Her POV Napaupo na lang ako sa sala dahil sa sinabi ng security guard na umalis si Hiro. Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa lalaking iyon. Saan ba pinaglihi iyon at hindi marunong sumunod sa utos. Agad naman akong napatayo ng biglang pumasok sa loob ang guard. “Ma’am, hindi pa din po namin ma-locate si Sir eh,” sambit niya sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya. “Saan ba pumupunta si Hiro?” tanong ko sa kaniya. “Hindi po namin alam ma’am eh.” Napahinga na lang ako nang malalim sabay naglakad paakyat sa kaniyang kuwarto. Nagbabakasakali na meron akong mahanap na sagot doon. “Ano ba naman Hiro, asaan ka ba kasi?” inis kong tanong. Pasalamat talaga siya he malaki yung pasahod niya kung hindi iiwan ko na yung lalaking iyon. Besides, may sakit pa

