The Party

1840 Words
Pag-uwi ni Lance, patakbo siyang pumunta sa kwarto niya at saka tinitigan ang music box at ngayon kasama na ang susi nito. Hindi rin niya alam kung bakit, pero nanginginig ang kamay niya habang inilalapit ang susi sa music box. ‘Waaait!’ Napatayo siya habang nag-iisip. ‘Bakit ba ‘ko kinakabahan? Ha!’ Natatawa siya sa sarili. Naupo siya at saka tinitigan ang music box. Ilang minuto niyang taimtim na tinititigan ang music box. “Kuya!” sigaw ni Gracie mula sa pintuan. Halos bumaliktad sa upuan si Lance at biglang ibinulsa ang pulseras. “Ano ka ba?!” mahingal-hingal na tanong ni Lance. “Kanina ka pa tinatawag ni Mama,” pamewang ni Gracie. “Why do you keep staring at that thing?” “Wala.” Tumayo si Lance. “Bakit daw?” “Basta bumaba ka na lang.” Sumunod si Lance kay Gracie sa kusina kung nasaan ang mama nila. “Ma, something’s really wrong with Kuya!” Natawa lang si Jenny sa sumbong ni Gracie, “Lance, kailangan na ba kitang ipatingin ulit sa doktor?” “Mama?” simangot naman ni Lance. “O, bukas na yung birthday mo, Gracie. May gusto ka bang puntahan?” “Ahm, well, Disneyland’s overrated already,” seryosong sagot ni Gracie. “Maybe just give me money. I want to treat my friends pag nag start na yung school.” Nagkatinginan sina Lance at Jenny. “Sure ka na?” tanong ulit ng ina. Tumango si Gracie. Walang agam-agam. “Sige, ibibigay ni Papa bukas.” Sabi ni Jenny, “Mag-lunch na lang tayo sa labas tomorrow.” “Ok! Can we invite Ate Sam?” hirit ng bata—siya namang pagpigil ni Lance sa paglunok. “Please! Please, please!” Napatingin si Jenny kay Lance na para bang may telepathy na nangyayari sa pagitan nila. “It’s my birthday naman eh!” dagdag pa ni Gracie. “Ipapa-ampon ka na namin kay Pastor Sam,” panlilisik ng mata ni Lance kay Gracie. “Sige, sabi—” “Thanks, Ma!” putol niya sa ina, sabay karipas palabas ang bata. Nang makalabas si Gracie, agad na nag-iba ang atmosphere sa kusina. “Nasabihan mo si Samara?” seryosong tanong ni Jenny. Natulala si Lance. “Ha’y na ‘ko! Eh, bakit ang tagal mo sa kanila kanina?” usisa ni Jenny. “Ma, ma, relax. Nasabihan ko si Pastor. Still a ‘Sam’ right?” Nanlilisik ang mata ni Jenny, sabay hinga nang malalim, “Ok. Nakausap ko na yung resort and yung parents. Ikaw ang kukuha ng cake doon sa bakeshop, ha?” “Ako bahala!” proud na proud na sagot ni Lance. “Yan din ang sinabi mo kanina! Bakit ka ba naiinis kay Sam? Kapatid ni Leiah ’yon, ha?” “Hindi ako naiinis sa kanya,” depensa niya. “Siya ang naiinis sa’kin. Big difference.” Samantala naman, ang walang kaalam-alam na si Gracie ay masugid na iniimbitahan ang paborito niyang kapitbahay. “I promise, hindi ka kukulitin ni Kuya.” Napahinto si Sam sa maling key sa piano. “Gracie, it’s alright. I just really don’t want to get in the way. It’s a family time.” Lungkot na lungkot ang mga mata ng bata at hindi niya maitago ang pangingilid ng luha, “But…” pagpigil niya ng iyak. Ipinatong ni Sam ang kamay niya sa ulo ni Gracie, “Hey, it doesn’t mean I don’t want to be with you on your special day, ok?” ngiti niya. “After you have your lunch with your family, I can still borrow the time left.” Agad na nangiti si Gracie, na para bang naiuurong ang luha. ‘This lie is harmless, Samara. No need to feel guilty,’ bulong na