"THANK you and come, again," paalam ng kahera nang lumabas na ako mula sa isang maliit department store. Bumili pa talaga ako dun ng panty dahil wala nga akong bihis kagabi pa. Kahit na mahirap lang kami malinis naman ako sa katawan. Tagaktak na naman ang limang daan ko. Nakakapanghina talaga. Bumalik ako sa condo ng amo ko saka naligo at nagbihis. Inulit ko na lang ang uniporme ko't nagspray ako ng sobra sobrang cologne saka ko nilisan ang condo ng amo. Sinagad ko nang takbo ang gate ng campus namin dahil ilang minuto na lang malalate na ako sa unang subject ko. Patakbo ko na binaybay ang pasilyo ay napansin ko na nagkakagulo ang mga estudyante sa malawak na espasyo ng campus. Hindi ko maiwasang maintriga. Nilinga ko ang leeg. Pansin kong nagtitili ang mga kababaihang estudyante sa

