AVEL Naglibot pa ako kung saan-saan. Nakakabilib lang na may kapangyarihan akong hindi ako nakikita ng sinuman. Kung hindi lamang dahil sa mahigpit na bilin ni Lord Zero, kahit ngayong araw, kayang-kaya ko pagpapatayin ang mga ito eh. Wala namang nakakakita sa akin. Kaya naman kaya kong kumitil ng buhay. Pero ewan ko ba kay Lord Zero, bakit may takdang araw siyang hinihintay. Kung isa pa rin akong pure-blooded human ngayon, hindi ko mararanasan ang ganitong abilidad. Isa pa rin akong mahinang nilalang na laging naapi. Pero ngayon, napakasaya ko, kasi kaya ko nang gawin ang mga hindi ko kayang gawin noong tao pa ako. At hindi lang ‘yon, meron nang nagtitiwala sa akin – si Lord Zero. Samantalang noon tao pa ako, kahit sarili kong pamilya wala ngang tiwala sa akin. Sa piling ni Lord Zero,

