Ng makaalis na ang matanda at papasok na ang kanyang tita Evita ay dali dali nyang binuksan ang gate.
nakapagluto ka na ba? bungad sa kanya nito. "Opo tita , sagot niya.
ipaghain mo ako at nagugutom ako, siya nga pala bukas may pupuntahan tayo mag ayos ka ng sarili mo..
Nag isip siya kung saan sila pupunta dahil unang beses itong yayain sya. nagtataka sya at di nakatulog ng maayos kakaisip dito.
" napabalikwas sya umaga na pala.. dali dali syang tumayo at naghanda ng almusal.
Magbihis ka ng maayos ha at maligo ka" saad ng madrasta nya..
matapos nya magligpit at maghugas ay dali dali syang naligo.
kumatok sa pinto ng kwarto nya ang madrasta at iniabot sa kanya ang isang dress na kulay pula.
agad nya itong isinuot ngunit bigla syang nailang sapagkat kita ang cleavage nya at hanggang itaas lamang ng tuhod ang haba nito.
Balingkinitan naman ang kanyang katawan maputi at makinis ang balat niya . Hindi maikakaila ang ganda nyang taglay at lalo itong lumitaw sa suot niyang pulang dress.
"Halika na AMIRAH at inaantay na tayo sa pupuntahan nation saad ng mahadera nyang madrasta.
nagtataka man ay walang atubiling sumama sya sa madrasta.
Sumakay sila sa isang magarang sasakyan na syang sumundo