The Invitation

1072 Words
Sa pagpikit ni Sam ay agad na lumalim ang tulog niya. Sa paghimbing ng kanyang tulog ay napalakbay siya sa isang pamilyar na pangyayari—alaala sa nakaraan. Limang taon siya noon, magulong-magulo sa kanilang bahay kung nasaan siya ngayon. Tandang-tanda pa niya kung gaano kagalit ang kanyang abuela sa kanyang papa nang malaman nitong may taning na pala ang buhay ng kapatid niya. Masyadong naiingayan si Sam noon sa ingay ng mga nakatatanda. Habang umiiyak ang mama nila, si Leiah ay hindi umiimik sa sulok, tapos si Sam ay naiiyak sa ingay habang nakatakip ang mga tainga. Sumisigaw siya ngunit parang walang nakakarinig sa kanya. Nang mapagod siyang sumigaw, patakbo siyang lumabas. Nagtatakbo nang nagtatakbo. Ang kawawang limang taong batang Ingles at Espanyol lamang ang alam. Ala-sais na noon ng gabi. Ni hindi niya alam kung paano, pero tila napadpad siya sa kabilang dako at ngayon ay hindi makatawid. Naghintay siya ng mas nakatatanda na tatawid din ngunit dumidilim na ay wala pa ring tumatawid. Nawalan siya ng pag-asa na makatawid para makauwi. Isang batang lalaki, may hawak na ice cream, nakasuot ng backpack na blue. Sinundan ito ni Sam hanggang sa makarating sa kanto. Nang patawid na kasama ang iba pang nakakatanda, bigla siyang humawak sa bag ng bata. Huminto ang batang lalaki, naguguluhan ito, “Bakit ka sumusunod sa ‘ken?” tanong nito. Hindi iyon naiintindihan ni Sam dati kaya’t sumagot siya ng kahit ano na lang, “Estoy perdido.” Tumango-tango siya. “Help me.” “Este, what?” Gulat ng batang lalaki. “Look, are you lost? Nod if you are.” Tumango si Sam. “Nagi-ingles naman pala. Where do you live?” Itinuro ni Sam ang dako kung saan siya nakatira—napangiti ang batang lalaki. Hindi na naintindihan pa ni Sam ang sumunod na sinabi ng batang lalaki, basta’t ipinahawak siya sa braso nito at sabay silang naglakad papauwi. Nang tuluyang mawala ang araw sa langit, ay nakaabang sa labas ng bahay si Leiah, sa katabing bahay naman ay ang lola ng batang lalaki. “Samsam! Why did you run away?” tanong ni Leiah. “Todos gritaban. ¡Quiero conseguir algo de paz!” iyak niya. “Ang iyakin ng kapatid mo,” sabi ng batang lalaki kay Leiah. “Buti na lang dito ako nakatira.” “Thank you,” sabi ni Leiah. “Sige, uuna na ‘ko. Hinihintay na ‘ko ng lola ko eh.” “Wait! Where are you going?” pigil ni Sam. “Home.” “Gracias. I’ll give you a gift. Come here tomorrow.” “Ah, sure,” sabi ng bata, sabay tumakbo papauwi. Sikat na sikat na ang araw noong magising si Sam. Sa pagbangon niya ay lumakad siya papunta sa gazebo. Lumapit siya sa urn ng kapatid. “You like playing psyche, don’t you?” bulong niya. “I really don’t need you to go that far, but you still did it anyway.” Nagsimulang pumatak ang luha niya habang nakatingin sa larawan ng kapatid. “You gave him the little red keyboard I gave you. How could you?” “Ahem…” Nagulat si Sam at parang halos umurong ang luha niya. Pinunasan niya ang mukha bago dahan-dahang lumingon. “Good morning!” ngisi ni Lance habang nakasaludo ang kamay. “Anong ginagawa mo rito?” pagsusungit ni Sam. Kinuha ni Lance ang music box mula sa bulsa niya, “I’m sorry for being petty last night. This is yours, as you claimed—I mean, said.” Nanlaki ang mata ni Sam sa hawak na iyon ni Lance, at biglang umiwas ng tingin. “Bakit? Ayaw mo na ba nitong music box na ‘to?” Naupo si Lance sa tabi ni Sam. ‘Tsk. Why is he—wait, why am I asking myself?!’ nausog si Sam, “No. And why are you sitting beside me?” “Andaming bilin ni Leiah sa’ken. Puro bantayan ka and maging nice sa ‘yo.” Napabuntong hininga si Lance. “Hindi ’yun madali.” “What?” Napataas ang kilay ni Sam. “So, you think I’m a difficult person?” “I never said that, Sam,” iniaabot ulit ni Lance ang music box. “It’s just that I just found out that she’s gone. Hindi pa ‘ko nakaka-move on from that fact.” Nanahimik pati ang hangin. Ilang segundo pa’y hinawakan ni Sam ang music box at inilapit ito kay Lance, “Someone gave that to you as compensation for helping them find their way home. Keep it. It’s yours.” Hinubad niya ang pulseras kung saan nakakabit ang susi. “This is the key. Leiah somehow returned this to me. She said, In case the boy comes back looking for the owner, it will be the rightful owner.” ‘Eh di sa kanya nga galing ‘tong music box na ‘to?’ tanong ni Lance sa sarili. “My sister can be silly sometimes.” Umiling -iling si Sam bago tumayo. Sumunod kaagad si Lance sa kanya, dala ang music box at susi nito. “Wait. Sam!” “What?” lingon ni Sam. “So, sa’yo nga galing ‘to?” Hindi agad umimik si Sam, pero halata sa mukha niya ang pagkabuwisit sa tanong na ‘yon. “Dude, I’m not sure if you’re playing dumb or just slow.” Umiling siya at tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Nagmadaling sumunod si Lance kay Sam. “Nagta—” Napalunok bigla si Lance nang makita si Samuel sa may pintuan. “Good morning po!” pilit na pagngisi niya. “Maaga ka ata, hijo?” tanong ni Samuel. “Ah, hehe,” pilit na tawa ni Lance. “May inuutos po kasi si Mama.” Tumango ang pastor, “Ganun ba? Nagawa mo ba?” “Eh, nag-walkout po eh. Um, birthday po kasi ni Gracie bukas, eh alam niyo po sobrang gusto niya kasama yung Ate Sam niya…” “So?” “I was asked to invite her. Surprise party po kasi ’yon…” Biglang humina ang boses ni Lance. “Sus, akala ko naman kung ano. Sige, saan ba?” “Sa beach po. Secret lang po na kasama yung mga school and church friends ni Gracie.” “Sige sige, ako na ang magsasabi.” Nakaluwag nang paghinga si Lance at saka nagpaalam para umuwi. (To be continued)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD