CLARK'S POV "Susunod ka rin pala.",saad nito saka kinuha ang pagkain na nasa tray. Lumapit ito saka umupo sa tabi ko. Balak nya akong subuan pero pinigilan ko ito. "Mahal,ako na. Hindi mo naman ako kailangang subuan." Pinaningkitan nya uli ako ng mata kaya napatahimik na lang ako. "Say aaa.",saad nito sabay buka ng bibig. Ibinuka ko naman ang aking bibig ko at tinanggap ang subo nito hanggang sa matapos akong kumain. "Upo ka lang muna mahal,huwag ka munang hihiga." Sinunod ko ang sinabi nito. Lumabas ito para kumain. Nang makabalik ito ay umupo sa aking tabi. "D-dito kaba matutulog?",tanong ko na nauutal. "Oo naman,bakit saan ako sa tingin mo matutulog?",nakataas pa ang kilay nito habang nagsasalita. "I mean mahal,baka hindi ka komportableng katabi ako sa pagtulog." Tumingin i

