Chapter 14

1268 Words
Lagi siyang nakasunod sa akin saan man ako magpunta. Ewan ko ba sa matandang ito,.hindi na lang magpokus sa kumpanya niya. Napapabayaan na nga niya ang negosyo dahil sa akin. Mas lalo pa siyang naging possessive, at palagi niya akong pinapasyal kung saan-saan. Ngayon, nandito kami sa resort niya. “Hija baby, isuot mo na ang life jacket mo kasi magje-jetski tayong dalawa. I will drive you… I mean, ako ang magmamaneho ng jetski para sa’yo, kasi alam ko namang hindi ka marunong.” “Teka lang naman, tanda! Nakikita mong kumakain pa ako, ‘di ba?” reklamo ko. Minamadali niya ako. “At saka, wear those bikini that I bought for you, okay? It suits you perfectly,” dagdag pa niya. “No way! Hindi ako magsusuot ng ganyang panty at bra, Tanda. Gusto mo bang pagtitinginan ako ng mga lalaki dito, ha?! Sige ka, baka maagaw nila ako mula sa’yo.” “Of course not, sa akin ka lang. At saka papatayin ko ang sinumang magtangkang tumingin sa katawan mo. I’ll f*cking kill them! Ako lang dapat ang tumitingin sa’yo, wala nang iba pa!” “Then huwag mo akong pilitin na magsuot ng bikini. Kung ayaw mo naman pala akong pagnasahan ng iba.” Hindi ko mapigilang mapangiti. “Oo na, hindi na… baka maagaw ka pa ng iba eh.” Pagkatapos kong lantakan ang watermelon, agad kong isinuot ang life jacket. Inalalayan niya akong sumakay sa jetski, maingat na parang ayaw niyang madapa ako. “Kumapit ka sa akin nang mahigpit, baka mahulog ka. Marami pa namang pating dito,” babala niya ngunit hindi ako takot sa pating. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. Hindi naman ako natatakot mahulog—may life jacket ako at marunong din akong lumangoy. “Hey! Kumapit ka!” saway niya, ngunit nagbingi-bingihan lamang ako. Sigaw ako nang sigaw, tuwang-tuwa. Ang ganda talaga! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakasakay ng jetski. Sana palaging ganito kasaya! “Sabing kumapit ka, hija baby! Baka mahulog ka diyan!” muling utos niya, ngunit hindi ko siya pinansin. Umusok na ang ilong niya sa inis. Bahala ka diyan, Tandang Sergio! At sa kakulitan ko, nahulog nga ako mula sa jetski. “Fvck! Alice!” nag-alalang sigaw niya. Ako naman, kampay lang nang kampay ang dalawang kamay, parang bata sa tubig. “Sakay!” sigaw niya, ngunit umiling-iling lamang ako. Sabay kong hinubad ang suot kong life jacket, bagay na ikinalaki ng mga mata niy at binalibag ko ito sa kaniya. Nasalo naman niya ito. Agad siyang naalarma sa ginawa ko. “What the hell are you doing, Miss Alice?!” halos pasigaw na tanong niya, ngunit inirapan ko lang siya. “Gusto kong lumangoy. Paano ako makakalangoy kung may suot akong life jacket, tanda?” sagot ko. “No! It’s too dangerous! Please spare your life, hindi ka pwedeng malunod!” halos manginig ang boses niya. “Wag kang mag-alala sa akin, Tanda! Marunong akong lumangoy!” sigaw ko, sabay sisid sa ilalim ng dagat. Halos magwala si Tandang Sergio habang nakasakay pa rin sa jetski, hindi mapakali sa bawat segundo na hindi niya ako nakikita. Pag-ahon ko makalipas ang ilang minuto, agad kong nilingon siya. Nakita kong napahilamos siya ng mukha, halatang hindi mapakali. “You can’t swim right? Halika, ako ang bahala sa’yo. Don’t worry, hindi ko hahayaan na malunod ka, Tandang Sergio!” biro ko, sabay lumangoy papalapit sa kanya. Umiling-iling siya, tila sumuko sa kakulitan ko. At bigla na lang akong lumitaw sa harap niya, sabay hila ng braso niya kaya't nabitawan niya ang manibela ng jetski at napatalon. “Alice! What the hell are you doing?!” nag-alalang sigaw niya. Nakaalalay lamang ako sa kaniya. Ako naman, natawa lang. “Relax, tanda. Hindi ka malulunod habang ako ang kasama mo.” “See? Hindi naman nakakatakot, ‘di ba?” sabi ko, habang tinatapik ang balikat niya. “Don’t ever do that again,” bulong niya, halos pakiusap na. “Hindi ko kayang mawala ka, Alice.” Mapait akong ngumiti. Talaga bang mahal na niya ako o sinasabi niya lang iyon upang hindi ako umalis sa mansyon pagkatapos ng kontrata? ‘wag kang umasa, Alice' Tatlong oras rin kaming nasa tubig. “Hoy tandang Sergio, you really can't swim? Sitenta y singko anyos kanang nag-exist sa mundong ito, di ka talaga marunong?”tanong ko nang ihatid ko siya sa buhangin. Kanina pa kasi nanginginig ang tuhod niya sa sobrang takot na baka siya ay malunod. “Gusto mo bang turuan kita?” dagdag ko pa ngunit mariin siyang tumanggi. “Paano kung malunod ka, tapos wala ako? Sinong sasagip sayo?” Saglit siyang nag-isip. “I guess mamatay ako?” Abnormal talaga si Tanda. Ganon nalang? Mamatay na agad? Delekado pala ang matandang ito kapag sumakay ng barko tapos nalunod. Hayss. Kung sabagay, sitenta y singko anyos na siya. Pwede na kuhanin ni Lord. “natitiyak kong impiyerno ang bagsak mo, Tanda!” pang-iinis ko pa sa kaniya, kumunot ang noo niya. Ang cute ni Tanda mainis! “How did you say?” Malamang, nakapatay siya. Kundi isa kundi dalawa, murder kasi iyon. At nasa ten commandments ang don't kill. At lumabag siya kaya nasisiguro kong impiyerno bagsak niya. “Ayaw mo non? Ma-meet mo na si Taning.” “Who's Taning?” Napakamot nalang ako sa aking ulo at sabay na napasinghap. “Si Satan,” nakangising sagot ko na mas lalong ikinainis niya. “so you want me to die? Is that what you mean?” mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Mamatay ka talaga kapag nalunod ang barkong sinasakyan mo kasi di ka marunong lumangoy.” “Never pa akong nakasakay ng barko, hija baby. Lagi akong nag-aairplane.” Kasi takot siya malunod. At ako naman ay takot sa heights. Ayoko sumakay sa airplane. “Next month before our contract ends, pupunta tayo ng Disneyland.” “Pumunta ka mag-isa, Tandang Sergio. Dito lang ako sa pinas.” Bahagya siyang ngumisi. Aba! Nakaganti. “Kasi you scared of heights, right?” “Of course not, ayoko lang magtravel kasi sayang ang pera. ” Takot naman talaga ako sa heights. Kaya ayokong sumakay ng eroplano. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay magka-airplane crash. Di pa ako handa na i meet si Satan.. “I've already booked our ticket.” Wala akong pakialam kung nakapagbooked na siya ng ticket basta hindi ako sasama sa kaniya. Baka mauna akong matigok sa kaniya. “Kung sawa kana sa pera mo akin nalang. Kasi i-dodonate ko sa mga welfare para sa mga bata sa bahay ampunan lalo na sa mga aso o pusa na inabandona. --- Ngumiti siya sa akin at nagkamot ng ulo. “My money is also yours. May dineposit nakong 10 milyon pesos sa atm mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ten milyones talaga? Wala pa nga sa singkwenta mil ang nagastos ko sa pera na nasa atm tapos now may 10 milyon na naman. Kung materialistic lang ako,matagal ko ng naubos iyon kaso hindi ako tulad ng ibang babae eh. Simply lang ako at kuntento sa simpleng damit at sapatos. “Mas gusto ko mag-sea diving tayong dalawa kaysa sa Disneyland na iyan. At saka ang tanda-tanda mo na para magpa-Disneyland, Tandang Sergio!” Umiling-iling siya. Bahala siya, kasi ako ayokong magtravel sa disneyland na iyan. Mas gusto ko pa alagaan ang halaman at bulaklak niya kaysa magtravel. “Pwede mong dalhin ang sekretarya mo sa disney land na iyan para di masayang.” Dagdag ko pa. “Selosa ang hija baby ko!” Mukha niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD