49: Jealousy

1198 Words

Nanatiling nakatitig si Caroline sa pagkain nakahain sa harap. Inayos na iyon nina Carmina at maingat na inilagay sa pabilog na lamesa na nasa gitnang bahagi ng kitchen. Nagsiupuan na ang lahat ngunit naroon siya at tila nakatulala lang. “Huy, uso umupo, ha?” pag-untag sa kaniya ni Cynthia at hinila pa siya nito paupo. Nag-malfunction yata ang sistema niya dahil kay Elexir. Malalim siyang napabuga ng hininga. Wala nang sabi-sabi pa at nagsimula na ang lahat na kumain. Iba-ibang uri na naman ng pagkain na pang-agahan ang inihanda para sa kanila. Natutuwa ang puso niya dahil sa tratong ibinibigay sa kanila ng pamilya Montenegro. “Saan nga ulit tayo pupunta?” pagbasag ni Celeste sa katahimikan. Tanging mahinang kalampag ng kubyertos at tunog ng centralized aircon ang namumutawi sa paligid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD