CLARK'S POV Pinahiga ako ni France sa kama upang gamutin ang aking sugat.Nang matapos ito ay bumaling naman ito kay Chelle para kausapin ito. "Ligtas na sya sa kamatayan,malayo lang sa bituka.Kailangan mo lang syang bigyan ng antibiotic every 12 hours at linisin mo na rin ang kanyang sugat atleast twice in a day." Tumango lang si Chelle dito. "Sya,magpapaalam na ako ha,good luck sayo. Sana makalabas ka pang buhay dito.",humalakhak lang ito na parang demonyita. "Hoy,di mo man lang ako tutulungan?",sigaw ko dito.Gusto ko nga sana itong pigilan dahil kanina pa ako gustong lapain ng buhay ni Chelle,para itong isang tigre na naghihintay sa mabibiktima nya. "Kaya mo na yan. Matanda ka na.",itinaas pa nito ang kanyang kamay at iwinagayway iyon sa likod nito saka tuluyang umalis. Bumaling

