Ang pagkamatay ng pamilya Cristobal
Ella POV:
Gaano ba kahalaga ang buhay kung mali naman ang iyong tinatahak at gaano ba kaimportante ang pamilya kung ang kapalit nito ay ang taong pinili mong mahalin..
Minsan ka na rin bang naging tanga katulad ko? marahil ay itong kwentong ito ay para sayo
Nagsimula ang lahat nang araw na yun masaya at planado na ang lahat para sa isang masayang bakasyon nang pamilya Cristobal pero wala silang ka alam alam na iyon na pala ang huling araw na masaya silang mag kakasama sama
"Samuel! matagal ka pa ba? mahaba haba pa ang byahe kailangan nating maka alis kaagad"
malakas na sigaw nang kanyang ama na si Ricky
kaagad naman lumabas ang batang si Samuel at saka ngumiti sa kanyang ama
bago tuluyang sumakay sa kanilang kotse
"baka may nakalimutan ka pa? Samuel.."
pang aasar naman nang kanyang ate Ella
"bakit kasi hindi mo na lang dinala ang bahay para siguradong wala ka na ngang naiwan?"
pag dudugtong naman nang kanilang ina kaya napa tawa na lang ang lahat
"oo nga edi sana parang nag lipat bahay lang tayo hahaha" dagdag pa nang kanilang ama na si Ricky
Ngunit habang masayang nag tatawanan ang kanilang pamilya ay bigla na lang sumigaw si Ella nang makita ang isang sasakyan na bubungo sa kanila
"Dad!!!"
Napatingin kaagad sila sa harap at sinubukan pang umiwas si Ricky sa isang Van na sasakyan na papalapit na sa kanila ngunit dahil sa lakas nang patakbo nito ay bigla na lang nag salpukan ang kanilang sasakyan at tumilapon sila pabaliktad sa kalsada kayat sa lakas nang pag kaumpog nila ay nawalan si Ella nang malay
Kaagad naman bumaba nang sasakyan ang lalaking naka bunggo sa kanila at dali daling lumapit sa kanila para icheck silang lahat ngunit bigla naman nag ka malay si Ella at napa tingin kaagad sya sa kanyang pamilya na duguan na at wala nang buhay sinubukan nya pang gisingin ang kanyang pamilya ngunit napa iyak na lang sya dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman
Sinubukan nyang lumabas sa kotse subalit napansin nya ang isang lalaking pabalik balik na nag lalakad at batid nyang balisa ito at tila nakainom nang alak bigla nyang ipinikit ang kanyang mga mata nang makita nyang sumilip ang lalaki at hinawakan ang kanyang ama sa leeg
"Hindi... hindi maari to.. hindi ako pwedeng makulong.. paano ang pamilya ko.. ayoko.. ayoko!!!!"
nagulat na lang sya nang sumigaw ito at naramdaman nyang tila umuusog ang kotse kaya't iminulat nya ang kanyang mga mata para tignan ang nangyayari
at nang makita nyang itinutulak nang sasakyan ng lalaki ang kanilang kotse pabagsak sa isang bangin ay pinilit nyang makalabas sa loob nang sasakyan ngunit napansin nyang naipit pala ang kanyang paa subalit wala na rin syang nagawa dahil tuluyan na ngang ihinulog nang lalaki ang kanilang kotse sa bangin kaya't tanging sigaw na lang ang kanyang nagawa
"Hindi!!!!!"
Bago pa man tuluyang mahulog ang sasakyan ay nakita nga ni Ella ang mukha nang lalaki na naka sakay sa loob nang kotse habang naka tingin sa pabagsak nilang sasakyan at saka ito tuluyang umalis papalayo sa lugar na yun
Pagka bagsak nga nang kanilang sasakyan ay nawalan nang malay si Ella saka na lamang sya nagising nang maka amoy sya nang gasolina at amoy sunog kayat dali dali nyang hinila ang kanyang mga paa kahit na labis na syang nasasaktan
pinilit nya na lang na ialis ito sa pag kakaipit habang naka tingin sya sa kanyang pamilya at umiiyak
"mom.. dad.. samuel.. patawarin nyo ako.. wala po akong nagawa.."
matapos nyang mahila ang kanyang paa ay marahan syang lumapit sa kanyang mga magulang at kapatid at saka ito hinalikan sa noo bago tuluyang nag lakad palayo sa kinaroroonan nang kanyang mga magulang at hindi pa man nga sya nakakalayo ay bigla na lang sumabog ang kanilang sasakyan kayat napatilapon sya sa may tabi nang puno at saka humagahulhol sa kanyang pag iyak
"MOM!! DAD!!! SAMUEL!!!!"
"Ms.. huminahon po kayo.. kaya nga tinawagan ko kayo kasi kayo na lang ang gusto kong mag paalam nito sa mga magulang ninyo dahil ayokong mangaling pa sa amin ang nangyari sa kapatid mo"
"Kuya...!!!"
Kinaumagahan
Bigla na lang nagising si Ella at saka sya marahang tumayo para mag lakad ngunit napansin nyang tila wala na ang sasakyan nila kayat dali dali syang lumapit doon kahit nahihirapan na syang mag lakad
Ngunit bago pa man nga sya makalapit ay napansin nya ang isang babaeng pasakay na rin sa kanyang sasakyan kaya dali dali syang sumigaw para marinig sya nito ngunit tila hindi sya pinapanigan nang pag kakataon kaya kaagad syang nag pumilit para maka akyat sa kalsada
Bago pa man nga sya maka akyat ay malayo layo na rin nga ang sasakyan na kanyang nakita kayat napa upo na lang sya sa may gitna nang kalsada at saka bumagsak ang napakalakas na ulan