Chapter 57 LOREBEL ‘LORRIE’ Sa ganitong sitwasyon, sumagi sa isip ko ang kahilingan na sana ay mayroong dumaan na malakas na hangin dito sa silid at liparin ako patungo sa saksakan ng telebisyon. Ngunit dahil imposible iyon ay kinailangan kong kumilos, humakbang at magmadali para magawa iyon. Para mawala ang picture ng kambal ko sa screen ng telebisyon. “Sandali!” Saktong rinig ko sa boses ni Hector pagka-unplug ko sa saksakan ng telebisyon. And it is too late para mapagtanto ko na ang estupida ko pala. Mas malapit pala sa akin iyong remote control ng TV. Hindi ko na naisip iyon dahil nataranta na ako. Diyos ko, self! Mahigpit kong hawak-hawak sa aking dibdib ang cellphone ko nang pumihit ako para balikan si Helena sa kama. “Aalis na ako, Helena. Good night.” Malamyos pa rin ang ti

