Ilang araw na rin ang lumipas simula nu'ng magkita kami ni Gab. Tinatak ko sa aking isip na kalimutan na siya dahil pakiramdam ko, ay bumabalik na naman ang nararamdaman ko sa kaniya na matagal ko nang binaon sa limot. Kasalukuyan akong nagbabasa ng ilang files ng aking mga pasyente na nakalapag sa aking mesa. Napakatahimik sa loob ng aking opisina lalo na't soundproof ito na kahit tunog ng ambulance sa labas ay hindi maririnig.
Nagmumuni-muni ako nang matuon ng aking atensyon ang pangalan ng isang babae na naging pasyente ko kanina lang.
"Alena Brish, 50 years old, from Cordova, Alaska." basa ko sa isang file ng aking pasyente. May sakit itong dinaramdam. She has depression. Sa edad niyang singkwenta ay hindi pa ito mukhang matanda. She has a beautiful face and a pair of blue eyes. Ang mahaba nitong buhok na blondy at medyo kulot ay nakadagdag sa angkin niyang ganda. Nalungkot ako nang maisip muli ang naging pag-uusap namin ni Mrs. Alena.
"I hate going to the hospital but I don't have a choice. I want to live long for my family. I still want to see how my grandchildren play in my garden. I still want to chase them and play. I still wanted to do so much that even though I didn't want to come here, I did. I don't want to get sick." malungkot nitong sabi.
"Don't think too much about anything, Mrs. Brish. You will get sick even more because of that." Payo ko.
Nakikita ko sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Paminsan-minsan itong ngumingiti pero hindi iyon abot sa kaniyang mga mata.
"I can't help thinking bad things, especially in my situation now." Sabi niya sabay buntong hininga.
"As your doctor, you can tell me what's your problem, so I can help you too. But if it's a personal problem, then it's okay not to tell." nakangiti kong sabi.
"I have two kids." pag-uumpisa niya. "I love them both. They're grown up. They are both handsome." nakangiti nitong sabi na halatang ipinagmamalaki nito ang kaniyang mga anak. Ngumiti lang ako sa kaniya at muling nakinig.
"They have different fathers. My first husband and I broke up because I caught him in his office with a young girl. They're intimately kissing. They didn't even notice my presence because they were busy flirting. I took a video so that I have evidence when I take it to court. It takes so long for the annulment, but it's okay. Everything is okay now, except for my children who didn't get along.
Sa kaniyang pagku-kwento ay halatang mahal na mahal nito ang kaniyang mga anak. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang ningning sa tuwing binibigkas nito ang salitang 'anak'.
"They don't agree on everything. I don't know if it's because their father is different or because I'm just a bad mother." pagpapatuloy nito. Nakikinig lang ako sa kaniya habang patuloy lang ito sa pagsasalita.
"They are both at the right age but they are like children when they fight. They fight over little things." malungkot nitong sabi.
"There is no bad mother whose only desire is the good of her children. Sometimes a mother does wrong but it is for the sake of her children. So don't ever say that you are a bad mother because I see goodness in your eyes. I see the pure love you have for your children. The only thing you did that they think is bad, is that they have different fathers, but I don't think that's bad because you were cheated as if you were stabbed behind your back." Hindi ko alam kung bakit may namuong galit sa aking dibdib sa mga anak nito kahit hindi ko naman alam ang buong pangyayari. Siguro dahil sa katigasan ng ulo ng mga anak nito kung kaya't depress ngayon ang ginang. I feel so sad for her. A mother like her doesn't deserve this.
Muli kong binalik sa brown envelop ang files na hawak ko. Tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana na kung saan tanaw ko ang ganda ng kapaligiran.
"Bakit may mga anak na pinapahirapan ang magulang para intindihin sila? Bakit kailangan pang mag-away dahil lang sa maliit na bagay? I am so grateful to have my sisters, dahil nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. And I am so happy to have my parents na walang sawang sumusuporta sa mga desisyon namin sa buhay." kausap ko ang aking sarili.
Umupo ako sa aking swivel chair at sumandal doon. Hinilot ko ang aking sentido at muling inisip si Mrs. Alena. I feel so sad for her. Kung may magagawa lang sana ako para pagbatiin ang kaniyang mga anak ay gagawin ko sa abot ng aking makakaaya. Pero sino ba ako? I'm just her doctor and I didn't know the whole story about her sons. Ayaw ko naman panghimasukan ang buhay nila at baka ako pa ang maging masama. All I need to do now is to help Mrs. Alena with her fast recovery.
Hindi pa uminit ang puwet ko sa aking upuan nang pumasok si Shiela sa loob ng aking office.
"A handsome guy is looking for you. Ikaw Doc ah, hindi ka man lang nagsasabi na may nanliligaw na pala sa iyo." nakangiting sabi ni Shiela.
Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ang nasa isip ko ay si Gab, dahil siya lang naman ang lalaking alam kong pupunta rito sa hospital.
"Did you ask his name?" I asked her.
"Nope. Basta ang alam ko lang gwapo siya. Para siyang si Chase Crawford sa gossip girl." kinikilig pa nitong sabi.
