MABILIS na lumipas ang araw. Nakatanggap ako ng tawag mula kay mama nang isang hapon papuntang plaza. Agad ko iyong sinagot. Umupo muna ako sa bakanteng bench. “Hello, Ma?” bungad ko agad sa kanya. “Anak, Lumi. . . umuwi ka rito bukas, a. Birthday ng kapatid mo.” ani niya sa kabilang linya. Napatingin ako sa aking cell phone. Twenty-three na pala bukas, birthday nga ng bunso kong kapatid. Magkikita na naman kami ng mga pamilya kong walang ibang sabihin sa akin kundi mga pangaral at bawal mag-boyfriend. “Opo, Ma. Uuwi po ako. Magpapaalam lang po ako sa senior officer namin,” sagot ko naman. Bumubulong sa likuran ng aking isipan nga sana payagan nga nila ako. Biglang pumailanlang ang malakas na musika sa plaza. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni mama. “Nasaan ka, Lumi? Bakit ang

