NAPATINGIN ako sa paligid nang ako na lamang ang mag—isa rito locker room namin. Nilabas ko na sa suot kong pants ang envelope na binigay niya, palihim na inabot ni Quillon ito. Tumanggi nga ako, pero nagpumilit siya kaya wala na akong nagawa. Nilagay ko na lamang muna sa bag ko ang envelope, sa bahay ko na lamang bubuksan dahil may work pa muli ako at kailangan ko ng lumabas muli. Huminga muna akong malalim at binuga ang hangin na aking ininhale. Pinakalma ko ang aking sarili at lumakad na muli papunta sa loob ng bar para kumuha muli ng order sa ibang customer namin. “Elle, pa—simpleng tumitingin dito iyong nag—table sa iyo, si Mr. Zobel. Mukhang may tama na talaga sa iyon,” bulong ni Sammy sa akin, nakasalubong ko siya rito sa harap ngg bar counter. “B—baka may order lang... Kaya n

