ANONG PAKULO 'YON ? HINAKLIT niya ang braso ni Frank saka mabilis na hinila ito palabas ng bahay nila. Nagpatinaod naman ito sa kanya. Hinarap nya ito. Pinukol nya ito ng masamang tingin. Kung nakakatusok lang ang talim ng mata niya, may butas na ito sa gilagid. "So, ikaw ang nagre-rent talaga at hindi si KC ? Tama ba?" aniya sabay duro ng hintuturo rito. "Anong trip mo, Frank? Sige nga, bigyan mo ko ng kanais-nais na dahilan?" sikmat nya. May naglalarong ngiti sa mga labi nito. "Gusto ko lang." Nonchalant na sagot nito. Ha? 'yon lang 'yon? Lukot na lukot na ang mukha nya sa pagkabanas sa lalaking 'to. "Anong gusto mo lang? kanino mo nalaman na need ko ng ka-share? at saka, may girlfriend ka 'di ba? Pumayag sya? At saka bakit sinabi mong si KC ang uupa? Ang lakas ng trip mo !" sun

