"Ta-tay, gusto ko ni-yan. Hihihihih.." humahagikgik na saad ni baby Gideon sabay turo niya sa mga hiniwang hinog na mangga kay Gabriel. "Wow.. very good Gidie, ang galing ah' ang dami mo ng nakain. Ahh, baby." Sabay subo naman niya dito sa hiniwang mangga. "Mmm.. Yummy!" napapalakpak pa ang bata. "Do you want more?" Tumango- tango naman ang bata samantalang tuwang- tuwa silang lahat na pagmasdan silang dalawa. Si Tasia' na noon ay masayang-masaya na makita kung gaano kasaya ang anak niya kay Gabriel. Muli niyang pinasadahan ng tingin si Gabriel, hindi pa niya lubos na kilala ang binata, kilala lang niya ito sa pangalan ngunit wala pa siyang alam sa kung ano ang pagkatao nito, kagaya na lamang sa kung ilang taon na ito. Imbes na mapunta sa kwentuhan at kumustahan ang munting salu-sa

