CLARK'S POV Hinuli ko ang kamay nito sako ko pinaikot at ibinalibag na parang sako ng bigas. Huling lakas nalang ang kakailangan ko. Tumayo ito mula sa pagkakabalibag nya. Buhay na buhay pa. Samantalang ako ay nakapikit na ang isang mata. Hinahabol ko narin ang paghinga ko. "Come at me moron.",sinenyasan ko itong lumapit. Pumikit ako. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nagfocus ako sa galaw at amoy ng kalaban. Pinag-isa ko ang hangin at ang aking katawan. Hayan na sya papalapit na. Ang kanyang takbo ay nagmistulang slow motion. Susuntukin nya ako,pero umilag ako. Bawat suntok nito ay iniilagan ko at sinasangga. Malapit na nya gamitin ang kanyang paa. Hayan na! Nang sisipa na ito ay hinuli ko ang kanyang paa saka malakas na iniikot iyon sa hangin. Inipon ko na ang lahat ng lakas kong nati