Umiling na lang ako dahil hindi ko naman kilala kung sino ang taong binigkas niya or even the movie.
"Ask his name-" hindi pa ako tapos magsalita nang magmadaling lumabas si Shiela.
"Wait lang papasukin ko lang si pogi baka mangalay ang matikas niyang binti." dagdag pa nitong sabi.
Napabuga na lang ako ng hangin at hinintay ang pagbalik ni Shiela sa loob kasama ang sinasabi niyang lalaki.
I was writing in the file when I heard the door open.
"Did you ask his name, Shiela? Baka mamaya isa lang iyan sa mga nagkukunwaring pasyente rito. And I don't have time to assist him." seryoso kong sabi without looking at her.
"I came here to give this not to pretend to be your patient."
Mabilis akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. I was shocked. It was Jack standing in front of me. Ang buong akala ko ay si Shiela ang pumasok.
"Oh! I'm sorry, akala ko si Shiela ang kausap ko." paghingi ko ng paumanhin.
Ngumiti ito, pero ngiting may bahid ng inis.
"Ashley Fuentebella knows how to say sorry ha," He said like his mocking me.
Tumaas ang kilay ko at namuo ang inis sa aking katawan.
"Bakit hindi ka ba sanay na may humihingi ng paumanhin sa iyo? Look, hindi ako iyong babae na walang galang mapa lalaki man ito. At kung iniisip mo na hindi ako marunong humingi ng paumanhin, then it's not my problem, it's yours."
"Look, Ms. Fuentebella, I came here because Nikki requested to bring it to you not to fight over little things," he said.
"Next time, tell my sister to ask for a delivery boy to bring that thing here." sabi ko na hindi pa rin nawawala ang inis sa aking boses.
"Why don't you tell her?" sabi niya na muling nagpakulo sa aking dugo. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ko sa lalaking ito. Kung naglilihi lang siguro ako baka kamukha nito ang magiging anak ko.
"Calm down, Ash, inhale, exhale!" mahinang sabi ko.
"Hindi ko alam kung ano'ng hangin ang nagdala sa iyo rito para sirain ang araw ko. I'm in a good mood before you came, and now I feel like my whole day turn into a disaster." hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin iyon sa kaniya. Pero gusto ko lang ilabas ang inis ko dahil sa tuwing nagtatagpo kami ay walang magandang nangyayari.
"I didn't ruin your day, Ms. Fuentebella. You did. Hindi ko alam kung bakit lagi kang nagagalit sa akin. I am your sister's best friend. Wala akong maalala na ginawan kita ng kasamaan dahil hindi ako ganu'ng tao. At kung iniisip mo na ganu'n ako, then it's not my problem, it's yours." sabi niyang muling inulit ang katagang binitawan ko sa kaniya kanina.
"Go to hell!" sigaw ko. Pasalamat ako dahil soundproof ang aking office at walang staff ang makakarinig sa palitan namin ng salita ni Jack.
"You can come with me. You are allowed to scream, fight, or even curse in that place." pang-iinis niya sa akin.
"Damn it, you jerk!" muli kong sigaw.
Lumapit sa akin si Jack na salubong ang kaniyang mga kilay. Nag-iigting ang kaniyang panga na para bang gusto na akong sugurin.
"Don't ever say that word to me!" Seryoso niyang sabi.
"Bakit ano'ng gagawin mo?" matapang kong sabi.
"Say it again, and you'll see," he said in a serious voice.
"You jer-"
Nanlaki ang aking mga mata sa bilis ng pangyayari. I was shocked. Hindi ako makagalaw na para bang namanhid ang buo kong katawan. Jack is kissing me right now. I wanted to push and slap him but my body was stiff. Naramdaman ko pa ang kamay niyang pumaloob sa aking buhok na para bang minamasahe nito ang aking batok. Pakiramdam ko nanlalambot ang aking tuhod. Nanginginig ang aking katawan at na para bang gusto ko nang bumigay. Hindi ko na namamalayan na napahawak na pala ako sa braso ni Jack para doon ako kumuha ng lakas. He deepened the kiss. I was carried away by the sensation of his kiss. At hindi ko namalayan na sumusunod ang aking labi sa bawat galaw ng kaniyang labi.
Bago pa ako madala sa tukso, pinutol na ni Jack ang halik. I don't want to open my eyes dahil sobra akong nahihiya. Gusto ko na lang lumubog at lamunin ng sahig na kinatatayuan ko ngayon.
Jack touch my face and whispered, "Hindi lang iyan ang kaya kong gawin, Ms. Fuentebella."
I opened my eyes. Mabilis ko siyang sinampal at itinuro ang pintuan.
"Get out of here now!" galit kong sabi.
Hindi man lang ito nasaktan sa aking ginawa bagkus ay ngumiti pa siya sa akin.
"Don't act like you didnt like the kiss." sabi niya at walang lingon na lumabas.
Napasabunot ako sa aking buhok nang ako na lang mag-isa sa loob. Hindi ko alam na sa isang iglap lang ay mahahalikan ako ni Jack.
"Napakatanga mo talaga, Ashley!" inis kong sabi.