It's been a rough week for all of us. Nakahinga kaming lahat nang maluwag ng sabihin ni Cristy'ng succesful at naniwala naman ang pamilya niya. That makes our worries gone.
And now, papunta ako ng mall to meet my friends. Manlilibre daw si baklitang si Asher na once in a blue moon lang mangyari kaya sunggab kaming lahat. NApatingin ako sa relo ko ng makitang late na pala ako ng two minutes sa usapan.
As expected, my phone begin to ring. The special alert tone is on kaya alam ko kung sino ang tumatawag.
I immediately picked it up, "hello..." magsasalita pa sana ito ng inunahan ko na siya. "Late na naman ako. Bakit ba kasi lagi akong late? Dapat hindi na ako naligo at dapat mas maaga akong nagising. Bakit kasi ako nagpuyat kagabi sa kakapanood."
"Nyeta!" Tawang tawa si Asher sa kabilang linya. Hindi niya kasi expected na uunahan ko na siya and this is the first time kaya siguro tawang tawa ito. "Wala na akong sinabi. Just be here. Ikaw na lang ang kulang at si Elly'ng bansot. Ngayon lang nalate 'yon kaya nakakapagtaka. Anyways, bilisan mo..."
"Bilisan mo kasi Pamela kung hindi pipingutin kita sa tenga, real hard." Mas humagalapk nang tawa si Asher sa mga pinagsasabi ko. Mga linyahan niya kasi 'yan kapag pinapabilis niya kami sa meeting place. "Andito na ako sa parking lot. See you."
Agad ko ng pinatay ang tawag at naghanap na ng paparkingan. Nang makakita ako ay agad akong nagpark at nagmadaling pumasok sa elevator pataas. Buti nga naabutan ko pa ang pagsara nito dahil kung hindi ay maghahagdan na naman ako.
Nang makita kong nakapindot na ang floor na pupuntahan ko agad akong humarap sa glass panel ng elevator. Makikita mo kasi ang iba't ibang stores at ang mini stage na nasa unang floor . Nalibang ako masyado sa kakatingin at hindi ko na namalayang lumagpas na pala ako ng floor. Nang marinig ko ang pagtunog ng elevator, mabilis akong lumabas not knowing na nakalagpas na pala ako ng floor.
I cursed, "Oh s**t! 'Yan kasi Pamela-- sight seeing pa more."
Dahil ilang floor pa bago bumalik ang elevator mas minabuti kong maghagdan na lang. Kung hihintayin ko pa-- baka matagalan ako mas lalo at magbunganga na naman ang speaker ng taon.
And, speaking of, my phone ring. Agad ko itong sinagot. Uunahan ko na ulit sana ito ng bigla na lang itong nagsalita at parang nagpapanic pa ang boses.
"Condo! Now! Elly..." halos pasigaw na sambit ni Asher.
"Wait! What? Anyare?" NAguguluhang tanong ko.
"Elly is crying over the phone and we don't know why. Sunod ka na doon sa condo. I've been texting you but you didn't even bulge to reply, " he said. He's starting his engine, so, nasa parking na sila and about to leave.
Napanguso ako, "I didn't see it. Lumagpas ako ng floor." saad ko at nagmamadaling tinungo ang exit patungong hagdan.
"Okay, just be there. We know, she needs us. Malapit lang ang condo kaya doon na tayo magkita." Tumango ako na para bang nakikita nito ang pagtango ko. Ilang minuto lang kasi ang condo nito sa mall kaya mabilis lang.
Agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling binuksan ang pinto ng backdoor. Sa pagmamadali ko, dire-diretso lang ako and to my grimace. May nabangga ako--nanlaki talaga ang aking mga mata. Tunatak talaga sa isip ko na may nabangga ako!
"I hit somebody and he or she fell on the stair. My God!" Nanlalaki ang matang bulalas ko. That's when I heard a loud curse from a man. s**t!
"Damn!" Mura nito habang pinipilit na tumayo. Doon bumalik ang huwisyo ko.
"Oh my God!" Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan ng mall at lumapit dito. "I'm so sorry--" hingi ko agad ng paumanhin Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatabingan ito nang mahaba niyang buhok.
Nang humarap ito sa akin ay hindi ko maiwasang magulat. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao ay siya na naman ang nakabangga ko. I wanted to see him again pero not in this kind of situation. And now, very fatal naman ang nangyari sa kanya. What got into me-- bakit ganito na lang ang pagtatagpo namin. Napabuntong hininga na lang ako at aalalayan sana itong tumayo nang patigilin niya ako gamit ang kanyang kamay bago nagsalita.
