil yun ang sabi ng doctor. Mahalagang magpatuloy ang mga komunikasyon, kahit hindi pa siya ganap na nakakausap.
Dumating si Aling Minda, ang mabait naming kapitbahay. Malapit siya sa maliit na bahay na nirenta ko, sapat lang sa amin ni inay.
"Aling Minda, salamat ho, pero ako na ang magdadala kay inay sa hospital. Bumalik ka na lang mamayang gabi bago ang pasok ko sa trabaho."
Sa loob ng 5 taon, nasanay na akong mag-isa sa paghahanapbuhay. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero hindi na yun mahalaga. Ang mahalaga, matustusan ko si inay.
Matapos magising ni inay, nagpasya akong dito na sa Manila mag-ayos dahil nandito ang ospital kung saan may regular na check-up siya. Noong una, nakikitra lang ako sa bunsong kapatid ni itay, pero hirap din sila kaya nang nakapasok ako ng trabaho, bumukod na kami. Sakto lang ang kita ko, minsan nga, kulang pa.
Nabanggit pala sa akin ni Joan na may raket kami mamayang gabi—malaki ang kita. Kulang daw ng tao ngayon sa isang sikat na bar para sa mga elite, kaya ipapasok kami ng pinsan niya. Akalain mong sa isang gabing duty ay halos triple ang bayad kaysa doon sa diner. Excited ako. Mabibili ko ang gamot ni inay kinabukasan, at bale dalawang linggong gamot din ang mabibili ko.
Kinuha ko na ang wheelchair ni inay para gumayak. Sakto palabas kami nang dumating si Jason, sya ang manager sa The Boss, ang elite na bar kung saan kami may raket mamaya, pinsang buo rin sya ni Joan. Umaaligid siya sa paligid, pero alam niyang prioridad ko si inay. Kaya malinaw na wala siyang aasahan sa akin.
"Han? Nabanggit sa aki ni Joan nga ngayon ang follow-up check-up ni Aling Clara, saktong dadaan ako doon kaya dumaan na ako" banggit nya habang kinukuha ang aking mga dala.
"Salamat, Jason. Pero napapansin ko para every check-up ni nanay may lakad ka papunta doon." biro ko sa kanya.
Alam ko naming sinasadya nya siguro dahil naaawa sya sa sitwasyon namin ni inay.