Napatitig na lang si Mr. Tan sa bata na ang lakas ng loob na sitahin siya dahil sa maling pakikitungo nito sa nanay niya na minsan ay hindi pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina, at ngayon ay ang lakas ng loob na magpakita sa territory niya. Galit na galit siya kanina nang makita ito na parang ang saya pa habang kumakain kasama ang bata, at kaya siya lumapit sa mga ito ay para paalisin sila—ang itaboy sila palabas sa hotel niya. Pero dahil sa batang nakatitig na rin sa kanya ay hindi na niya magawa na magsalita pa. Hindi niya alam kung bakit, pero natutuwa siya sa bata. Bata pa lang kasi ito, pero marunong nang ipagtanggol ang Lola nito laban sa kanya. Kinakapa-kapa rin nito ang baba niya na katulad ng ginagawa niya ngayon. Parang ginagaya ang mga galaw niya. Si Mr. Tan naman

