Kabanata 16
"Huwag! Gusto kong laging hawak ang
kamay mo, alam mo ba iyon? That way,
damang-dama ko ang tiwala ko sa sarili
ko. Kahit kamay mo lang ang
nahahawakan ko, pakiwari ko ay akin ka
na. Mahal na mahal kita. Bata pa ako,
minamahal na kita. Ang seminar na ito,
in-organized ko para sa iyo. Para
makalapit ako sa iyo. Pero dahil
natatakot na ako sa rejection, gumawa
ako ng mas matinding paraan para hindi
ka makaiwas sa akin. "
" A-anong ibig mong sabihin. "
" l'm sorry, but i have to tell you this.
Sinira ko ang hot shower sa banyo, pati
na ang jacuzi. Gusto kongܲ magkaharap
tayo sa paraang hindi ko kailangan
magmakaawa."
" That's crazy! "hindi malaman ni kassie
kung ano ang mararamdaman.
" Yeah, I'm crazy about you. Ganoon ako
kahibang sa iyo. So, ngayon nalaman mo
ang totoo, galit ka na lalo sa akin? Lalo
kang iiwas? "
Hindi siya kumibo.
" kassie, alam kong mali ang ginawa ko
kagabi na halikan kita. Dahil doon, lalo
yata kitang itinaboy sa akin. Naisip ko
rin, baka talagang hindi ka para sa akin.
Baka... May mahal kang iba. Kaya for the
last time, gusto kong tapusin na ang
pagkukunwaring ito. Inilalahad ko na sa
iyo ang tunay kong pagkatao. "
Matagal nang tapos magsalita si Ced ay
hindi pa rin makakibo ang dalaga.
Hindi talaga niya alam kung ano ang
mararamdaman sa mga sandaling iyon.
Isa lang ang sigurado niya, hindi siya
galit kay Ced, lalong hindi siya natatakot
dito.
" Halika na. " Biglang tumayo ang binata
at bumaba sa batuhang iyon.
"C-Ced..."
"C'mon, babalik na tayo sa hotel."
Inilahad nito ang palad sa kanya upang
alalayan siyang bumaba sa batuhan.
Tinanggap iyon ni kassie.
Naging maingat si Ced aa pag-alalay sa
kanya. Para bang ingat na ingat na
magkadikit ang mga katawan nila na
kagaya kagabi.
Nang makababa na siya ay binitiwan na
nito ang kamay niya.
Pagkuway magkasabay na silang
humakbang pabalik sa hotel.
Wala silang kibuan, para bang kapag may
nagsalita ay may sasabog sa pagitan
nila.
Pagsapit sa hotel ay magkasunod na
silang pumasok sa main entrance.
"A-anong oras nga pala ang check - out
n'yo bukas?" naisipang itanong ni kassie
habang patungo sila sa elevator.
"Alas-nueve ang check-out time namin.
Alas-diyes daw kasi ang sundo ng
yateng naghatid sa amin dito," kaswal na
tugon ni Ced habang nakayukong
naglalakad.
"Ah." Napatango siya.
Hanggang sumapit na sila sa bumukas
na elevator ay wala pa rin silang kibuan.
"Mauna ka na," hinayaan nitong
makapasok siya sa loob,
"S-salamat." Humakbang siya papasok,
pero si Jed ay nagpaiwan sa labas.
'B-bakit?
H-hindi ka pa ba matutulog? "
" Hindi pa ako inaantok. Sihe na. Good
night...."
" G-good night.... "
Hanggang sa tuluyan nang sumara ang
pinto ng elevator. Hanggang tuluyan na
itong nawala sa paningin niya.
"Ced...mahinang usal ni kassie.
Nang sumapit na sa palapag na
kinaroroonan ng kanyang unit ay
mabibigat ang mga paang humakbang
siya palabas ng elevator.
Ced... Maniniwala ba ako na mahal mo
nga ako? Paano kong obsess ka lang sa
akin? Paano kung... Nahahamon ka
lang?
At marami pang paano, bakit, ano at kung
anu-ano pang tanong ang pumasok sa
isip ni kassie habang papasok na siya sa
kanyang silid.
Hanggang mahiga na sa kanyang kama
ay magulo pa rin ang puso't isip ni
kassie.
Maybe he's crazy. He could do that such
stupid thing, ang sirain ang hot shower
at jacuzi para lang makaharap ako. And
he blackmailed me para makasama sa
dinner. Dapat ba akong magalit sa
kanya?
Nakatulugan na ni kassie ang mga
katanungang iyon....
"I love you..."
"I love you too..."
Saka dahan-dahang naglapit ang mga
mukha nila upang maglapat ang mga
labi nila.
It was sweet, tender, but very passionate
kiss. Kaytamis niyon sa pakilasa niya.
Ang mahigpit na yakap nito ay tila
gustong pumugto sa kanyang hininga,
pero ayaw niyang bitiwan siya nito.
Sa halip, humigpit din ang yakap niya rito,
habang buong - puso tumutugon ang
mga labi nito.
Mayamaya pa, naramdaman niya ang
marahang paglalakbay ng palad nito sa
kanyang katawan, dumadama, pumipisil,
tila may hinahanap na kung ano sa
kanyang katawan.
Hanggang maramdaman na lang niya na
sakop na pala ng isang palad ng binata
ang isa niyang dibdib, dinadama iyon,
pinipisil, masuyong hinahaplos.....