"Where do you want me to go? Sa impyerno o padaliin ang buhay niyo?" tanong ko sa dalawa habang patuloy lang akong nagmamaneho ng mabagal. Sino ba mag-aakalang mag-aangkas ako ng dalawang lalaki sa araw na 'to? Buti sana kung kotse ang dala ko, hindi sana ako nahihirapan ngayon. Ang gugulo kasi ng dalawang 'to! At ano'ng katanungan ba 'yang itatanong nila sa 'kin? "Nako, Spent! Wala namang ganyanan! Ni hindi ko pa natutupad ang pangarap kong mapangasawa kita eh," sagot ni Tristan. "Prosecutor Reyes, huwag ka nang umasa dahil wala kang pag-asa." Holy sh*t! Damang-dama 'yon. Buti pa si fiery priest alam na alam na ang resulta. Samantalang 'yong isa d'yan, parang hindi man lang maramdaman na wala na siyang pag-asa. "Malay mo 'di ba? Malay mo isang araw, in a relationship na pala