lang ni Sam sa sarili. “Princesses keep their promise, and you should too, Ate Sam,” sabi ni Gracie habang ipinapakita ang pinky swear sign. Napabuntong hininga si Sam sa isip niya. Nagpinky swear sign din si Sam, “Promise, we’ll spend time after.” Masayang-masaya si Gracie at mas nagtagal pa kina Sam. Kinabukasan, alas-diyes ng umaga, nagsimula na ang paghahanda. “Mama, si Kuya, tulog pa rin hanggang ngayon!” sigaw ni Gracie pababa ng hagdan. “Haay naku!” kunwaring pagka-inis ni Lester. “Iwanan na lang natin. Hindi naman siya ang may birthday.” Talagang ginagalingan nilang magpanggap para hindi makahalata si Gracie. “There’s something off in this house today,” bulong ni Gracie bago sumakay sa kotse. Nang mai-lock na ni Jenny ang gate, saka naman nagmadali si Lance na bumaba para umalis at mauna sa resort. Lumabas si Lance at sinipat kung nakalayo na ang sasakyan nila. Hindi na niya natatanaw ito mula sa gate kaya pinuntahan niya si Sam na naghihintay sa sasakyan. “Are you sure you can drive?” Tanong ni Sam na nasa passenger seat. Ngumisi si Lance, “I don’t think I’ll get a license if I can’t. So, just sit back, relax, and be my passenger princess.” “I’m just doing this for Gracie.” “Fine,” ini-start na ni Lance ang sasakyan. Dahan-dahan silang nag-drive palabas para makasigurong hindi nila makakasabay sina Gracie. Sa bakeshop malapit sa mall lang nila kukunin ang cake at cupcakes. Pagbalik sa sasakyan ay sa likod na umupo si Sam para i-secure ang cake. “Do you want to go slower? You’re ruining the frosting,” yamot na sabi ni Sam. “Bantayan mo lang ’yang cake. Kung mas babagalan ko pa, bukas na tayo makakarating dun.” Sagot ni Lance. “You’re so annoying. Anyway, nasaan na raw sila?” “They’re almost there. Nasa venue na rin yung mga friends and parents.” “That’s good.” Nanahimik ang buong sasakyan. “Turn the radio on.” Utos ni Sam. “Sure, seniorita,” sagot ni Lance saka binuksan ang radio. Hindi maintindihan kung bakit awkward ang buong paligid at bakit siya lang ang nakakaramdaman noon. Imbes na mag-isip o magsalita ay ipinikit niya na lamang ang mata. Hindi niya napansin na nakatulog siya, basta na lang siyang nagising sa tugtog sa radyo na sinasabayan ni Lance. Sandali niyang nakalimutan ang awkwardness na nararamdaman at napatulala kay Lance. Dahan-dahang huminto ang sasakyan sa red light. “Okay ka lang, seniorita?” pang-aasar ni Lance. “I’m fine, stupid-face,” sagot naman ng isa. Tumuloy sa pagpikit si Sam at tumuloy sa pagsabay sa mga kanta sa radiyo si Lance. ‘Why does he have to have a face and a voice like that?! Is he trying to be a bandboy idol?’ Bulong ni Sam sa isip. Huminto sa pagkanta si Lance nang tumawag ang kanyang mama. “Malapit na malapit na kami, Ma,” sabi nito sa telepono. Pause. “Ah… ok sige sige. Binagalan ko talaga kahit tanungin mo pa si Samara.” ‘Did he just call me that?’ nanlisik ang mata niya. “The cake and cupcakes are so intact. Thanks to her,” sabi pa ni Lance sa telepono. “Ba-bye na, papasok na kami sa street.” Sabay baba ng telepono. “Sam, ok naman kayo ng pastries diyan, noh?” “We’re ok. Intact, like you said.” Ilang sandali lang ay nakapasok na sila sa resort. Mabilis silang nakapag-park. Akmang lalabas na si Sam nang pigilan siya ni Lance. “Hold