"Stop right there, Miss. Baka kung anong kamalasan na naman ang ibigay mo sa akin." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Kamalasan talaga? Ganoon ba ako kamalas para dito?
"Grabe ka naman. I didn't mean all of that to happen--" sa totoo lang ay pangatlong beses na namin itong pagkikita. At sa kamalas-malasan ay lagi ko itong nadidisgrasya. The first one is when I poured the starbucks coffee on him. Second is when I accidentally spill my fave spaghetti to his shirt. And now, eto-- nabangga ko siya at nahulog lang naman ito mula sa itaas ng hagdan hanggang sa dulo. That makes fifteen steps from the top.
"Just don't come near me," pakiusap nito. Nanatili na lang ako sa malapit kahit gusto ko itong tulungan.
Baka nga tama ito, ayoko nang madagdagan pa ang magiging kasalanan ko sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari dito.
Napayuko ako dahil sa totoo lang ay guilty'ng guilty ako. "But-- you are hurt. Hayaan mong gamutin muna kita. I won't come near you after I gave you first aid. " suhestiyon ko.
"I can manage." Halata mo sa mukha niyang pinipilit nitong makatayo pero hindi nito kaya. He needs help.
"You need help, Mister. I promise-- this time, i'll be careful." Nangangakong sabi ko at unti-unting lumalapit dito. Tinatantiya ko kung hindi na niya ako ipagtatabuyan. "I'm a nurse and I can seek for a first aid medication." pagkukumbinsi ko sa kanya.
Nakita ko namang pag-aalangan sa kanyang mukha. Hindi ko siya masisisi. For me, it happens accidentally pero hindi ko alam kung ganoon din ang iniisip niya.
"Please, let me check kung ano ang nangyari sa'yo. I'll be very careful this time. I promise." Itinaas ko ang kanan kong kamay para mangako dito. I wanted to help him dahil kasalanan ko kung bakit siya nahulog.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko itong alanganing tumango. Atleast, pumayag itong mabigyan ko siya ng karampatang lunas habang hindi ko pa siya nadadala sa hospital.
"Okay-- just be careful." Paalala nito na ikinatango ko at lumapit na nang bahagya sa kanya.
"Okay, just wanna ask kung saang parte ng katawan mo ang masakit? " Tanong ko dito.
Hindi ito sumagot pero itinuro nito ang bandang paa at bewang nito. Napabuntong hininga ako dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Dahan-dahan kong hinawakan ang paa nito, trying not to cause any pain. But, I failed-- every touch make him flinched and cursed.
"f**k! Dahan-dahan naman!" Sinigawan niya na ako. I can't blame him dahil ako naman ang dahilan. Wala akong nagawa kung hindi mapangiwi na lang kada mura niya.
"Dito?" Tanong ko at bahagyang hinawakan ang kaliwa nitong bewang.
Umiling ito, "can you move your body side ways?"
Unang kilos palang nito pakaliwa ay napangiwi na ito at napamura na naman.
"f**k! So f*****g hurts! All your fault!" Sisi nito sa akin na ikinayuko ko.
"I'm sorry-- I just wanted to make sure. As for me, kailangan mong madala sa hospital for test and even x-ray para malaman natin kung may nabali ba sa 'yo." Halos nakayuko na lang ako dahil nahihiya ako. Tama nga naman ito, kasalanan ko naman kasi ang nangyari.
"Tsk! Kung sana hindi mo ako binangga. Hindi ako mahuhulog diyan sa napakataas na hagdan. May balat ka ba sa p***t? You' re a walking disaster. " Nainis naman ako sa itinanong nito.
"Ano namang konek ng balat sa pagkahulog mo diyan? Saka hindi ko naman sinasadya, eh. Maka walking disaster ka naman. " Napairap na lang ako dahil umusbong ang konting inis sa loob ko. I know, it's my fault pero hindi na niya dapat paulit ulit na pinapamukha. Kainis!
"Anong tawag mo sa mga kamalasang pinagdaanan ko nang dahil sa'yo?" Sarkastiko nitong tanong sabay ismid. "Tsk!"
"Halika na nga at dadalhin na kita sa hospital. Ang dami mong knows!" Mas tumalim pa ang irap ko dito. "May sasakyan ka ba?" Umiling ito.
"We'll use my car. I-akbay mo ang kamay mo sa balikat ko." Utos ko dito, nakita ko ang pagtutolsa mukha niya kaya nagsalita na ako. "Don't you worry, hindi kita tsatsansingan. Aalalayan lang kita para makatayo at makarating sa sasakyan ko."
Wala na itong nagawa kung hindi ang sundin ang mga sinasabi ko hanggang sa makarating kami sa aking sasakyan. Pagkalapit namin ay agad ko itong binuksan at inalalayan itong makapasok. Nang mai-ayos ko na ito ay agad kong isinara ang pinto at lumipat sa driver seat.
Ramdam ko ang pagod ko pero walang wala ito sa sakit na nararamdaman niya. Every move he makes, napapahigpit ang kapit nito sa balikat ko. And I felt even more guilty.
"I'm really sorry..." Buong pusong paghingi ko ng tawad dito pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng sasakyan. Nanatili itong nakapikit at hindi man lang tumingin o kaya ay sumagot sa paghingi ko ng tawad. "Hindi ko sinasadya. I will make it up to you this time and you can't do nothing about it."
Ikinabit ko ang seatbelt nito ng hindi pa rin ito natinag o nagsalita man lang bago ko pinaandar ang sasakyan papuntang hospital.
Nang makarating kami ng emergency, ako mismo ang gumamot sa kanya. Hindi ako umalis sa tabi nito habang ginagawa lahat ng mga test sa kanya. Nang lumabas ang mga results ay napahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ito ganoon kafatal. Pero, kailangan nilang sementuhin ang paa niya hanggang tuhod dahil ito ang unang bumagsak pagkahulog niya.
Pagkatapos siyang tignan ni Doc Francis at resetahan ay binilinan niya ang lalake. He didn't even bulge to answer or ask. Buong period ng paggagamot sa kanya ay tahimik lang ito at wala kang maririnig kahit isang salita.
Nang sabihin ni Doc na pwede na itong makalabas at hindi muna ito puwedeng maggagalaw-galaw ay tumango lamang ito.
"Wait here. I'll just settle your bills. Nad get your medicines sa pharmacy." Agad kong paalam dito.
"Wait." Pigil nito at may iniabot sa aking pera na agad ko tinanggihan.
"It's my responsibility dahil ako ang dahilan kung bakit ka ganyan. Just let me, para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko." Dahil sa totoo lang ay naguiguilty ako dahil ngayon lang ako nakadisgrasya ng sobra. Kahit hindi ko pa man ito sinasadya. Still, it's my fault.
Nang hindi ito umimik ay kinuha ko na ang pagkakataon pada tumalikod at pumuntang pharmacy para bilhin ang gamot niya bago ko sinettle ang bayarin sa hospital. Nang matapos na lahat ay agad akong bumalik.
Sumakit ulo ko dito dahil matinding s*******n pa ang nangyari bago ito tuluyang sumakay ng wheel chair. Aba! Ang loko! Kaya daw niyang maglakad. Napapasampal na lang talaga ako sa aking noo dahil sa katigasan ng ulo niya.
Lulan na kami ngayon ng sasakyan ko. Ihahatid ko siya sa bahay niya. Habang nagmamaneho ako ay itinuturo nito ang daan pauwi sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang may kalumaang gusali sa looban.
Nilibot ng aking mga mata ang paligid pagkababa namin dahil napakadaming taong nakatingin. Nang ituro nito sa akin ang daan patungo sa bahay nito ay nag-umpisa na akong maglakad habang inaalalayan siya.
Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang suriin ang paligid. Maraming bahay sa tabi ng isang lumang gusali at may basketball court na maliit sa gilid nito.
Napatingin ako dito dahil sa lumang gusali ang itinuro nito. Wala pa din itong imik habang nakaalalay ako sa kanya.
Nang tuluyan kaming makapasok sa pinto ng apartment nito ay hindi ko maiwasang mapakunot ang aking noo at mapatanong. Is this even a home to live? Pinaupo ko siya sa sofa para makapagpahinga ang paa nito.
"Asan ang kasama mo?" tanong ko.
"Wala, " maikling sagot nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
"What? Paano ka na niyan?"
Nagkibit-balikat lang ito bago itinaas ang walang cast niyang paa sa maliit na mesa. Maayos naman ang tirahan niya. May mahabang sofa then may sarili din itong kusina, banyo at isang kuwarto. Maliit lang ang bahay namin sa probinsiya pero mas may maliit pa pala sa bahay namin.
Nang makita kong maayos na ito ay nagpaalam na ako. "Aalis na ako. I'll be back later to check on you. May aasikasuhin lang ako sandali."
"Don't come back. Kaya ko na ang sarili ko. Bayad ka na ng binayaran mo ang ginastos ko sa hospital." walang emosyong sambit nito.
Walang lingon-likod akong naglakad papuntang pinto. Bago ko pa man isara ang pinto ay tumingin uli ako sa nakatagilid nitong katawan at nagsalita.
"Whether you like it or not. I will be here to take care of you until you're fully recovered. No buts! I'll be back later. Bye." paalam ko at hindi na ito hinintay pang magsalita.