Chapter 23 "Miss Glenda, si Mr. Ricaforte, ba iyong kausapin ni Elliot?" kunot noo tanong ni Rica. Napatingin lang si Rica sa kinatatayuan ni Elliot at napansin nga niya naay kausap itong matandang lalaki na namukhaan agad niya ito na si Mr. Orion Ricaforte. "Huh? Oh my god! Siya nga Rica," gulat na sabi ni Glenda. Hindi na muna lumapit si Glenda sa kinaroroonan ni Elliot at hinayaan lang niyang kausapin ito ni Mr. Ricaforte. Hanggang makita tumalikod ang guwapong binatang si Elliot kaya naman agad siyang naglakad papalapit kina Mr. Ricaforte. "Good evening, Mr. Ricaforte," ngiting pagbati ni Glenda. "Good evening Miss Glenda, kilala mo ba iyang nasa likuran mo?" kunot noo tanong ni Orion. Kararating lang ni Orion galing sa isang business trip at nagpahinga lang siya saglit sa