on,” mabilis na lumabas si Lance ng sasakyan at binuksan ang pinto sa back seat at inilahad ang kamay niya. Natulala si Sam sa kamay ni Lance. Iaabot na niya sana ang kamay niya, pero… “Yung box?” Puro question mark ang mukha nilang dalawa nang sabihin iyon ni Lance. Tila uminit ang ihip ng hangin sa pagitan ng dalawa. Lalong napasimangot si Sam at saka iniabot ang box na hawak niya, “Tumabi ka, baba na ‘ko.” Sabi niya, pagkakuha ng dalawa pang box ng cupcakes. ‘That’s so close to embarrassing myself!’ bulong niya sa sarili habang mabilis na naglakad. Agad nahanap ng dalawa ang gazebo na ni-rent para sa party. “Gracie, look who’s here!” sabi ni Jenny. “Ate Sam!” sigaw nito at patakbong sinalubong si Sam. “Happy birthday, Gracie!” bati nito na parang walang kinaiinisan. “Oh, look, my favorite brother’s also here!” pangiinis ni Gracie. Ngumiti na lang si Lance, siya namang hagikgikan ng mga kaibigan ni Gracie. “Hi, kuya Lance! Chloe!” “Dana!” “Millie!” They lined up like total fan girls. Natawa si Lance sa isip. “Oy! Nagsitangkad kayo ah!” bati naman ni Lance sa mga bata. Kanya-kanyang pa-cute ang mga ito sa kuya ni Gracie. “Alright, girls! It’s time to blow out my candle so we can swim!” “That’s right!” sagot naman ni Sam. “Candles, Lance.” Iniayos na nila ang cake at saka kinantahan ang birthday girl. Pagkatapos ng prayer for the birthday celebrant ay inihipan ang kandila at saka nagsimula ang party. Nang makatapos kumain ay nagsipagpalit sila ng panligo at masayang nagsipag-selfie. “Uh, kids nowadays are not excited about jumping into the pool anymore. Puro na lang sila selfie,” sabi ni Lance habang nakatingin sa kapatid na panay ang pose sa camera ng kaibigan. “You sound like my dad.” Sabat ni Sam. “Oh, look! The indoor princess is out in her, uh, what is that? Is that your swimsuit?” Turo ni Lance sa suot ni Sam na itim na rash guard. “Don’t you know how harsh UV rays can be on epidermis? I’m not risking it.” Iling ni Sam. “At least Maria Clara still exists. I’ll give you that,” sabi ni Lance sabay higop sa slushie niya. “Wow, you can’t even take your shirt off. You’re probably the only guy wearing a shirt like some lifeguard,” tawa ni Sam. “I’m just saving you from drooling,” bawi naman ni Lance. “I’m out of here!” Sabay nag-walkout si Sam. Maya-maya ay naisipan ni Lance na lumangoy sa dagat since puno ng mga bata ang pool. Nakaupo lang si Sam sa silong habang nagbabasa ng libro sa tablet na dala. Napansin ni Sam na parang di na umahon ang ulo ni Lance. Napatayo siya at unti-unting lumalapit sa tubig. “Lance!” Napasigaw siya nang ‘di na mapakali. Walang imik ang dagat, kaya naisipan na ni Sam na lumangoy para hanapin si Lance. Hindi napansin ni Sam na napalayo na pala siya nang husto. Sa pag-ahon niya ay narinig niya ang pagtawag ni Gracie. Nasa likuran ni Gracie si Lance, Mukhang kaahon lang. ‘Wow. So, I was worried for nothing?’ Tanong niya sa sarili. “Coming!” Sa paglangoy ni Sam ay naramdaman ang pagsakit ng paa. ‘s**t! Leg cramp.’ Sinubukan niyang ihinahon ang sarili at iayon ang paa, pero unti-unti na siyang nahihirapang huminga. Nakaahon pa siya nang kaunti hanggang sa nawalan siya ng malay. (To Be Continued)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD