Chapter1 -Taruray-
Taruray's POV
"Taruray, nandito na naman tayo? Don’t tell me na magpapanggap ka na namang Aja?" Amy said, makikita sa mukha niya ang pagtataka at medyo inis pa.
Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. I’m not even sure how to react. Basta, nandito na naman ako... sitting in my car, nakatingin kay Aja habang kasama si Mikael sa isang coffee shop at masaya silang kumakain. Si Aja ang kakambal kong kinasusuklaman ko nang sagad hanggang bùto ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari sa akin ang nangyari nuon.
"You're unusually quiet again, Taruray. Is there something bothering you? You seem a bit off... are you sure everything's okay? If there's anything on your mind, you can talk to me, you know. I’m here to listen if you need someone to share with." Wika ni Thessius. Ang kanang kamay ko sa organisasyong ipinamana sa akin... ang Black Serpents at ako ngayon ang tinaguriang Queen of Black Serpents.
Hindi ko siya sinagot. My thoughts were elsewhere. Gaya ng dati, bumalik na naman ako sa mga alaala ng nakaraan... ang mga sakit na iniwan sa akin ng pamilya ko, lalong-lalo na ni Ajaziah. Sa totoo lang, my family doesn't love me at all. Hindi nila ako minahal, ni hindi nga nila ako hinanap. When they thought I drowned, they didn't even try na hanapin man lang ako na baka sakali na buhay pa pala ako at hindi 'yung basta na lang nila akong inilibing sa limot. Wala man lang silang effort para alamin kung nasaan ako. They just gave up, parang napakadaling tanggapin na wala na ako. It’s as if they couldn’t care less. Masakit 'yon sa akin, samantalang sila nagpapakasaya kasama ang kakambal ko.
Well, bakit naman nila ako hahanapin? After all, they still had Aja... ang kakambal kong perpekto sa mga mata nila. Si Aja na laging bida sa kanila, si Aja na laging napupuri habang ako ay sakit daw ng ulo. She was their pride and joy, the one they loved and cared for. Ako? Ako na lang ang laging nasa background, forgotten and invisible. Ganuon naman palagi, at sanay na ako nuon pa. Pero ang hindi ko matanggap ay ang hayaan na lang nila na makalimutan nila ako at hindi na nila ako hinanap pa.
Kung hindi dahil sa kanya... hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Kung hindi dahil kay Aja, hindi sana ako muntikang mamatay noon. Alam ko na ang lahat ng ito ay sinadya niya. Sigurado ako diyan.
Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari noon. It was a sunny day... perfect for a beach outing. Labingdalawang taon pa lang kami noon. The family was celebrating Aja’s latest accomplishment. Isa na namang medalya, isa na namang tropeo para sa aking perfect twin sister. As usual, wala akong importansya sa araw na iyon dahil wala naman akong naibigay na kahit na anong medalya sa kanila. I was just there, existing in the background, habang ang lahat ng atensyon ay nakatuon kay Aja.
Kaya that time ay nagdesisyon akong maglakad sa tabing-dagat. The waves were strong that day, pero hindi ko iyon pinansin. I just wanted to be alone. But then, out of nowhere, dumating si Aja. Sabi niya sa akin ay sumakay kami ng bangka. Ayoko dahil takot ako tapos umaalon pa. Sabi niya na kung hindi ako sasakay sa bangka kasama niya ay ibig lang sabihin na hindi ko siya mahal, so nagdesisyon ako na pagbigyan siya para patunayan na kahit na binabalewala nila ako ay mahal ko talaga siya, tutal naman it was her big day kaya pinagbigyan ko na.
Pagkasakay namin ng bangka, mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap ay nasa malayong parte na kami ng dagat at mas lalo pa kaming inilalayo sa dagat. Sigaw kami ng sigaw dahil palakas ng palakas ang alon, pero walang nakakarinig sa amin dahil private island kasi ang lugar na 'yon, so walang tao sa labas at nanduon lahat sila sa loob ng resthouse namin. Sigaw kami ng sigaw, takot na takot at sagwan kami ng sagwan pabalik ng pampang, pero mas lalo lamang kaming inilalayo ng malalakas na alon ng karagatan. Ang masaklap pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya duon na tumaob ang bangka. Tinatangay ako ng agos nuon papalayo kay Aja, and before I knew it, I was struggling to stay afloat. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang nakaraan.
-Reminiscing-
"Help!" I screamed, my voice drowned out by the roaring waves.
"Aja! Tulungan mo ako!" Kumakawag ako sa tubig dahil papalubog ako ng papalubog habang papalayo ako kay Aja. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, nakakapit lang siya sa bangka at tinatawag ang pangalan ko. I was crying, helpless lalo pa at palayo ako ng palayo. Sobrang lakas ng ulan, hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako. I kept shouting her name, hoping she would hear me. Pero wala. Walang Aja. Tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. Iyak ako ng iyak, hinihintay ko ang mga magulang ko kahit bumubuhos pa ang malakas na ulan.
For hours, I clung to a piece of driftwood, sobrang lamig, sobrang takot ang nararamdaman ko. I thought I was going to die. Hanggang sa may dumating na speed boat... ang speed boat ni Wilbert Fuentebella, ang lalaking magbabago sa buhay ko. Ang taong ituturing akong isang tunay na anak.
-End of reminiscing-
"Taruray..." Brieh interrupted my thoughts, her voice bringing me back to the present.
"Are you okay?" Tanong naman ni Charimel.
"Tara na." I replied, ignoring her question. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko. Okay nga ba ako? I don't think so.
"Pupuntahan ko muna ang dad ko. Kanina pa niya ako hinihintay sa office niya. May ipapagawa sa akin. Sasama ba kayo?" Wika ko. Nakatingin lang sila sa akin. Nasa loob kami ng van na dala namin. Tahimik lang sila at nakatitig sa akin. Muli kong sinulyapan si Aja, nakita ko na panay ang linga niya. Natawa ako ng mahina, magaling na assassin ang kakambal ko, nararamdaman niya ang presensya ko, sigurado ako diyan. Nakita ko ang pagtayo niya, maging si Mikael ay tumayo at sabay silang lumilinga sa paligid. Hindi naman nila kami makikita, heavy tinted ang sasayang dala namin.
Humugot ako ng malalim na paghinga habang nakatitig ako kay Aja, then I started the car. Thessius remained quiet, pero alam kong marami siyang gustong itanong. Alam ko naman na nauunawaan nilang lahat ang galit na nararamdaman ko para sa kakambal ko. Muli akong humugot ng malalim na paghinga at saka ako napatitig sa manibela ng sasakyan ko.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Sephyne. Tumango ako at muli kong nilingon ang kakambal ko.
Ako nga pala si Tatjana Thary Fronda, pero matagal ko nang iniwan ang pangalang iyon. That name represents a life I no longer claim. Ngayon, ako na si Taruray Fuentebella, ako na ang nag-iisang anak ni Wilbert Fuentebella.
Si Wilbert Fuentebella ang nagligtas sa akin noong araw na iyon. Tinanggap niya ako bilang anak niya, binigyan ng bagong buhay at bagong pagkakakilanlan, at ngayon nga ay ako na ang humahawak ng kanyang malaking mafia organization... ang Black Serpents. Pero kahit gaano kaganda ang buhay na ibinigay niya sa akin, hindi pa rin natatapos ang sugat na iniwan ng pamilya ko. Galit na galit talaga ako sa kanila.
Hindi nila ako hinanap. Hindi nila ako pinag-aksayahan ng panahon para hanapin at ibalik sa piling nila. They just assumed I was gone and moved on. And Aja? She was always the star of the show. Kahit noon pa man, si Aja ang laging mahalaga.
I hate her. I hate my twin sister. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana nangyari ang aksidente noon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako napadpad sa ganitong buhay. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang sakit na dinanas ko. I will destroy her, just like how she destroyed me.
Habang nagmamaneho na ako pabalik ng opisina ng aking ama na si Wilbert, hindi pa rin mawala ang nangyari ng araw na 'yon... ang araw na iyak ako nang iyak habang nagmamakaawa sa Diyos na sana ay iligtas niya ako. Naalala ko rin ang unang beses kong naramdaman ang galit. It was the day I realized they didn’t care na talagang kakambal ko lang ang mahalaga sa kanila.
"Taruray, Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Ronan kaya kumunot ang noo ko. Nakakainis naman ang mga ito, tanong ng tanong kung okay lang ba ako. Mukha ba akong okay?
"Stop asking. I am fine, okay?" I snapped, my grip tightening on the steering wheel habang dumidiin din ang paa ko sa gas pedal.
They didn’t say anything after that, but I could feel their concern. Alam ko naman na inaalala lang naman nila ako, pero hindi nila alam ang bigat ng galit na dinadala ko sa dibdib ko sa tuwing makikita ko ang kakambal ko.
Pagdating namin sa opisina ng dad ko, I took a deep breath before stepping out of the car. Ang mga kaibigan ko ay nasa likuran ko lang. They are the high-ranking members of my organization, at kaibigan ko rin silang lahat.
Pagkarating ko sa floor kung nasaan ang office room ng dad ko ay muli akong humugot ng malalim na paghinga bago ko binuksan ang pintuan ng kanyang opisina.
"Hi, dad." I greeted as I entered his office. Ang laki naman ng ngiti ng aking ama ng makita niya ako. Mabuti siyang ama sa akin kaya sinusuklian ko ito ng pagmamahal at respeto. Ang sabi niya sa akin nuon ay pinatay ang kanyang pamilya kaya mula nuon ay hindi na siya nag-asawa. Kaya nang mailigtas niya ako, itinuring na niya akong isang tunay na anak.
"Taruray, anak! You’re here." Sabi niya kaya natawa ako at nagmamadali akong lumapit sa kanya. Tumayo ito at sinalubong kami ng mga kasama ko. Yumakap ako sa ama ko at pagkatapos ay naupo agad ako sa swivel chair na nasa harapan ng kanyang office desk. Tinanong ko siya kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa pag-uusap namin sa phone na may ipagagawa siya sa akin.
"Yes, but before that, I want to know... how are you? Mukha kang pagod na pagod. Saan ka ba galing?"
"Just busy with a lot of things, pero okay lang naman ako." I lied, mas okay na 'yon kaysa sa mangulit siya sa akin.
"Is this about your sister?" Natawa ako sa tanong ng ama ko. Alam na alam talaga niya ang nararamdaman ko, pero syempre hindi ako nagpapahalata. Kunwari I froze for a moment, surprised by his question kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga ako nasorpresa.
"What about her? Alam naman ninyo na wala akong pakialam sa kanya, hindi ba?" Sabi ko, natawa naman siya at naupo siya sa kanyang swivel chair. Hindi naman ako kumibo, bahala siya diyan.
Habang nag-uusap-usap kami ay isang malakas na ingay ang gumulat sa aming lahat. Pagkatapos ay bigla naming hinugot ang baril namin at sabay-sabay namin itong itinutok sa pintuan. Tawa naman ng tawa ang aking ama habang si Maximo Wade ay nakatayo lang sa pintuan at may hawak na isang malaking kaldero at takip. Muli niya itong pinagsalpok at malakas na ingay muli ang nagawa nito kaya galit na galit ako sa kanya.
"Sira ulo ka talaga, Maximo!" Si Maximo ang naging kaibigan kong matalik at hindi siya parte ng organisasyon ko, pero dito siya nagtatrabaho sa kumpanya ng aking ama.
"Happy New Year!" Malakas niyang sigaw, kaya paglapit ko sa kanya ay mahina ko siyang sinuntok sa sikmura.
"Na-miss mo ako? Alam ko naman na in love ka sa akin." Tumaas ang isang kilay ko. Sira ulo din itong best friend ko. Ang lakas ng tama sa utak. Talagang pinagpipilitan niya na gusto ko siya. Baliw lang ang loko.
"Mas okay kung kayong dalawa ang magkakatuluyan." Sabi ng ama ko. Nagulat ako, napatingin ako kay Maximo at saka ako kinisig na parang kinikilabutan ako, kaya isang batok ang ginawa sa akin ni Maximo.
"Baliw ka talaga! Kapag ako ang natikman mo, sisiguraduhin ko sa'yo na pipikutin mo ako ng wala sa oras." Sabi niya kaya tawa ng tawa ang mga kasama ko. Napipikon naman ako kay Maximo. Ang sarap niyang ihagis sa ilog na walang tubig, pero punong-puno ng kawayang matutulis.
"Kunwari ka pa diyan, I'm sure naman na laglag ang panty mo sa akin." Sa sobrang inis ko ay sasapakin ko sana siya pero mabilis itong tumakbo palabas ng opisina ng ama ko.
"Umamin ka na kasi, mahal mo ako Taruray!" Malakas niyang sigaw. Napapailing na lamang ako ng aking ulo. Nababaliw lang talaga ang lalaking 'yon. Mula ng mapadpad ako sa poder ng ama ko, naging magkaibigan na kami ni Maximo, anak siya ng kaibigan ng aking ama.
"Kinikilig 'yan." Bigla akong napalingon kay Amy. Natawa lang ako at napapailing ng ulo. Napatingin ako kay Thessius, tahimik lang ito at titig na titig sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin, lumabas na lamang ako ng office, naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin at nararamdaman ko rin ang mga titig ni Thessius sa akin habang naglalakad ako.
"Masyadong halatain si Thessius." Bulong ni Amy, pero hindi ko siya pinansin, at hindi ko rin pinapansin si Thessius.