A V A S A N T I L L A N
Napaupo ako sa gutter nang naramdamang nangingirot na ang mga daliri ko
sa paa. Feeling ko namamaga na ang mga ito dahil sa boots na suot ko. Kanina pa
kasi ito babad at hindi sanay ang paa ko.
Nasa loob na nga ako ng subdivision kung saan ang
bahay na pinagtatrabahuan ng aking tiyahin, ang bahay ni Otep.
Ang nakaaasar ay hindi ako nahatid ng driver dahil
nasiraan pa ito. Kaya’y naglakad ako nang napakalayo.
"Oh, s**t!" I grunted in pain. Pakiramdam
ko ay nangingislot ang mga daliri ko sa paa sa sobrang sakit.
Wala naman talaga akong planong magsuot ng gan'to sa
opisina kaso late na ako. Na-delay kasi ang flight ko kaya alanganin na
masiyado kung magbibihis pa. Total naman, pipirma lang naman kami ng kontrata,
eh, hinayaan ko na lang ang ganitong outfit. Maganda rin kasi.
Natatawa nga ako kanina sa airport dahil inakala ng
ng ibang pasahero na ako talaga si Lisa.
Asa lang nila! Na-wow mali pa, na 'it's a prank
pa sila'. May iba na nagpa-picture pa sa akin kaya medyo na-guilty ako.
Kaso, medyo bad trip yata ang isa sa mga bosses ko.
Halatang masungit, lalo na kung makatingin sa akin, para talaga akong masamang
nilalang na nakita niya.
Sayang! Guwapo pa naman sana at hot.
Pero in all fairness, ang mga gano'ng tipo ang gusto
ko. Hard and rough. Iyong tipong very challenging ng kanilang mga ugali. Nabubuhay
ang katawang lupa ko sa gano'ng mga lalaki.
"Tss! Promise, Sir Masungit, 'di sasakit bangs
mo sa akin!" sabi ko pa sabay taas ng kamay na tila may kinakausap.
Iniisip siguro ng taong iyon na bibigyan ko siya ng
sakit sa ulo dahil sa hitsura ko. Judgmental niya kung gano'n. Iba ako! Hindi
ako loyal sa pag-ibig pero loyal ako sa trabaho.
"Wait and see, Sir Masungit, baka bigyan mo pa
ako nang bonggang-bonggang award kung makita mo akong magtrabaho," palatak
ko na tila ba may kinakausap. Nagmukha tuloy akong baliw sa kakasalita.
Nang humupa ang sakit ay naglakad uli ako, hanggang
sa wakas ay nahanap ko rin ang bahay na sinasabi ni Tiyang Esther.
Si Tiyang Esther ang kapatid ng mama ko. Siya na ang
halos nagpalaki sa akin noon simula ng mag-ibang bansa ang aking mga magulang. Kahit
na nagta-trabaho siya kina Madam Madela ay naaalagan pa rin ako ni Tiyang.
Minsan, dinadala niya ako sa bahay ng mga amo. Roon ko nakilala sina Kuya
Reming at Otep. Si Kuya Rhem ang pinakamabait, malambing at palabiro, habang si
Otep naman ang masungit, palaaway, pero crush na crush ko noon. Naaalala ko pa
na gustong-gusto ko siyang pakasalan dati. Natatawa na lang ako tuwing naaalala
ang kalokohan ko no'ng mga bata pa kami.
"Gano'n pa rin ba siya kaguwapo? Balita ko may
asawa na siya pero hiwalay na. Tsk! Baka kulang sa hotness iyong si Otep dahil
ang sungit. Baka cold na cold kaya hiniwalayan," usap ko ulit sa sarili.
Sinilip ko ang loob ng malaking gate at saka
pinindot ang doorbell. And just a couple of rings, may bumukas nga na gate– and
it was my tiyang.
Napanguso ako nang nakita siya. Medyo may katandaan
na nga siya. Her neck and face were wrinkled already. But her mestiza looks
never fade. Magaganda talaga mga lahi namin. Sabi nga ng mga lola ko may lahi
kaming katsila!
"Tiyang!" bulalas ko na ibinuka ang mga
braso upang yakapin ang tiyahin.
Nagtataka pa siya habang pinasadahan ako ng tingin
at 'di magkamayaw ang lukot sa noo. "Abyang?"
"Sus, Ginoo! Abyang pa rin, Tiyang? Ava. A with
‘ay’ sound," pagpapaliwanag ko.
Rito kasi sa Pinas kung ano ang baybay iyon ang
bigkas. People called me Ah-Va, minsan nagiging Aba pa. But in the US, they
called me, Ay-va. Sosyal!
Nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin at sinipat
muli ang kabuuan ko.
"An'yari sa'yo?" tanong niya.
Humagikgik ako sa naging reaksiyon niya. "Nah!
Kinain ng Kpop, Tiyang. Ika nga, when Lisa takes over... tadaaan!"
Iiling-iling siyang kinuha ang mga bagahe ko at
pinapasok ako sa loob.
"Kahit kailan, hindi ka pa rin nagbabago,"
natatawang sabi niya.
Niyakap ko siya sa likod at sinundan.
Pumasok kami sa isang malaking bahay. May malawak na
bakuran din at malapad na swimming pool sa likuran. Kitang-kita kasi rito sa
labas dahil puro salamin ang dingding ng bahay.
Ang yaman-yaman naman ni Otep! Hindi ko mapigilang
mamangha.
Well, mayaman na naman talaga sila, kaso mukhang
palasyo naman itong bahay niya. Nakakalula! Baka kailangan ko ng google map
dito para 'di ako mawala.
Mula sa loob ay sumalubong sa amin ang isang batang
babae. Nakasuot siya ng isang printed Elsa from Frozen dress. The baby girl is
definitely cute. Her eyes were gleaming. Medyo mamula-mula rin ang matatabang
pisngi niya.
"Anak po ba ito ni Otep?" tanong ko kay
Tiyang.
"Oo, siya si Lovie," pagpapakilala ni
Tiyang Esther.
Yumuko pa ako para maabot ang tabachingching na
bata.
"Hi Lovie, ako si Ate Ava. Kumusta?"
nakangiting bati ko sa kanya.
Pero deadma! She didn't answer me, instead, she was
staring at me. Matagal siyang nakatitig. At alam kong nagtataka ang paslit na
ito saa hitsura ko.
"Why are you wearing like that?" she
asked. And her tiny and a little bit husky voice made me smile. Ang sarap
tirisin ng batang ito!
"Ah, ito. Lisa Manoban inspired. Kilala mo ba
ang Blackpink?"
"Ava!" saway ng tiyahin ko. Pero hindi ko pinansin
ang tiyahin.
Umiling ang bata. "Is she a princess?"
inosenteng tanong ni Lovie.
For sure, this kid lived in fantasy and fiction.
Halata naman sa hitsura niya na mala-fairytale ang dating.
Tumango ako. "Yep. She is."
Princess naman talaga si Lisa sa mga fans niya na
katulad ko.
"Ava, kung ano ang tinuturo mo riyan!"
kontra na naman ni Tiyang.
"Come on, baby! Eat a snack now."
Naks naman!
Napa-wow ako. English speaker na pala itong tiyahin
ko.
"Eh, paano ba naman, araw araw nag-e-english
iyan," tugon niya sa akin nang mapansing natatawa akong nakatingin sa
kanya.
Hindi pa rin mawala ang tingin ni Lovie sa akin
habang kumakain ng pancake.
"Ate, why you are wearing black? If Lisa is a
princess, why she's not wearing a beautiful gown? And you don't have
crown," aniya sabay turo sa ulo ko.
Dios ko! Na-stress ang bangs ko sa batang 'to. Ang
dami pang tanong.
Napakurap na lamang ako. I left USA because finally,
makakalaya ako sa english-shan. Pero, ngayon tinatanong ako ng isang bata na
panay ang english.
May English Only Policy ba rito?
"Lovie, listen..." Lumuhod na talaga ako
para mapantayan siya at mahawakan ang dalawang braso.
"Not all princesses are wearing gowns and crowns.
Real princess wears good heart... and I thank you!"
Pak! Proud ako sa pang-Miss Universe na sagot ko.
Wow! Where did I get it?
Hindi siya sumagot pero halatang satisfied sa answer
ko.
Maganda si Lovie. Mestiza rin at ang puti! For sure,
maganda ang mommy niya at baka... guwapo rin si Otep. Hindi kasi kaputian si
Otep, hindi katulad ni Kuya Rhem, kaya sigurado akong sa nanay ito nagmana.
Come on! Karamihan, 'pag bata ka naging guwapo,
chaka na paglaki. Baka gano'n na si Otep. Baka nga mataba na, malaki ang tiyan
at umiitim na ang leeg nito sa init 'pag pumupunta sa site. At balita ko rin,
hanggang ngayon, walang na itong asawa o jowa ulit. Tsk. Kawawa naman!
Hinahanap ng mata ko kahit larawan nila. Pero wala
akong nakita.
"Oh, kumusta ang trabaho?" tanong ni
Tiyang sa akin.
"Eh, okay lang. Masungit iyong boss ko,"
wala sa sariling sagot ko sabay subo ng parte kong pancake.
"Talaga? Eh, magtitino ka talaga!" 'di
makapaniwalang tugon niya.
Grabe naman! Hindi ba ako matino?
"Oo, Tiyang. Sus! Kung makikita mo iyong
hitsura ng amo ko. Ang laki ng butas ng ilong, mukhang toro kung bumuga. Tapos,
nanlilisik ang mga mata. All in all, mukhang halimaw!" eksaheradong tugon
ko.
Actually, kasalungat iyon. My boss has the most
wonderful face I have seen in my entire life!
Chus! Si Otep iyon noon kaso, may naka-break ng
record nito!
My boss' Filipino look made him more attractive. Ang
matangos niyang ilong, medyo kapayatan ang mukha. And the most attractive and
best asset was the tone of his skin. A very Filipino and manly color. Sa
katunayan, ang gorgeous niya, na kahit nakasuot ng business suit, I can see and
imagine six or eight packs behind his clothes. Kaso, masiyadong attituding!
Hindi nga marunong ngumiti.
Mayamaya ay may bumusina na sasakyan. Dali-daling
bumaba si Lovie sa kinauupuan at patakbong lumabas.
"Nandito na si Marco," sabi ni Tiyang sa
'kin.
Tumango-tango lang ako. Makikita ko na sa wakas ang
childhood crush ko.
Nakaupo lang ako sa silya nang narinig ko ang boses
ni Lovie na nagkukuwento sa daddy niya.
"Daddy, I want to be like her. I want a hair
like her!" turo ng bata sa akin.
Nang lingunin ko sila ay halos malaglag ang puso ko
sa gulat at tumilapon ang ispirito ko sa kalawakan.
Siya? Siya si Otep?
Dios ko naman! Gaano ba kaliit ang mundo para
magkita kami ulit?
Otep and my monster boss... are just… one?
*END OF KABANATA 4*