Chapter 32 Gabriel Tunog ng malakas na buti ang nagpaingay sa aking penthouse nang binato ko ang bote sa pader. Naiinis ako sa kilos pagong na paghahanap ng mga pulis sa asawa ko. Dagdagan pa ng mga kinuha kong tauhan para maghanap kay Allysa, pero kahit isang impormasyon wala pa rin akong balita kung nasaan ang asawa ko. Namatay na si Lola at kalilibing niya lang kahapon. Ang tubo na lang kasi nito sa ilong ang bumubuhay sa kaniya at ginawa ko naman ang lahat para mabuhay siya, subalit sumuko na si Lola. Marahil sa katandaan niya na rin. Nabagok kasi ang kaniyang ulo nang nahulog siya. Hindi ko man lang siya napakilala sa kaniya si Allysa. ''s**t! Saan ka ba nagtatago, Allysa? Bakit ang hirap mo hanapin? Saan ka na ba?'' bulong ng isipan ko. Kung makikita ko lang siya muli sisigur

