------ ***Akeelah's POV*** - Nagpupuyos ako sa sobrang galit habang nakatingin kay Saven. Napakatalim ng titig ko sa kanya na para ko syang sinasaksak nito. Ibinalik nya ang kanyang paningin sa akin. Hindi ko maintindihan ang emosyon sa nakikita ko sa mga mata nya pero madilim ang anyo nya. "Anong ipinunta mo dito?" malamig na tanong nya. Pero wala akong panahon para sagutin ang tanong ni Saven. Dahil napupuno ang puso ko ngayon sa pagkasuklam ko sa kanya. Kaya bago ko pa napigilan ang sarili ko at ng mga kasama ko, mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong paglapit sa kanya, saka ko sya sinampal ng ubod ng lakas. "What is that for?"sapol nya ang pisngi na nasampal ko. "I'm sorry pero sana naintindihan mo na bu-----" I cut his words by slapping him again.Namumula na kanyang pisngi

