"Anong nangyari diyan?" tanong ni Samantha at saka itinuro ang pasa sa braso ko. "Wala lang 'to. Nabangga lang," sagot ko. "Ay, oo. Alam ko kung saan ka bumangga. Kay Viniel, 'di ba?" "Sam..." "Bakit ba kasi ayaw mo pang iwan? Jusko naman, palagi ka na lang nasasaktan. Alam mo, hindi talaga katanggap tanggap 'yang rason mo eh. Mahal mo siya? Aba, teh, sobrang pagmamahal naman 'yan. Hindi ko na keri," sabi niya at umiling iling pa. "Saka mo sabihin 'yan kapag ikaw na ang nakakaramdam nito," sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Nakatingin lang si Samantha sa akin habang nagluluto ako. Hindi na siya nag salita. Hindi ko naman intensyon na sagutin siya nang ganun. Pero paulit ulit na lang kasi. Naiintindihan ko naman si Samantha. Gusto lang niya kung ano 'yong maka

