chapter 3: Layas

522 Words
Ed? tawag nya sa pinsan nang pumasok ito sa kusina para kumuha ng pulutan. ate Ving, mabuti at gising ka na. sabihin ko lang kina ninong na gising ka na. Ha? Bakit? tanong nya dito. para makaalis na tayo puntang hotel, sagot naman nito sa kanya. pumayag ba ako na mag.stay ako dun? sarkastikong sagot nya sa pinsan. lasing na iyang mga iyan, sino magdadrive? si ninong, di naman umiinom si ninong dahil bawal na sa kanya ang alak. Teka, sandali kayo na lang muna, sunod na lang ako sa isang araw. gusto ko muna manatili dito. alas kwatro ng hapon umalis ang van sa bahay nila Gemma at di sya kasama. Bago umalis ang lalaki ay tinitigan sya ng matalim nito na nakakunot ang noo saka paharurot ng pinatakbo ang van. Dahil di sya sumama syempre naiwan din ang pinsang si Ed na nakasimangot. Bakit ka nakasimangot? sabi ko naman na pwede ka namang sumama sa kanila di ba? tanong nya sa pinsan. ate may problema ba kayo ni ninong? Meron ba kayong past? tanong naman nito sa kanya. Bigla syang kinabahan, ha? bakit may sinabi ba sya sayo? sagot nya. wla naman medyo napansin ko lang na iniiwasan mo sya. Wala lang ako sa mood ngayon Ed sabi nya na lang dito. okay, sabi mo eh. sarkastikong sagot naman nito. Vanessa, Ed, nagpaluto ng camote cue si Adonis bago umalis halika kayo bago ito lumamig. Alam pa rin ng lalaki Ang paborito nyang meryenda sa hapon. Pati ang paborito nyang orange juice partner Ng camote cue. Habang kumakain sila, nagtanong si auntie Gemma kay Vanessa, totoo ba iyong sinabi ng nanay mo noon na kaya nya pinalayas si Adonis noon ay dahil may relasyon kayo? At ayaw nya si Adonis dahil habulin ng babae at adik? nabigla si Vanessa sa deretsahang tanong ng tiyahin. sinabi ni nanay yan auntie? pinalayas nya si Adonis noon? Kya umalis si Adonis sa inyo at di na nagpakita dahil pinagbawalan ng nanay mo. Ngayon nya lang nalaman ang mga iyon dahil Wala namang sinasabi ang nanay nya noon. Pati si Adonis ay wala ring sinabi sa kanya tungkol sa kanyang nanay. Kaya pala umiiwas ang lalaki sa kanya lalo na kapag nasa bahay ang nanay nya. Minsan nung kaarawan ng lalaki ay sa kanila ito nagdiwang pero di man lang sya kinausap nito instead ay pinakilala nito sa nanay nya si Nenet bilang girlfriend nya kunwari dahil tinutulungan nya lang daw ito dahil ang ex-boyfriend nito ay nagpaparamdam na makikipagbalikan pero ayaw na daw nito. Nung mga oras na yon ay nagalit sya sa lalaki at di na nya ito kinikibo at kinunsider na nyang break na sila. Di na rin naman nagpakita ang lalaki sa kanya kaya iyon na talaga ang alam nya na wala na sila ng nobyo. Minsan nakita nya itong nasa kabilang kanto nakikipag.inuman sa ilang dating kaibigan nito pero di man lang sya nito kinausap. Mas lalo syang nagalit dito at sinabi sa sariling di lang ito ang lalaki sa mundo at kaya rin nyang makahanap ng iba. Simula noon pilit nya nang iwaglit sa puso't isipan ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD